4%

130 4 0
                                    

Scylla

Kinabukasan, napagtripan naming magstay muna sa school at maggala gala sa loob. Buong tropa kami kaya medyo enjoy. Syempre lagi na naming kasama si Apollo.

Naglalakad lakad lang kami tapos syempre kwentuhan, biruan, the usual.

"Scylla." May tumawag sa akin. Lumingon ako sa likod. Si Wright pala. Siya yung manliligaw na sinasabi ko. Slowly, I'm starting to like him, kasi ayoko lang na tinatrato niya akong parang isang babasaging baso. I'm a very independent person. Kaya ayoko ng ganun. Tsaka modern akong mag-isip noh!

Naghi siya sa akin so I waved my hand saying hi back.

"Who was that?" Curious na tanong ni Apollo.

"Yun si Wright. Manliligaw ni Scylla. At mukhang Mr. Right na rin niya." Pagbibiro ni Anne Sherina. Tapos nagtuloy tuloy na kami sa paglalakad.

Kaming dalawa ni Apollo yung nahuli kaya kami yung nag-uusap. Nakwento ko sa kanya yung buong story namin ni Wright at nabigyan ko din siyang tips sa panliligaw at kung ano ano pa!

"You know, you are the dominant type." Pagiinform niya sa akin.

"Dominant? Ano ako aso?" I joked glhe smiled and continued.

"Dominant people want to find partners who can make them feel submissive. The same thing with submissive people. They want someon who can make them feel dominant. That's why you have doubts about Wright. You're dominant, he's submissive. You need someone more dominant than you." Pag aadvice niya. Nice! May paganyan ganyan pang nalalaman!

"Ah! Louie, Apollo, may club na nga pala kayong napagdesisyunan?" Biglang tanong ni Faye.

"Ako the usual. Teatro." Sabi ni Louie.

"I'm not yet sure. What about you girls?" Tanong niya sa amin.

"Oo nga pala. Di mo pa alam. Girl scouts kaming lahat. Since grade 10 na, staffs na kami kaya wala nang lipatan." I informed him.

"Girl scouts?! But...." Siningitan ko na siya.

"Pero kung magbiro kami parang di kami gaanong kagandang example? Bakit?! Kahit naman medyo 'inappropriate sexual humor' ang jokes namin, we are still self aware kung ano ang tama at mali." Sabi ni Faye.

Nagnod na lang siya sa nalaman niya. Totoo naman eh. Iba kami sa ibang mga babae pero mga disenteng mga babae naman kami.

〽〽〽

Nung naghahanda na kami pauwi, nagkatanungan kung taga saan si Apollo tapos sinabi rin namin sa kanya kung taga saan kami. Pareho pala kami tiga*toot* eh. Iisang subdv. Lang.

Pinilit pa nga niya akong isabay since on the way lang naman ang bahay ko. Kaso ayoko, nakakahiya kaya! Kabago bago ko pa nga lang siyang kaibigan eh. Kapag medyo close na, yan! Pakapalan na ng mukha. XDXD

"Scylla, uh, hatid na kita." Narinig kong offer ni Wright. Tumanggi din ako. Alam ko kasing babayaran lang niya yung pamasahe ko at ihahatid niya ako hanggang gate ng subdv. eh. Hanggang labas lang siya ng subdv. kasi ayaw pa siyang papuntahin ng parents ko sa bahay. Saka na daw kapag right age na.

At ang lapit lang kaya ng bahay niya sa school, tapos ihahatid niya ako eh ang layo ng bahay ko! Sabi ko nga diba?! Ayokong makasagabal sa iba!

〽〽〽

Lahat sila nakasakay na, ako na lang hindi. Huhuhu :'(

Ba't kasi ang layo ng bahay ko tapos puro puno pa ang jeep na kailangan kong sakyan, makauwi lang?!

Maya maya pa'y may kotse na huminto sa harap ko. Pagbukas nung pinto sa likod, si Apollo pala.

"Kala ko umuwi ka na rin?" I asked him. Kanina pa dapat siya nakaalis ng school dahil nga kotse siya.

"Yeah, but I waited for a while at school because the car wouldn't start, but eventually it did." Pag-eexplain niya. He quickly pulled me inside his car at pumasok na din siya. He locked the doors.

"Anong?!" Triny kong buksan yung pinto kaso umandar na yung sasakyan.

"You need a ride home... So I'm giving you one." Sinabi niya na parang totoo. Totoo naman eh. Kanina pa ako nag-aabang ng jeep kaso wala naman akong matsambahan na may space pa. Nakakaiyak lang.

"Can I ask you something?" Tanong niya. Nagnod na lang ako at he proceeded with his question.

"Why didn't you let Wright take you home?" Tanong niya.

"Binabayaran kasi niya yung pamasahe ko. Eh ayoko ng ganun. Sabi niya nahuhurt yung pride niya bilang lalaki, pero pano naman ako? Pinapatay ako ng konsensya ko. Ang pride pwede mong lunukin, ang konsensya hindi." I explained. Moderno nga kasi akong mag-isip at praktikal din. Ang image ng isang date nga sa akin ay KKB eh.

"Then try and go on a date with him. Dating goes first you know, well in America." Advice niya.

"Alam ko yun. Ganun din naman ako mag-isip. Nagdate na kami nung summer. Kaso mas natakot akong makilala pa siya eh. Ayoko na ulit." I told him. Hindi ako yung tipo ng tao na nagtatago ng kahit anong tungkol sa akin sa ibang tao. I'm very open to everyone.

"Then why not make him stop?" Tanong niya. Makulit ka din ah!

"Because I can't! He's out of my control!" I exploded. WTF! Napapaenglish talaga ako kapag galit! Bakit ba?! Ang kulit na kasi eh.

"Sorry." Sabi niya na parang naramdamab niya yung galit ko.

"Ok lang. Hindi ko pa siya love.... Like pa lang. Pero binigyan niya kasi ako ng rason para matakot." Inexplain ko pa ng mas malalim.

"So he has a girl best friend.... What's wrong with that?" Tanong niya. Kinuwento ko kasi na nalaman kong may girl best friend si Wright.

"Hindi naman sa jinajudge ko siya pero lagi naman kasing ganub diba. Ang magbest friend lagi ang nagkakatuluyan. Kung hindi man magkatuluyan, he will and must choose his best friend... Ang girlfriend kasi, madali naman yang mahanap at mapalitan eh, ang best friend hindi. Kahit naman ako, ganun ang gagawin ko eh." I explained further.

"So if you were to choose between me and him, who would you choose?" Tanong niya. Hindi ko kasi inexplain kanina eh?!

"Syempre ikaw. Iba ang kaibigan sa manliligaw. Kung ikaw ba ang papapiliin? Friends are for life diba?" Tinanong ko siya ng tanong na hindi naman dapat sagutin. Hindi nga niya sinagot.

Siguro nakakarelate na siya sa akin. Better. At least we are better friends now?

Dance With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon