Scylla
"Anong kagagahan yan!!?" Pasigaw na tanong ni Louie pagdating ko sa school. Syempre suot ko na yung dress ko. Eh may theme ang style ko today kaya ganito!
"Magpeperform kasi ako mamaya!" Sagot ko sa kanya na pasigaw din. XD
"MAGPEPERFORM?! ANO KA GRO? Halos makita na buong katawan mo niyan eh! Onting hila lang hubad ka na eh!" Sermon sa akin ni Anne Sherina. Nagpakita pa ng sign na hihilahin niya yung dress ko pababa. Hinawakan ko yung dress, baka kasi gawin niya talaga. Pero joke lang pala. WHOO! Buti!
"Wala pa si Apollo?" Tanong ko. Hindi niya ako sinundo kasi si Papa ang maghahatid sa akin eh. Syempre manonood na rin siya.
"Sabi niya on time daw siya makakarating eh. As in yung umaandar na ang pila, sisingit na lang siya. Ganung on time daw." Paliwanag ni Lorraine. Aaaahhh.
〽〽〽〽
Maya-maya pa, nagsimula na yung program. Syempre ang awarding ng mga certificates sa LAHAT ng grade 10 students. Mahuhuli syempre yung mga achievers. Kapag nakalahati na nila yung mga naaawardan, sisingit na yung mga performance at special announcements.
Dapat kasama ako dun sa first half, pero nasama na ako sa achievers dahil sa performance na to! XD
〽〽〽〽
"Please welcome! Chisel featuring Scylla Mendez!" Pakilala nung MC. Ayan na!!! Kami na!!! Eto na!!!
Habang ginagawa na nila Jett yung huling pagchecheck nila sa equipments nila. Tumayo na ako sa gitna at tinap ang mic. Yun lang naman ang ichecheck ko eh.
Tiningnan ko na lang yung audience. Haaaayyyy.. Lahat sila mga kilala ko. Di man kaclose, pero naging parte silang lahat ng junior high school life ko. Mamimiss ko talaga silang lahat. As in LAHAT!
Nakita ko rin si Apollo na nakakunot ang noo na nakatingin sa akin. Nung napansin niyang sa kanya na ako nakatingin, umiwas siya. Ano na namang problema ng moody kong kaibigan?!
"We're Chisel." Sabi ni Jett sa mic.
"And I'm Scylla." Mabilisang dagdag ko. Kumanta na rin agad ako.
Syempre dahil medyo bad girl. Seductive ang movements ko. I walked down the stage, onto the red carpet in the middle.
"You say sorry just for show
If you live like that, you live with ghosts
If you love like tha--"I turned around para bumalik na sa stage at dun na tatapusin yung kanta.... Kaso natigilan ako sa pagkanta kasi biglang may humigit sa braso kong hawak yung mic.
"Apollo?!" Nagulat ako! Bakit? Bakit ngayon pa?! At ano na naman ba ang problema neto?! Nakakahiya.
Nakarinig ako ng piano intro. Nakita ko yung isa pa nilang guitarist na nakapwesto na sa isang keyboard. Nagkekeyboard din siya?! I know that song!
"Right from the start you were a thief
You stole my heart
And I you willing victim." He started. Weh?! Yan?! He looked at me that I should continue the song. Edi ginawa ko!"I let you see the parts of me
That weren't all that pretty
And with every touch you fix them."Tinuloy-tuloy namin yung song.... Wait may mataas to sa bridge!!! O_O
"Oh, tear ducts and rust
I'll fix it for us
We're collecting dust
But our love's enough
You're holding it in
You're pouring a drink
No nothing is as bad as it seems
We'll come clean!" Ginawa ko na lang na soft yung part na yun kasi nga di ko kaya. Kasi!!! Kung gusto niya ding kumanta, sinabi sana niya!! Hindi yung binibigla niya ako!! Pero teka.... Bakit nga ba hindi niya sinabi sa aking kakanta din siya?
"We're not broken, just bentand we can learn to love again." We finished the song together. We both just smiled for the crowd. Anong nangyari? Ba't hindi ko alam na magpeperform din pala si Apollo? Akala ko ba? Anong? Huh?
BINABASA MO ANG
Dance With You
RomanceKapag ba gwapo ang best friend mo, mafafall ka na ba agad sa kanya? Di ba pwedeng pagdaanan muna natin ang friendship stage kung saan may kanya-kanya kayong mga jowa? Kapag naman pinapalibutan ka ng mga gwapong lalaki, malandi ka na agad? Di ba pwed...