09.06.19 - I in Harvin

201 31 1
                                    

I in Harvin
09.06.19

Lumabas na ang grades namin at hindi ko makalimutan ang breakdown ng grade ko sa Filipino.

70 ang grade ko sa performance task. That meant, 20 lang ang points ko sa individual grade.

Inexpect ko naman na. Pero masakit pa rin pala.

Still, I did not regret grading each of them with the highest score.

I smiled weakly.

Matapos ang lahat ay ramdam ko pa rin ang malayong loob sa akin ng mga kaklase. Mayroon naman nang mga pumapansin sa kin, iyong mga walang pakialam sa kung anong issue. But they would only talk to me when in need.

Before, I didn't care about that. But these days, it would bother me. Their intentions.

Palagi nang nasa isip ko ngayon ang mga panahong bagong lipat pa lang ako sa school at lahat sila gusto akong kausapin. Gustong kagrupo.

Noon, si Kiel at Harvin lang ang hindi lumalapit sa akin. Ngayon, silang dalawa na lang ang may pakialam sa akin.

"Parang pinapatay na ako sa tingin ng classmate mo kanina." Umupo sa tabi ko si Harvin. Siya ang nakakasama ko tuwing breaktime.

Inirapan ko siya. 'Classmate mo' na ang tawag niya kay Kiel, namimikon lang.

Ngayong palagi siyang nakakasama ay unti-unti ko nang nalalaman at nagegets ang tunay niyang ugali.

He was super sarcastic! Mapang-inis siya!

At gustong-gusto niyang iniinis ako at si Kiel.

Dati, ingat na ingat pa ako sa paligid niya, iniiwasang matrigger siya. Pero iyon ang hobby niyang gawin sa 'kin ngayon!

"Alam mo, pasalamat ka at mabait 'yon, hindi ka pinapatulan," sarkastikong sabi ko.

"Salamat. Salamat sa bare minimum."

I looked at him, disgusted. He grinned at my reaction.

Ayan! Tuwang-tuwa siya kapag nabubwisit ako!

"Kinakausap lang naman kita. Kasuntok-suntok ba 'yon?" prenteng aniya, nagsimula nang kumain. "Seloso niya naman."

"Hindi niya alam kung ano ang pinag-u-usapan natin. I told him before na you're my friend. Wala na siyang ibang sinabi. Hindi niya ako pinigilang makipagkaibigan sa 'yo kahit wala siyang idea kung bakit tayo magkaibigan. Call him seloso again."

"Ah, baka masama ang tingin kasi hindi makalapit?"

"Masama ang tingin kasi sinasamaan mo ng tingin. Pinapatulan ka lang."

He shrugged.

He's so cocky! Hindi naman siya inaano ni Kiel!

Pero ang ipokrita ko naman kung ipopoint out ko kasi maldita rin naman ako noon kay Kiel.

Ang pinagkaiba lang, hindi ako pinapatulan. Siya ngayon, oo.

Narealize ko nga na kaya siguro nung sinabihan ko si Kiel na makipagkaibigan kay Harvin eh parang ayaw niya. Ganito na siguro si Harvin sa kaniya noon pa man.

"How's your scars?" Nagsimula na rin akong kumain.

We really became closer since I could ask him about this topic casually now.

"Tagal mawala," aniya.

"Everything takes time."

Kahit nakakainis si Harvin madalas, gusto ko pa rin ang relasyon namin ngayon.

Mas nakikilala ko siya.

At habang mas nakikilala siya ay mas gumagaan ang loob ko sa kaniya dahil madalas kong makita ang sarili ko sa kaniya.

*  *  *

August 14, 2023

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon