37%

77 2 0
                                    

Apollo

She left me. She fvcking left me, hanging. Hindi man lang niya ako binigyan ng explanation kung bakit hindi pwede. Kung bakit ayaw niyang maniwala na kaya ko siyang mahalin.

Instead of closure, she just gave me more reasons to hate her, just like she said. Wag siyang mag-alala. I hate her.

〽〽〽〽

Scylla

I can't believe him. I won't believe him. Hindi ako naniniwala sa mga sinasabi niyang kaya niya akong mahalin na matagal na niya akong mahal. Ni minsan hindi ko inisip na pwedeng magkaroon ng kami, tapos ngayon niya yun sasabihin sa akin?!

I can't risk our friendship. Kung ako dati, naramdaman ko din yung sinasabi niya, but I didn't push it. Ayokong masira yung friendship namin dahil lang sa selfishness ko.

Pero siya?! Kayang kaya niyang itapon yun para lang masabi niya sa akin yun. Hindi man lang ba niya naisip na paano kung ayoko sa kanya?! Eh di FO agad kami?! Tngna! Parang sinasalungat ko pa sarili ko ngayon.

Scylla!!! Get your sh1t together, b1tch!! You didn't cause this, did you?

"San ka nanggaling?! Kanina pa kami hanap ng hanap, nag-aalala na nga kami sayo eh!" Bungad sa akin ni Jett nang makarating ako sa harap nung bar.

"Uh, may kinausap lang ako." I shook him off at pumunta na agad sa sasakyan ko. I tried to open my car pero tngna!! Nangingig yung kamay ko! Hindi ko mapasok yung susi.

"Scylla, ok ka lang ba talaga?" Nag-aalalang tanong ni Jett sabay lapit.

"JETT! PWEDE BA LEAVE ME ALONE... for a while." Hindi ko na naiwasang sigawan siya at maluha-luha. Pumasok na agad ako sa sasakyan ko.

Bakit nga ba ang tanga tanga ko? Bakit ngayon ko lang inisip ulit yun? Yung nararamdaman ko sa kanya? Pero hindi kasi pwede eh! May mga prinsipyo din naman akong pinaniniwalaan bilang babae. Oo na sige na! Tawagin niyo na akong mapride pero ganun ako eh. Hindi ko kayang aminin ang mga nararamdaman ko sa mga ganitong sitwasyon.

Basta ang alam ko, hindi hihigit sa pagging magkaibigan ang tingin ko sa kanya.

〽〽〽〽

Results day.... Everyone was in shock. Well, I'm not. Alam ko naman na hindi talaga ako papasa eh. Tanggap ko na.

"Don't worry! Makakasama ka pa rin naman namin sa mga gigs namin outside school." Paninigurado ni ate Din.

"Oo nga, tsaka kami pa rin naman ang makakasama mo araw-araw eh." Masayang sinabi ni Mon.

Jusko! Mas depressed at apektado pa silang lahat kaysa sa akin?! Hindi ba nila halata na relaxed na relaxed ako?!

"Guys, sinabi ko na sa inyo diba?! Alam kong di ako papasa kaya di na ako umasa pa. Oh diba?! Di ako nasaktan!" I positively told all of them. Napangiti ko naman silang lahat.

"Yan! Yan ang Scylla na kilala ko. Na kilala naming lahat!" Batok bigla ni Mit sa ulo ko. Ay nako! Balik naman din sila sa dating gawi!!! -_-

"Alam mo ikaw!" Batok ko din sa kanya. Mas malakas naman! Bwahahaha!!!

"Sorry na!" He blurted.

I'm lucky I have these guys cheering me up. Kailangan ko talaga tong mga kaibigan ko sa panahong gusto kong makalimot. Alam na rin ni Jett yung tungkol sa nangyari nun. Mga two weeks na kasi akong nagkukulong at matamlay sa dorm eh. Ngayong labasan ng results lang ako lumabas ulit.

"Pano ba yan? Uwian na? Uwi na kami ah!" Paalam ni Mon at nung iba pa. Wait!!

"Parang ayoko pang umuwi." Nasabi ko bigla. Dalawang linggo ba naman kasi akong nagkulong sa dorm! Di ka kaya maurat dun?!

"San mo bang gustong pumunta?" Tanong ni Jett.

"Hindi ko din alam eh." Sagot ko. Basta ayoko pang umuwi.

"Nako! Scy, mahirap yan ha!" Dagdag ni ate Marin. Mahirap naman talaga. Minsan din kasi, yung mga trip ko eh!

"Sa apartment ko?" Tanong ni Jett. Hmmm... Ok lang din. I nodded.

"Huy! Anong gagawin niyo?!" Malisyosong tanong ni Mit. Binatukan naman siya ni Ken.

"Tanga! Alam mo namang santang-santa yang si Scylla kaya tatanda na atang dalaga yan eh!" Biro ni Ken. Pareho ko naman silang binatukan. Mga baliw!

〽〽〽〽

Natuloy kami ni Jett sa apartment niya. Maganda! Sosyal! Haaay nako! Iba talaga ang mayaman na only child. Ganda pati ng apartment eh! Tsaka apartment talaga! Hindi dorm. Gusto daw ng parents niya na condo unit pero di daw siya pumayag eh!

"Wake me up kapag mga five or six pm na ah!" I told him. Lagi namang ganun eh. Mahilig akong tumambay dito sa apartment niya. Ang lambot kasi ng kama. Sarap matulog!

"Ano ba! Bangon!" Naiinis niyang utos sabay hila sa akin. Magpabigat naman ako. Ayoko nga! Ang sarap sarap na ng pagkakahiga ko eh!

"Fine." Sabi niya sabay dapa sa tabi ko. Nakadapa siya tapos nakapatong yung kanang braso niya sa tummy area ko.

"J-jett?! Anong?!--"

"Sshhtt! Alam mo bang wala pa akong tulog dahil sa isang gig kagabi. Ngayon pa nga lang ako matutulog, kaya pwede ba, wag ka nang malikot?" He said. Nanahimik na rin ako after nun.

Haaaaayyyy nako! Kasi naman! Titingnan lang namin yung results ko, kailangan kasama siya?! Pwede naman siyang magtext na di muna siya makakapunta kasi nga hindi pa talaga siya natutulog! Buti na lang di siya nagcollapse sa antok kanina, ako pa ang magkakasala kung ganun!

Mukhang tulog na siya. Totoo ngang wala pang tulog. Di naman kasi siya yung antukin na type kaya di siya madaling makatulog eh.

Ang problema ko na ngayon, paano ako makakaalis dito? Walang galawan na ba to? Ugh! Ang layo pa ng phone ko, di ko makukuha! For sure aantukin din ako neto!

〽〽〽〽

Paggising ko, tulog pa rin si Jett. Everytime I look at him, I always remember Apollo. Bakit kaya? Hindi kaya dahil parang best friend ko na rin siya?

He has a sweet face. Yung morenong pilipinong gwapo. Si Apollo kase, mukha siyang mixed-race kahit pure filipino naman.

Kahit na Pilipinong-Pilipino, matangos pa rin yung ilong. He has nice and soft features on his face. His lips were slim and full of life.

Natandaan ko bigla yung huling encounter namin ni Apollo.... How could I have not notice anything....

Dance With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon