11.09.19 - New Beginnings for Breakfast

189 3 3
                                    

New Beginnings for Breakfast
11.09.19

Bumagsak ako sa kama matapos magpalit ng pambahay. I hugged my pillow as I stared at the ceiling, recalling what happened.

I felt how the atmosphere drastically lightened up after that moment with mom. Ang gaan-gaan lalo na ng pakiramdam ko kahit wala naman kami gaanong napag-usapan. It seemed like her sorry was all I needed.

Nasa baba pa rin si mama. I gave her the alone time so she could introspect. Alam kong pinakakailangan niyang makapag-isip-isip at himayin ang nararamdaman niya.

Mapayapa akong pumikit habang ramdam ang pagbanat ng mga labi para sa maliit na ngiti.

"Avien. . ." Nagising ako sa marahang paghaplos sa pisngi ko. Pagmulat ko ng mga mata ay nakita ko si mama. "Gising ka na."

I blinked and closed my eyes again before looking back at her, making sure I wasn't dreaming.

Hinawi niya ang mga hibla ng buhok paalis sa mukha ko bago tuluyang humiga rin sa tabi ko at yumakap sa unan ko.

Lumayo ako kaunti at lumingon-lingon sa paligid. I rolled over and checked my alarm clock. Nawala ang antok ko nang marealize na madaling-araw na pala.

Lumingon ako pabalik kay mommy na nakapikit na.

"Bakit, mi?" I asked.

"Bumangon ka na. Aalis tayo," aniya nang nakapikit.

"Huh? Saan tayo pupunta?"

Hindi na nagsalita si mommy. Naguguluhan man ay bumangon na rin ako para kumilos.

"Mayroong pagkain sa lamesa. Kumain ka muna, hindi ka naghapunan," ani mommy bago ako makalabas ng kwarto.

Pakiramdam ko ang dami-dami kong energy habang pababa ng hagdan kahit alas kwatro pa lang ng umaga.

Nakita ko ang nakahain nang almusal sa lamesa. Tinakpan lang pero mainit pa.

Ilang segundo pa akong tumitig doon bago naisipang picture-an. I smiled as I took a snap.

Pinaghainan ko rin ng pagkain si mommy bago ako umakyat para ayain siya. Naidlip na pala siya sa kwarto ko. Hindi ko na lang muna siya ginising dahil mukhang wala siyang gaanong tulog.

Pero bakit kami aalis? Saan naman kami pupunta?

Matapos kong kumain at maligo ay nagising na si mommy. Siya naman ang kumain sa baba habang nagbihis na ako. I asked her kung saan pupunta para alam ko ang susuotin ko. Sabi niya ay mag airbnb raw kami kaya na-excite naman ako!

Tinanong niya ako kung okay lang ba raw na mag-absent ako kahit isang araw lang. Walang pagdadalawang-isip akong pumayag. Nagpack agad ako ng iilang gamit at pangswimming.

Hindi ko alam na sobrang nakakaexcite pala ang mga biglaang alis. O baka dahil lang si mommy ang nagplano.

"Saan tayo, mi?" tanong ko habang iniistart ni mommy ang sasakyan.

"Sa Tagaytay."

Napalingon ako sa kaniya.

"Mamaya pa namang 10:30 ang check in natin. Magbebreakfast pa tayo kaya sakto lang."

"Sa Tagaytay din family gathering nila Kiel," I shared.

"Really?"

Tumango ako.

"Saan? Baka madaanan natin."

"Hindi ko natanong, mi."

"You can ask him."

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon