07.30.19 - Back on Track

233 32 0
                                    

Back on Track
07.30.19

Kinabukasan ay absent si Kiel. Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko dahil hindi siya nagrereply sa akin. Hindi siya online.

Bawat vacant time ay napapatingin ako sa cellphone ko. 'Tsaka lang ako nakahinga nang maluwag nang makakuha na ng update.

Kiel Yuan Santillan

11:46 AM

slrr :((( hindi ako pinayagan ni mommy pumasok

Are you still sick? 

maayos naman pakiramdam ko pero magpahinga raw muna ako kaya hindi ako pinapasok

huwag ka mag-alala sakin ha pag di na ko nakachat? tulog lang ako rito maghapon

atsaka confiscated phone ko

But you're on your phone now?

hehe willing pumuslit

Enough screen time, then. Rest well.

okayy babyyy thank youu. studyy well!!

makinig kay teacher

ubusin ang pabaon ni mommy

Binalik ko na sa bag ang phone at nangingiting kumutsara ng kanin.

"Can anyone give me a recap of our lesson yesterday?" The next subject teacher took out her index cards.

Agad akong nagtaas ng kamay. She glanced at me. "Ms. Evangelista."

I stood up and summarized the latest lessons confidently.

"Good," the teacher commented.

Maliit akong napangiti sa sarili pag-upo.

Sa bawat subjects ay pinilit kong makapagrecite para makabawi sa teachers. Pakiramdam ko kasi, sinusubukan nila ako these past few days.

Hindi naman ako madalas matawag sa recitation dati kasi palagi akong may sagot. Pero nung nagsimulang mapansin na parang wala ako sa sarili, biglang palagi na akong natatawag!

Nalalapit na ang pagtatapos ng grading at ayoko namang makaapekto ang recitations ko sa grades ko.

"Mayroon kayong project para sa buwan ng wika. Magpeperform kayo ng Filipino iconoic pop music. Ibibigay ko ang list ng songs na pwede ninyong pagpilian. I'll give you creative freedom for this project. Buong section kayo rito," anunsyo ng Filipino teacher namin bago mag-uwian.

"I'm assigning Ms. Santa Cruz, Ms. Evangelista, Mr. Adame, and Mr. Agoncillo as your project leaders," aniya pa at tinignan ako. "Ibibigay ko sa inyo ang listahan ng songs at paki relay na lang sa classmates ninyo."

Dahan-dahan akong napatango. "Kailan po ang performance?"

"August pa ito. No exact date pero para sa buong high school department ang program. Expect na sa stage kayo magpeperform. Magandang ngayon pa lang ay magpaplano na kayo. Pero bibigyan ko naman kayo ng oras magpractice kapag natapos ang lessons natin.

"Hindi porket may nakaassign na leaders ay mag-a-asahan na kayo ha? Everyone shall participate. Leaders, pakimonitor ang participation ng lahat," bilin niya pa. "Mayroong judges na manonood sa inyo. Probably, kasama ang principal. And ako. Doon nakabase ang kalahati ng grades ninyo. Ang kalahati, kayo ang magbibigay sa isa't-isa."

Napahinga ako nang malalim, unsure of the latter part. Seems like I'll need to be a great leader and prove it to the class just to ensure half of the grade.

*  *  *

August 9, 2023

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon