07.16.18 - How to Peel a Mocking Eye

740 50 2
                                    

How to Peel a Mocking Eye
07.16.18

"Good morning po, ma'am," bati ko pagpasok ng faculty room.

"Yes, Ms. Evangelista?"

"Ma'am, kulang pa po kasi ang group ko for the film. We still need one male po."

"Complete na ba ang ibang grupo?"

"Yes po." I handed her the 1/4 sheets. "Pero may isang group po na sobra po sila and halos puro boys. Pwede po bang doon na lang ako kumuha ng isa?"

"Yes, yes, please. Sinabi ko nang tig-8 lang eh. Tell the group na lumipat ang isa."

"I tried asking Santillan pero ayaw po. Tawagin ko po ba?"

"Yes."

I nodded and went out to look for Kiel. I found him at the canteen.

Lumingon ako sa paligid at nakita si Nathan papasok.

"Pres, nakita mo si Kiel?" I asked.

"Hindi eh."

"'Pag nakita mo siya, pwede pasabi na tawag siya ni Mrs. Reyes sa faculty?"

"Oki, sure!"

Naghintay akong lumabas ng canteen si Kiel bago ako pumasok at nilampasan siya.

A smirk crept on my lips.

"My groupmates, paiwan lang, meeting saglit," anunsyo ko nang magdismissal just to confirm if he made it to my group.

Naglabasan ang mga kaklase ko. I wore my backpack and leaned my hips against the teacher's table. Lumapit sa akin ang mga kagrupo pero nanatili ang mga mata ko sa lalaking nag-a-ayos ng gamit sa likod.

His friends bid him goodbye and that became my confirmation.

"What's the plan, leadernim?" Dianne asked.

"Gagawa muna akong script then I'll just delegate roles for you guys. Ngayon, gusto ko lang malaman kung sinong may camera sa inyo?"

I glanced at Kiel's direction and noticed a ghost of smile appear on his lips as he wore his backpack.

Nag-angat siya ng tingin at lumapit. Humor was hinted in his eyes when our gaze locked. Para siyang natatawa.

I folded my arms and raised a brow.

Nagseryoso siya. Still, I felt mocked by the look in his eyes.

"Dito ka ba?" tanong ni Erin sa kaniya.

"Pinalipat ako ni ma'am."

"Oh, edi goods. May camera na tayo!"

It was decided na si Kiel ang magdadala ng camera, at ang camera man na rin. Ako ang writer at nagpresentang editor. Sabi ko, sa GC ko na lang sasabihin ang roles ng iba once done na ang script.

* * *

July 17, 2023

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon