2%

213 5 0
                                    

Scylla

"Scylla Mendez, how do you pronounce your name?" Tanong nung teacher. Tinatawag na lang kami ng teacher para sa attendance at para mafamiliarize niya yung sarili niya sa amin. Di na daw kami magiintroduce since magkakakilala naman daw kami, except sa transferees.

"Scylla[Syllia] po." I answered.

Nag-introduce na yung mga transferees. Susunod na si kuyang taga Canada na katabi ko na gwapo. XD haba ba? Sorry na! Peace lang tayo!

"I'm Apollo Daryl Soriano. I studied in Canada from elementary to 9th grade. We just came back recently for our business." He introduced himself. Hay! Nosebleed talaga!

"Can you speak tagalog mr. Soriano?" Tanong nung teacher namin.

"I can understand but it's hard for me to speak." He explained. Oh! Yun naman pala eh! Pwedeng kausapin ng tagalog, maiintindihan pala ako. At least! Di na siya iiwasang kausapin dahil pwede siyang kausapin.

〽〽〽〽

At dahil first day, ngayon din nagbotohan ng class officers. Limang class officers na magiging leaders ng bawat committee. Napagdesisyunan naming magkakaibigan na sumali sa iisang committee na lang. Ako tuloy ang isa sa class officers. Para ako daw yung isang leader at magkakasama kami sa iisang committee.

Ako ang naassign na PRO.... Na naman. Kasi last year ako din eh. Para magkasama-sama kami. Ahahaha XD Strategy namin eh!

"Since lima ang transferee at lima ang class officers, kayo na ang bahalang magtour sa kanila starting today. Para sa transferees, kung may kailangan kayo, lapitan niyo na lang ang mga nakaassign sa inyong class officer." Sabi nung teacher. Nung una pinag-aawayan pa nila kung sino ang mapupunta kay Apollo pero in the end ako ang naassign. Tatlong babae, dalawang lalaki kaming mfa class officers. Napagkasunduan nung president naming lalaki at VP na ako na lang daw.

Yung dalawa kasing babae, gustong gusto nila. Oh diba? Halatang nagsisimula na silang lumandi?!

"Ikaw na ha! Dahil delikado yun sa kamay ng dalawang to. Dapat ako na mismo kaso natanong na ako nung isang transferee eh." He said. Oohhhh... Mukhang type siya nung nagtanong. Babae at maganda pa naman yung transferee na yun.

Gwapo din naman ang president namin. Nakanang yan! Posible bang magkalove life ang taong ayaw sa love life?! Ahahaha XD

Pagbalik ko sa upuan ko, sinabi ko na lang kay Apollo na ako ang nakaassign sa kanya at kung may kailangan siya, pwede niya akong lapitan at kausapin.

Nung magbreak na, dahil ako nga ang pinakahuling lumalabas ng room sa aming magkakaibigan, nagmadali akong magligpit ng gamit hanggang sa nabagsak ko yung pencil case ko na napakadaming laman. Sumabog tuloy.

"Here, let me." Sabi ni Apollo. Tinulungan niya akong iligpit yung laman ng pencil case ko.

"Thank you." Sabi ko. Sinara ko yung zipper ng pencil case at binato sa bag ko. Nagmadali na akong sumunod sa mga kasama.

"Scylla." Tawag niya ulit. Ugh! Di ka ba titigil kakatawag?! Naiwanan na siguro ako ng mga kasama ko?!

Lumingon na lang ako sa kanya at hinintay kung ano man ang sasabihin niya.

"Can I join you guys?" He hesitated pero at least nasabi niya. Wow! May bago kaming kasama!! Yay! I smiled and said yes.

Sabay na kaming bumaba at humabol sa kasama ko-- este namin na pala. Hindi rin kami nag-uusap. Mukhang naiilang pa siya. Normal lang naman yun!

Pagdating namin sa tambayan namin sa taat mg building, mukhang nagtataka sila Keydee.

