10.16.19 - Starting Point

213 32 4
                                    

Starting Point
10.16.19

Nagising ako sa sunod-sunod na tunog ng doorbell.

Pinilit kong tumayo mula sa kama. Umikot agad ang paningin ko.

"Tao po! Tao po! Avien!"

I dragged myself out of my room when I heard Kiel's voice. Nanghihina akong lumabas ng bahay.

"Love!" he exclaimed when he saw me.

Lumapit ako. "Bakit . . ."

Naramdaman ko ang palad niya sa noo ko.

"May sakit ka!"

Lumayo ako kaunti.

"May kasama ka?"

Umiling ako. He looked worried.

"Bakit ka nandito? Hindi ka pumasok?" tanong ko nang marealize na naka-uniform siya at tanghaling tapat ngayon.

Pinagbuksan ko muna siya ng gate dahil hindi ko na kayang tumayo nang matagal. Pumasok ako sa loob at umupo sa sofa. I rested my temple against the backrest and closed my eyes, shaking off my dizziness.

"Bakit wala kang kasama? Uminom ka na ba ng gamot? Ang init mo! Kumain ka na?" Hindi malaman ni Kiel kung saan ako hahawakan.

"Bakit ka nandito. . ." mahinang tanong ko, nanatiling nakapikit.

"Nagpaalam akong uuwi. Wala ka ulit eh, hindi ako mapakali."

Napamulat ang mga mata ko at tinignan siya. "Nagcutting ka."

Umiling siya. "May consent ni mommy. Hindi ako papayagang lumabas kung wala. Alam ni mommy na rito ako pupunta."

"Pumayag?"

"Oo, i-update ko raw siya kung kamusta ka."

I felt like crying again. I don't deserve them. . .

Kiel held my cheek. "Nag-aalala ako sa 'yo. . . Hindi ako mapakali sa school. . . Buti na lang pala nagpunta ako!"

"Hindi ka na dapat pumunta. . ."

Marahan niya akong hinalikan sa noo. Nanatili siya nang ilang saglit sa ganoong ayos. I felt his sigh.

"Nakainom ka na ng gamot?" He met my gaze.

Umiling ako.

"Kumain ka na?"

Umiling ulit ako. Himigpit ang hawak niya sa akin.

Agad siyang pumunta ng kusina. Napahiga ako sa sofa. Dinig ko ang kaluskos ng kung ano.

Pilit akong tumayo at sinundan siya, nag-alala. Napalingon agad siya sa akin at nilapitan ako.

Inupo niya ako sa harap ng lamesa. Mayroong Tocino na iniwan para sa akin si mommy, pang-almusal, pero hindi ko nakain.

"Baby, gutom ka na ba? Anong gusto mo? Bibilhan kita ng pagkain."

Umiling ako dahil wala akong ganang kumain.

Tumayo si Kiel at aligagang binuksan ang cupboard.

"Anong hinahanap mo?"

"Soup?" lingon niya sa akin.

"Wala na ata. Hindi pa ako gutom."

"Kailangan mong uminom na ng gamot." Iyong Tocino na lang ang hinanda niya. Pinagsandok niya ako ng kanin.

Hinainan niya ako at umupo siya sa tabi ko.

"Kahit konti lang." Inakbay niya ang braso sa upuan ko at kumutsara ng kanin at ulam.

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon