04.02.19 - Three Out of Six

304 34 13
                                    

Three Out of Six
04.02.19

"Evangelista, Avien. With highest honor."

Tumayo ako mula sa kinauupuan at naglakad sa stage habang tumutugtog ang Graduation March.

Kinamayan ako ng guro at sinabit ni mama ang medalya ko. Kinuhanan kami ng litrato, bumaba ako ng stage, bumalik sa upuan, naghintay sa iba pang awards, at paulit-ulit lang.

Buntong-hininga ako nang matapos ang program. I checked my phone for the nth time.

Sa sasakyan ay pinicture-an ko ang awards ko. My lips protruded as I contemplated creating a story.

Sa huli ay ginawa ko na lang.

Paulit-ulit kong nirefresh iyon para makita kung sino ang mga nagview.

"Saan mo gustong kumain?"

Napaayos ako ng upo sa pang-nine na nagview.

Kiel Yuan replied to your story
WOWWWW YABANGGG CONGRAAAATS SENSEI

I smirked and didn't reply.

"Avien."

"Hmm?" Nilingon ko si mommy.

Nagtagal ang tingin niya sa akin. "Saan tayo kakain?"

"Kahit saan, mi." Binaba ko na ang phone at tumingin sa labas.

Nakita ko ang reflection ko sa side mirror. Nagseryoso ako nang marealize na nakangiti.

*  *  *

July 26, 2023

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon