05.31.19 - To Start Anew

275 31 5
                                    

To Start Anew
05.31.19

"Ate Avien, are you okay?"

Bumalik ako sa wisyo nang bumalandra sa harapan ko si Niguel. "Hm?"

"We said let's go to Sierra!"

"No!!"

Nagulat ang bata.

I cleared my throat. "No, just play here, okay?"

Napanguso sila at nagmartsa paalis.

Ilang linggo na akong hindi nagpupuntang Sierra at park. Lumabas man ay saglit lang tapos uuwi agad.

Ayokong lumabas!!

"Avien, sama ka? Enroll tayo at bumili ng books mo," aya ni mommy pagkasara niya ng laptop. Day-off niya ngayon kaya nasa bahay.

"Lilipat akong school, mi." Nawala agad sa isip ko noon ang pinlanong paglipat ng school! Bago ko lang din naalala!

"Huh? Anong lilipat na naman, ha? Saan ka lilipat?"

"Maghahanap pa."

"Magpapasukan na, Avien. Atsaka isang taon na lang naman. Bakit hindi mo pa tapusin?"

Umiwas ako ng tingin at inabala ang sarili sa sinusulat.

"Maghanap ka at mag-enroll ka na," ani mommy.

Kaya iyon ang pinagkaabalahan ko maghapon. Nagresearch ako ng malalapit na school.

Mayroon akong nakitang may malaking library. I told mom about it. Sabi ko roon na lang ako. Chineck niya iyon at agad-agad nagdesisyon na puntahan namin para mag-inquire.

Napanguso ako habang nasa sasakyan. Maingay ang kambal sa backseat habang kanina pa ako hindi mapakali. I shook off my uneasiness.

No. Panindigan mo desisyon mo, Avien.

*  *  *

July 30, 2023

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon