05.03.19 - The First Visitor

339 34 17
                                    

The First Visitor
05.03.19

Sinamahan na ako ni Kiel pauwi at parehas kaming tahimik.

Nang makarating sa bahay ay napadiin ang hawak ko sa gate.

"Bye---"

"Do you want to come inside?" I blurted out.

". . ."

Madali kong binuksan ang gate sa kahihiyan.

What the fuck.

"Avien," pagtawag niya bago pa man ako makapasok.

My heart skipped a beat. Napahinto ako.

"May kasama ka ba sa inyo?"

". . . Wala."

". . ."

". . ."

"Pwede pumasok?"

I breathed in, calming myself as I opened the gate.

"Dito lang," ani Kiel. Hanggang lounge area lang siya sa veranda.

Hindi ko na siya pinilit sa loob dahil hindi ko alam ang gagawin ko. Siya ang unang pinapasok ko sa bahay na hindi pamilya.

"Nasa'n si mommy?" he asked.

"Work."

"Wala ka talagang kasama?"

Umiling ako at umupo na rin. Bakit ko ba 'to ginawa?! Hindi naman ako marunong tumanggap ng bisita!

"Palaging nasa trabaho?"

"Oo nga."

"Hanggang gabi?"

"She sleeps here. Why are you asking?" I tried to act normal to clear the awkward air.

"Narealize ko lang na palagi ka palang mag-isa sa bahay."

". . ."

"Yung kambal hindi pa babalik?"

"Ilang weeks pa."

His lips protruded as his gaze prolonged at me, thinking about something.

"Oh, don't you pity me. I like being alone," I said as a matter of fact.

"Lah, judgmental. Wala akong sinasabi."

"I know that look. Kawawa naman siya, mag-isa lang," I said sarcastically.

"Hindi ba pwedeng: Hays, sana all?"

His face didn't say that tho. Pero kapag kasi siya, hindi ako sure kung totoo ba, lie, sarcasm, o joke eh.

"Anong ginagawa mo rito? Kapag walang pasok."

"Nothing much."

"Hindi ka ba parang mababaliw?"

"Mas nakakabaliw ka pa nga kausap."

He frowned. "Kakabati lang ah?"

I made a small smile and shrugged. Parang hindi na ata ako sanay na matino kaming nag-uusap eh?

"Mas gusto mo mag-isa? Bakit nagpupunta kang park?"

I shrugged once more.

He nodded slowly and just leaned on the backrest. "Wala ka bang pamerienda diyan?"

My brows raised.

He held his stomach and dramatically acted like it was aching. "Uh . . . Hindi ko na kaya ang gutom, Avien . . ."

Maliit akong napangiti. "Ano bang gusto mong kainin?"

He peeked at me, one eye remained close. 

Napaayos siya ng upo. "Tapos sasabihin mo bili ka?"

Tumaas ang kilay ko sa akusa niya. "Bati na nga, 'di ba?"

"Bati na pero syempre si Avien ka pa rin, eh."

"May pagkain kasi sa loob." Pinandilatan ko siya ng mata.

"Huy, nakakahiya naman."

"Hindi naman kita pinipilit."

"Pwede ba? Baka magalit si mommy?"

Umiling ako. "Tinuturuan niya talaga akong tumulong sa mga pulubi."

Napaawang ang mga labi niya, taken aback.

I laughed at his reaction.

"Nakakatakot pala humor ng mga honor student," he commented.

Umiwas ako ng tingin, nagpipigil ng tawa.

"Bili na lang tayo sa labas," aya niya.

"M-May pagkain nga sa loob." Nanginig ang boses ko.

"Hala ano bang nakakatawa?" Kiel chuckled at me.

I covered my face, couldn't suppress my laugh anymore.

"Joke niya, tawa niya."

I got even more giddy.

"Huwag ka na magsalita," I mumbled, cry-laughing. "Bwisit ka."

"Ang sama mo. Pinagtatawanan mo ang mga pulubi."

I lowered my hands. "Hindi ah."

"Joke lang." Kiel chuckled.

Umirap ako. "Tara na nga."

"Weird ka talaga, Avien. Magagalit tapos ngayon tatawa."

"Coming from a weirdo himself?" 

Offended siyang napataas ng mga kilay. His reaction made me laugh again.

Ang rollercoaster talaga ng emotions kapag kasama ko 'to!

Pagkarating namin sa pinakamalapit na 7/11 ay kumuha ng hotdog sandwich si Kiel habang siopao naman ang sa 'kin.

"Ayan lang? Kuha ka pa," aniya.

"Hindi ako gutom."

"Drink?"

Kumuha na lang ako ng Nutriboost na Chocolate.

"Akin na." Nilagay niya sa counter ang bibilhin ko at binayaran niya.

"Babayaran ko."

"Okay na."

"No." Nag-abot ako ng pera.

Buntong-hininga na lang niyang tinanggap.

"Kapag bored ka chat ka lang sa 'kin," aniya habang kumakain kami.

"Bakit?"

He made an inverted smile. "Wala ka nang kalaro sa mga susunod na araw."

I grimaced.

He chuckled. "Anong gusto mong pasalubong?"

Umiling ako at nagpatuloy na sa pagkain.

I checked the calendar in my head. In two weeks ay uuwi na rin sila Tita, iyon na lang ang hihintayin ko.

*  *  *

July 30, 2023

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon