10.16.19 - Pile of Realizations

179 5 0
                                    

Pile of Realizations
10.16.19

I really am manipulative . . . It's scary . . .

I look down on people . . . It's disgusting. . .

Ang sakit marinig ang kumpirmasyon, mula pa kay Kiel. Magaan lang ang paraan niya ng pagkuwento sa akin pero ramdam ko ang bigat sa part niya. At iyon ang pinakamasakit.

"You saw through me right away. . . Alam mong gano'n ako. . . Bakit ka pumayag makipagrelasyon sa 'kin?"

"Gusto na rin kita eh," simpleng sagot niya. "Atsaka lahat naman tayo may toxic traits. So why would I take yours against you? 'Di ba palagi kong sinasabi sa 'yo na you're more than that? Nakita ko 'yun nung nakilala na kita."

Hindi maganda ang pakikitungo ko sa kaniya pero sinubukan niya pa rin akong kilalanin. . .

"You knew. . . Why didn't you tell me?"

"Okay, mali ako sa part na 'yan," he admitted.

Umiling ako dahil hindi niya naman obligasyon 'yun.

"I'm sorry, hindi ko alam paano sasabihin. Ayaw kong masaktan ka. Atsaka hindi ka naman na katulad ng dati."

Umiling ulit ako. Gano'n pa rin ako. Hindi na lang niya napapansin. O hindi na niya pinapansin.

"I'm sorry. . . I'm sorry for being maldita sa 'yo . . ."

Umiling siya. "Natatawa na lang ako ngayon. Atsaka okay lang kaya, cute ka naman.

"Huwag mo babaguhin 'yan, ha? Gusto ko masungit ka pa rin sa akin kahit girlfriend na kita." He chuckled. "Pero malaking katanungan pa rin sa akin kung bakit sa akin lang mainit dugo mo dati? Ano 'yung nagawa ko sa 'yo na naoffend kita? Wala pa ring sagot."

Natahimik ako, nahihiyang aminin. Nang ikwento niya kasi ang mga panahon kung kailan nagsimulang makita niya ang tunay kong ugali eh naalala ko rin ang mga iyon.

"Saan ba nagstart?" tanong niya.

"I don't know when exactly. Naaalala ko lang 'yung feeling . . ." sambit ko. "Nung grade 8, nagsimula akong mainis sa 'yo nung mapansin na iba ang pakikitungo mo sa akin. Ako lang hindi mo pinapansin. Tapos nung grade 9, feeling ko palagi mo 'kong jinajudge. Pero I guess it was just me guilty of my own ghosts."

"Hala! Affected ka pala na hindi kita pinapansin nung grade 8!" He was amused.

Iyon lang ata ang narinig niya!

Nahihiya akong napaiwas ng tingin. Ewan ko rin?! Bakit nga ba ang petty ko?!

"Binasa mo ba 'yung journal ko?" I changed the topic.

He pressed his lips together.

I sighed. "I'm sorry. . ." Napaiwas ako ng tingin at nagtakip ng mukha. "Nakakahiya. . ."

"Grabe 'yung pagsumpa mo sa 'kin ha, ang expensive. Sa amin kasi, mamatay ka na, mamatay ka na lang eh. 'Yung sa 'yo kailangan ko pang i-Google meaning."

Natawa ako kaunti.

"Iiyak na dapat ako. Buti na lang naalala ko na girlfriend na kita."

I lifted my eyes at him and made an inverted smile. Nasaktan siya. . . "Sorry. . . M-Matagal na 'yun. . ."

"Joke lang gagi. Tuwang-tuwa kaya ako. Alam mo kung bakit?"

"Bakit?"

"Puro tungkol sa 'kin sinulat mo." A ghost of a smile appeared on his lips.

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon