Scylla
"Ang tingin mo kasi sa akin, isang babaeng napakadaling ipick-up! Akala mo mababa ako." I noticed tears coming out from me.
"Scylla, kailan ko pa sinabi sayo yun?! Ang besides, whatever I told you while I was drunk, doesn't mean anything. Those were incomplete thoughts." Pag-eexplain niya sa akin.
"What I was suppose to add to that was, three words, 'I like it'. Pero dahil nga lasing ako, may tendancy na hindi ko na masabi yun! I like how you are only affected by me and no other guy can make you like that." He explained to me. Natahimik naman kami pareho.
Somehow I felt like something big got removed from my chest. Biglang gumaan yung puso ko. Maybe this was what I needed. Answers.
"Now that's done, may I know, what happened?" He asked without looking at me. Mukhang tinatanong na niya yung tungkol sa anak ko.
"Well, I got so worked up on what happened, I got drunk, someone took advantage of me, and this was born." I explained briefly. 'This' ang tawag ko sa anak ko kasi di ko pa naman alam ang gender niya.
"Who's the guy?" Tanong niya. Nakita kong kumuyom yung kamay niya. Mukhang galit na siya sa nalaman niya.
"You don't wanna know. Besides, iniwan niya ako, iniwan niya ang anak ko. If ever he comes back, the best way to get back at him is to never let him see his child." Sagot ko sa kanya.
"Ok. Pero alam mong dapat kang magfile ng kaso." Paalala niya sa akin.
"I know. Pero kung sakali lang naman na magparamdam siya, tsaka ko lang gagawin yun. Pero mukhang wala naman na siyang intensyon eh." I replied and looked at him with assurance.
〽️〽️〽️〽
He caught up with all of what happened these past four months. Yinaya din niya akong kumain. Gusto daw kasi niyang bumawi sa ginawa niya kanina. Masyado daw kasing OA yung ginawa niya.
Pero nako!! Hindi dapat sa pagkain!! Alam naman ata niyang buntis ako at matakaw talaga eh. Nung tumanggi pa ako, he insisted. Nakarating kami sa isang buffet. Woah! Mukhang alam niya nga!
"Pero hindi ba mahal dito?" I asked him. He smiled.
"Alam ko. May cash naman ako kaya pwede. And besides, mas mapapamahal tayo kung hindi tayo sa buffet kakain." He explained and hinila na niya ako papasok ng restaurant.
〽️〽️〽️〽
Apollo
Alam kong matatakaw daw ang buntis pero di ko ineexpect na ganito katakaw. O_O
Honestly nung una, galit na galit ako sa kanya. Iniwan talaga niya ako sa ere kasi sa Baguio eh. Akala ko na kasi may chance ako sa kanya nun. Pero bigla nga kasi siyang nawala. And to think na pinaghinalaan niya akong ganun?! Magagalit sana ako ng karagdagan pero nang malaman ko kung gano siya nasaktan at nang dahil sa akin kaya siya nagkaganun, all the anger disappeared.
Hindi ko kayang magalit sa kanya after all she's been through because of me.I feel like what she's carrying right now is all my fault. Kung di ko siya nasaktan, di sana siya magliliwaliw to forget. Kung di siya magliliwaliw, di siya madidisgrasya. Kung di siya madidisgrasya, tutuloy ang buhay niya ng normal ang flow.
Kailangan tuloy niyang tumigil sa pag-aaral this year at next year na lang magtapos ng SHS.
Yinaya ko siyang pumuntang park to talk some more. Gusto ko lang talaga siyang icomfort at pagaanin ang loob niya. Ayokong magkaroon ng kasalanan sa kanya.
〽️〽️〽️〽
Scylla
Nag-usap lang kami at naglakad-lakad sa park. Nung una ayaw niya, sabi niya umupo na lang kami, pero ang sabi ko, ok lang naman na lumakad kami.
After sa park, he offered to take me home. Di naman ako makakatanggi kasi ang layo neto sa bahay tapos buntis pa ako kaya siyempre pumayag na ako.
He asked and asked so many questions about how it feels like to be pregnant. Mukhang mas excited pa siya kaysa sa akin.
Pagdating namin sa bahay, parang wala pa si Papa. Wala pa yung sasakyan niya eh.
"Uhm, Scylla, bago ka bumaba, can I?" He gestured to touch my bump. Oh! Well ok lang naman. I raised my shirt and let him caress my bump.
"Ilang months ka na ulit?" He asked while touching my bump.
"Four months. That's about 17 or 18 weeks." I informed him.
"Hmm.. Edi malapit mo na palang maramdaman na sumisipa na siya." He said. Habang hinahawakan naman siya, pareho kaming nagulat sa nangyari, may naramdaman kami pareho.
"Pano mo nalaman yun?" I asked him amazed of what happened.
"Hindi ko pa pala nasasabi sayo na nagswitch ako ng pipiliing course sa college. Next year, pagcollege na, medicine na kukunin ko. I'm going to be an OB-Gyne." Kwento niya. Wow! Convinient sana kung sa mga panahon lang na yun ako buntis, eh ngayon ako buntis! Edi nga nga-ness.
"Pero mukhang imposible mo pa naman malaman yung tungkol dun!" I doubted him. Hindi pa naman yun tinuturo dahil hindi pa naman mismong course yung ngayon eh. Mga strands lang ng education.
"Bakit? I do my research. Tsaka mas maganda nang I know these bwfore I get into college para hindi na ako mahirapan." He kept on touching my belly.
"Sige, see you next time?" I told him. Bumalik naman siya sa pwesto niya at napa-isip. He then smiled like he thought of an ingenius plan. Ano na naman kayang iniisip niya?!
"Sige, bye!" He said as I got off the car. I waved goodbye to him as he drove off.
Sakto din kasi after kong pumasok ng bahay at nagpahinga onti, narinig ko yung kotse ni Papa. I was right. Si Papa nga yun.
"So how was your day?" He greeted me with a smile.
"Ok naman. Bati na pala kami ni Apollo. Turns out, everything was just a misunderstanding." I briefly told him. Alam niya kasi na nagalit ako kay Apollo dati eh.
"Well, buti na lang. Mabait pa naman yun." After niyang sabihin yun, his phone rang. May tumatawag. Siguro sa work niya. Wala namang pinipiling oras yung mga boss o officemates niya kapag tumatawag eh.
"Sige, Scylla. You can go ang sleep already." Sabi niya as he excused himself. Umakyat na ako, nagbihis, at nauna nang natulog.
BINABASA MO ANG
Dance With You
RomanceKapag ba gwapo ang best friend mo, mafafall ka na ba agad sa kanya? Di ba pwedeng pagdaanan muna natin ang friendship stage kung saan may kanya-kanya kayong mga jowa? Kapag naman pinapalibutan ka ng mga gwapong lalaki, malandi ka na agad? Di ba pwed...