"Guys, bagong miyembro ng ating hukbo!" I proudly presented! And they smiled. Baliw talaga kaming lahat. Sorry na! Ahahaha XD

"Apollo, si Lorraine, Keydee, at Anne Sherina." I introduced him.

"Anne Sherina, isn't it too long?" Nagtataka niyang tanong.

"Nako! Long story din kasi kung bakit yun ang tawag namin sa kanya kaya just go with it." Singit ni Lorraine.

"Ayan na sila Louie!" Sigaw ni Anne Sherina.

"Oh! Yung lalaki, si Louie, and yung isa si Faye." Sinabi ko na kay Apollo habang papalapit pa pang sila sa amin. Mga karamay pa namin sa hukbo yung mga yun. Yun nga lang, madalang silang mapasok sa cream.

"Guys, Apollo. Transferee sa amin." Inintroduce ko siya sa kanila.

"Hi! Wow! May bago na tayong kasama!" Sigaw ni Faye. Baliw pa rin talaga kami. Knowing us, walang niisa sa amin na may gusto sa kanya by just looking at him. Lahat kami choosy o kaya hindi pa iniisip yun sa ngayon. Well, except ako at si Faye.. Ngayon kasi may nanliligaw sa amin. Si Lorraine naman, moving on na. Pero walang sila nung dati niya. Nanligaw lang.

Si Anne Sherina, ayaw sa love life kasi ayaw sa lalaki. Si Keydee naman, in the right moment, in the right time kaya hindi pa talaga.

We all acted normal. Siya naman, nagoobserba lang. Normal para sa mga baguhan sa grupo namin. Kahit ako dati ganun. He'll catch on.

〽〽〽〽

After ng break bumalik agad kami sa classroom namin at pinagpatuloy ang orientation tapos uwian na. Half day naman lagi kapag first day eh.

Nagpaalam na ako kila Keydee na di ako makakasabay sa kanila sa pag-uwi dahil nga gagawin ko na yung inutos sa amin ng adviser namin. Sakto namang nakita kong palabas na ng room si Apollo. Kinuha ko na agad yung bag ko at hinatak siya.

"Itutour pa kita, remember?" Paalala ko sa kanya. He nodded like it was something that he almost forgot.

Inikot ko siya sa buong campus. Siguro mga 30 minutes lang inabot nun. Haaaayyyy. Gutom na me. -_- .

*GGGRRRRUUUUUUAAAACCKKGGG*

Napatigil kami pareho sa paglalakad. Ptngna! Ang ingay mo tummy! Grabeh ka! Taksil!

"I guess you're hungry." He said in a positive tone. Hay nako! Sa harap pa talaga niya ako nagkaganito. Buti sana kung kaclose ko na talaga siya eh! Kaso hindi pa! I nodded na lang.

"In that case, is there any fast food chains near here? I'm also hungry myself." Tanong niya. Wow! Nagugutom din pala ang lalaking may katawan na ganyan. Hindi naman sa parang stalker ako pero hobby ko kasi yun. Maghanap ng gwapo pero hindi para lumandi, I just like looking at beautiful people.... Tulad ko! Joke lang! Peace lang tayo!

"Merong malapit talaga. Tambayan yung ng mga estudyanteng nag-aaral dito eh. Mcdo." Sabi ko at lumakad na palabas ng gate ng school, papuntang sakayan.

Nung tumigil ako sa sakayan, parang nagtataka naman siyang nakatingin sa akin.

"Bakit? May dumi ba ako sa mukha?" Tanong ko. Kung makatingin naman kasi! Kala mo lulusawin niya ako eh.

"No. You're fine but... Don't you have a ride? A car?" Tanong niya like it was a natural thing. Oo nga pala! Sanay tong hatid sundo siguro.

"Meron. Actually we have two. Pero di ako hatid sundo dahil busy parents ko. Kaya kailangan marunong akong magcommute. At tsaka survival 101 kaya yun! Kailangan marunong kang magcommute noh!" I lectured him. Sumunod na lang siya nung sumakay akong jeep. Sabi ko maglabas siya ng seven pesos at binayad ko na.

Teka..... We're having a friendly date?!

Dance With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon