08.01.19 - The Little Moments

292 32 0
                                    

The Little Moments
08.01.19

"Oh, bakit ang aga mo?" bungad sa akin ni mommy pagbaba ng hagdan.

Mag-a-alas sais pa lang pero ready na akong pumasok.

"Sabay na ako sa 'yo, mi."

Nakapagreply na sa akin si Kiel at ang sabi niya ay makakapasok na raw siya. We both agreed to go to class early.

Hindi na naging matanong si mommy. Siguro ay inassume niya na may kung anong practice kami dahil palaging iyon ang nirarason ko sa kaniya dati sa pagpasok nang maaga.

Kahit na madalas, gusto ko lang talagang magpahatid sa kaniya sa school.

"Bye, mi," paalam ko at lumabas na ng sasakyan.

I sent a message to Kiel asking where he is. Excited akong pumunta ng locker area. Naglakad ako nang mahinahon nang malapit na ako roon.

Wala pa akong nadadaanang estudyante dahil sobrang aga pa nga. Pasikat pa nga lang ang araw.

Nakita ko si Kiel na nakasandal sa locker doors at nakabaling sa phone niya. He immediately glanced my way when he heard my footsteps.

His face lit up and met me halfway. Bumagal ang paglakad ko at huminto sa tapat niya. He was about to hug me but hesitated.

"Pwede?"

I nodded. I grinned when he hugged me completely. Yumakap ako sa baywang niya.

"I missed youuu." He squeezed me in his arms and shook me a bit.

"Magaling ka na?"

He nodded then looked at me. "May papakita ako sa 'yo."

He held my hand and pulled me over. Tumakbo siya at tinangay ako. We ran through the corridor. Ramdam ko ang malamig na hanging humahampas sa balat ko mula sa nakabukas na nadaanan naming mga bintana habang hila-hila niya ako.

"Pinabuksan ko na 'to kay Kuya Guard kanina," Kiel told me as he opened our classroom.

Sinara niya ang pinto at hinila ako sa may bintana. Binuksan niya ang kurtina at tumambad sa akin ang track and field na nababalutan ng fog.

Napangiti ako dahil parang mga ulap. Nang buksan ni Kiel ang salamin ng bintana ay umihip sa amin ang malamig na hangin at simoy nito.

Naramdaman ko ang yakap niya mula sa gilid ko. I hugged him back and rested the side of my head against his chest.

I felt so in peace. Nothing else was in my mind as I indulged myself in that moment.

I had never felt more secure than when I was in his arms.

Kapag yakap niya ako, pakiramdam ko maayos ang lahat, magiging maayos ang lahat . . .

I looked up at him, fearing he might not be real. Binalingan niya rin ako ng tingin. His smile got imprinted in my mind and heart.

Pagka-upo ko sa pwesto ay tinabihan niya ako at hinila ang upuan ko palapit. "Kamusta ka?"

"Okay lang . . ."

"Kwento ka. Ano mga nangyari?"

"Hmm . . ."

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon