04.17.19 - The Less You Seek

305 35 13
                                    

The Less You Seek
04.17.19

"Sasama ka, Avien?"

Umiling ako kay Tita. Ngayon na ang alis nila pero dumaan muna sa bahay para sa akin.

"Ate Avien, sama ka na!" pagpilit sa akin ng kambal.

I sighed.

"Hindi talaga sasama ang mommy mo?"

"Hindi po. Pumasok nga po siya eh."

Napailing na lang si Tita. "Sige, mag-ingat ka rito ha."

"Enjoy kayo, 'ta. Rig, Nig, bye!"

"Babye, ate!"

"Dadalhan ka na lang namin ng pasalubong. Magsabi ka sa akin kung anong gusto mo."

I smiled and nodded.

Pinanood kong umalis ang sasakyan at napabuntong-hininga nang mawala iyon sa paningin.

Nilock ko na ang gate at dumiretso sa grocery store. Buti nga ay may inutos sa akin kaya may pagkakaabalahan ako ngayong araw.

Mayroong walking distance lang na commercial building na may grocery store sa amin at doon na ako nagpunta. Marami-rami rin ang bibilhin ko dahil ubos na ang stock sa bahay.

I was already at the snack section when I ran into a familiar figure. Napahinto ako at napako ang tingin sa lalaking nakasuot ng pabaliktad na cap, naka t-shirt at shorts, at slides.

Akala ko namamalikmata ako pero nang lumingon siya ay nakumpirma kong si Kiel nga.

"Woah! Avien!"

"Anong ginagawa mo rito?"

"May binibili lang ako. Nasa shop ako. Ang galing, nandito ka rin."

"Ang galing, kung kailan hindi hinahanap, tsaka nagpapakita," sarkastikong bulong ko rin.

"Huh? Hinahanap mo ako?"

Umiling ako at dumampot na ng snacks.

"Nung nakaraan nasa bahay kami ng lola ko. Dumaan naman ako sa shop last week, wala ka."

"Anong binibili mo?"

"Inutusan ako bumili ng mustard."

"Nasa kabila ang mustard."

"Hehe tapos na. Kukuha lang ako chichirya. Ikaw?"

"Grocery lang."

"Patapos ka na? Sabay ka na, hatid ka namin."

"Huh . . . magtatric ako." 

"Matagal ka pa ba?"

"Tapos na."

"Edi hintayin na kita. Cashier ka na?"

Tumango ako.

"Okay, tara!" Nilagay niya sa cart ko ang mga kinuha niya. He then dragged my cart. Napasunod tuloy ako dahil hawak ko pa ang handle.

"Ikaw ba palagi ang naggogrocery sa inyo?" tanong niya habang nilalapag ko sa cashier ang bibilhin.

"Oo."

"Hindi mo kasama 'yung kambal?"

"Nagbakasyon silang family."

"Huh? 'Di ba kapatid mo sila?"

"No. Pinsan."

"Ay weh?"

Pinausog ko siya para makalipat ako at makita ang monitor.

"So hindi kayo parehas ng bahay?"

"Hindi sila taga rito. Dumadalaw lang."

"Edi wala ka palang kapatid?"

"Wala."

"Sinong kasama mo sa bahay?"

"Ang daming tanong."

"Curious lang eh."

"Si mommy kasama ko."

"Ahh . . . Si Daddy nagwowork?"

"Patay na."

". . ."

Nanonood ako sa pagpupunch ng mga pinamili nang manahimik sa Kiel kaya napalingon ako sa kaniya.

"Sorry."

Umiling ako. "It's fine. Hindi kami close."

Nang matapos ay nagbayad na ako. Si Kiel ay nakapwesto na sa cart na pinaglagyan ng mga karton ng pinamili. Nakalagay ang mga braso niya sa handle habang may katext sa phone.

"Puntahan ko lang si mommy." He lifted his eyes at me.

"Kasama mo?"

"Oo. Tara, nasa Watsons lang daw."

"Hindi ako sasabay!" Inagaw ko sa kaniya ang cart.

"Mabait naman si mommy. Hindi ka naman sasakmalin no'n."

"Kasama mo pala mommy mo, dapat kanina ka pa umalis! Atsaka 'yung mustard mo pala! Baka gagamitin na 'yan! Dapat nauna ka na."

"Alam mo, nasabi ko na na kasama kita."

"Huh?!"

"Sabi ko may nakasalubong akong kaibigan. Ayun, hinihintay niya tayo. Tara na." Hinila niya ang cart ko.

"Magtatric na lang ako."

". . ."

"Kiel!"

Nilingon niya ako at huminto. "Sige, ihahatid na lang kita sa sakayan. Okay lang?"

". . ."

"Akin na, tulungan kita." Lumapit siya para maagaw ulit sa akin ang handle. Tinulak niya ang cart. "Ang dami mong dala. Bubuhatin mo 'to lahat?"

". . ."

Nilingon niya ako nang mapansing hindi ako sumunod. Binigyan niya ako ng nagtatanong na tingin.

"Sorry. Gusto mo ba ikaw magtulak?"

My eyes stilled at him for a second. I then averted my gaze.

Lumapit ulit siya sa akin at umalis sa handle para ibigay sa akin ang pwesto. Nakamasid lang siya kaya hinawakan ko na lang iyon at nagtulak na.

Pumwesto na lang siya sa gilid at naghila.

"Nasa bahay ba ang mommy mo?" Nilingon niya ako.

Napaiwas ako ng tingin. "Wala."

Naghila na ulit siya at maya-maya'y nilingon na naman ako. "Wala kang kasama sa bahay?"

"Wala."

Hindi na siya nagsalita hanggang sa makarating na kami sa labas. Hinatid niya ako sa sakayan ng tricycle.

"Sige, pasok ka na," aniya.

I pursed my lips and entered the tricycle. Binuhat niya ang dalawang karton papasok sa loob ng tric.

"Kuya, pakitulungan na lang po siya sa pagbuhat ng karton," bilin niya pa sa driver.

Sumilip ako. Napatingin siya sa akin. He jerked his head to the side and waved at me, smiling. "Bye."

Sumandal na ulit ako sa tricycle at umandar na iyon.

My lips protruded. Has he always been thoughtful?

* * *

July 26, 2023

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon