01.17.19 - A Shift to Irrationality

355 35 3
                                    

A Shift to Irrationality
01.17.19

"Avien . . ."

Walang gana kong dinaanan ng tingin si Kiel na nakaabang sa hagdan. Tahimik siyang sumunod nang lagpasan ko.

"Avien . . . N-Nawawala 'yung project natin."

Natigilan ako roon saglit bago tumuloy sa paglalakad.

In the room, I felt uneasy and wanted to confirm it. But I didn't want to pay even an inch of attention to Kiel!

Irita tuloy ako buong first subject.

Kiel! You dumb, childish bastard!

Ano na naman bang ginawa niya?!

Nang magrecess ay sa locker area agad ako dumiretso para icheck. Kaya lang ay hindi ko alam ang locker number ni Kiel at sarado rin naman.

I looked at the locker number 17. Is it the same with his jersey number?

Hindi ko na kailangang ikumpirma dahil maya-maya lang ay nasa tabi ko na siya at binubuksan ang locker number na iyon.

Pairap akong naglakad paalis, nabubwisit sa presensya niya.

"Nandito 'yung styros," aniya. "Pero 'yung platform nawawala . . ."

Tuloy-tuloy lang ang paglalakad ko.

"Uy, Avien." He rushed into me and pulled my wrist, making me look at him. "Galit ka ba?"

My eyes dropped on his hand on my wrist. Binitiwan niya iyon.

"Different type of mad? Hindi mo 'ko pinapansin . . ."

I composed myself. "What happened?" tanong ko at hinarap siya nang tuluyan.

"Sorry . . . Hindi kasi nagkasya 'yung platform sa loob ng locker kaya iniwan ko sa ibabaw . . . pero may pangalan naman . . . Tapos wala na rito pagkacheck ko kanina . . ."

". . ."

"Hindi ko na inuwi kasi gaya ng sabi mo . . . Baka masira sa byahe . . ."

I looked away. "Gagawa na lang ng bago."

". . ."

Tinalikuran ko na siya at naglakad paalis.

Hindi ko alam kung paano pero bago mag-Science class ay mayroon nang mga panibagong materials si Kiel kaya nagsimula ulit ako ng platform.

"Umaariba na naman ang mga duwende," kumento ni Dianne sa nangyaring pagkawala.

Nandito kami sa room at nagkukwentuhan lang sila habang busy ako sa ginagawa.

"Hintayin niyo, babalik din 'yan maya-maya. Ganiyan tactics ng duwende rito sa school."

Duwende . . . Narinig ko na 'yan mula sa kanila dati. Nangunguha raw ng gamit sa school.

"Oo, 'yung hair brush ko dati nasa desk ko lang tapos biglang nawala. Hinalughug ko na lahat, wala. Tapos kinabukasan, biglang nasa bag ko na ulit!" pagkwento ng isa naming kaklase.

"Ganiyan din nangyari sa speaker ko!"

"Eh 'di ba 'yung wallet din ni Ailene! May nawala pang pera!"

"Ang rarandom ng kinukuha!"

"Pero hindi nakukuhanan ng camera kaya duwende talaga 'yun!"

"Aanhin ng duwende ang pera?" singit ni Kiel.

"Oo nga eh, hindi binalik. Baka pinang-spa na niya."

"Pinangkwek-kwek na 'yun," Kiel said suggestively.

Right. Tao ang kumuha ng pera.

Pero 'yung ibang pangyayari . . . Who will even do that kind of nonsense?

For what? Attention? At the expense of inconveniencing others?

"Avien, Kiel, tawag kayo sa office." Naputol ang kwentuhan dahil sa anunsyo ng kakapasok lang na si Mae.

Kumunot ang noo ko. Nagkatinginan kami ni Kiel. He looked clueless also.

* * *

July 21, 2023

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon