10.23.19 - to be present.

176 5 0
                                    

to be present.
10.23.19

Hindi na ako nagpaalam kay Kiel nang mag-uwian. Bumaling lang ako sa direksyon niya bago lumabas at nagdirediretso rin nang wala naman sa akin ang mga mata niya.

Sumabay na agad ako kila Nathan dahil hindi ko alam ang papunta kila Ailene.

"Upo lang kayo. Papalit lang ako damit." Iminuwestra kami ni Ailene sa sofa nila. I felt a cozy vibe at their home.

Parang madalas dito sila Erin dahil wala na paapaalam na nagbukas ng TV at naghanap ng mapapanood. Nagtatalo pa sila nina Dianne at Shanice habang si Faye ay hinehelera ang mga gamit namin sa tabi.

Nathan sat beside me. "Okay ka lang, girl?"

"Bakit?"

"Okay lang kayo?"

". . . Yes."

He smiled. "Goods! Sorry pala kanina. . . Dapat hindi na 'ko gumatong."

"Okay lang, ano ka ba. Napapansin naman na talaga nila."

"Pero wala talagang aamin, ano?" He chuckled.

My lips protruded as my eyes dropped on my hands.

"Hindi ko kayo gets pero gew!" He laughed. "Support lang me here."

Napabuntong-hininga ako.

Yes. . . attention is uncomfortable. I felt uncomfortable earlier. But I wouldn't have denied it if Kiel did not do it first.

Pero ang ipokrita ko naman? Ako ang nagsabi noon na idedeny namin 'di ba? So why do I feel sulky about what he did? Ginawa niya lang naman ang gusto kong mangyari?

Gosh, Avien. Make up your mind!

Ang gulo-gulo mo palagi pagdating kay Kiel! Ano ba talagang gusto mong mangyari?

Nawala ako sa pag-iisip nang marinig ang tilian. Nasa nakakagulat na part na pala ng movie. I saw Erin and Dianne hugging each other, Shanice cursing at the screen, Faye laughing a bit, and Nathan holding his chest while taking a video.

Nasa likuran nila ako, naka-upo sa sahig kaya kita ko ang lahat. Itinuon ko ulit sa TV ang mga mata.

"Kain." Napalingon ako sa naglagay ng pagkain sa side table sa gilid ko. Ailene sat at my other side.

"Thank you." I glanced at her.

Sinandal niya ang likod at ulo sa pader habang nakatuon ang mga mata sa harapan. Her bare feet were on the tiles. She rested her forearms on her folded knees.

Nagsimula akong kumain ng dala niya at inalok ko rin siya. Tumanggi siya.

I felt my phone vibrated so I took it out of my pocket. Sunod-sunod ang text ni Kiel.

love:
nagbabasketball kami sa covered court
chat ka love pag uwi ka na
hatid kita

Napalingon ako saglit kay Ailene. Her eyes remained on the screen. As I typed my reply for Kiel, she stood up and sat beside Faye.

Ako:
Huwag na. I'll commute. Hindi ko alam kung anong oras pa uuwi.

love:
hintayin kita

Ako:
Huwag na.

love:
bakit?

Ako:
Sasabay na lang ako kila Nathan

love:
ahhh
sige sige

I didn't reply anymore pero nagtext pa siya.

love:
nagpaalam ka na kay mommy mo?

Doon ko lang naalalang hindi ko pa iyon nagagawa.

Ako:
I'll do it now.

love:
okaay call ka pag pauwi ka na
ha?

call ha?
ha?
pssst avien q

Ako:
Oo na

love:
bat galet? 😔💔
i love you ha!
🙄


And I love you even more, Kiel. You're turning me crazy.

Napahigpit ang hawak ko sa cellphone. Pag-angat ko ng mga mata sa TV ay narealize ko na hindi ko manlang alam ang title ng pinapanood naming movie sa kakaisip ko kay Kiel kanina pa.

Gosh! I was so distracted!

Pinagalitan ko ang sarili at pinower off ang cellphone. I sat on the vacant seat on the sofa, ready to be present.

Matapos ang isang movie ay nag-aya silang maglaro ng volleyball sa labas. I was so-so in that sport so I just watched.

"Hala!!" Dianne covered her mouth when she hit the ball with full force, making it fly to the roof. Sa dulo talaga. Halos bente minutos pa lang kaming naglalaro at nangyari na iyon. "Sorry!!"

"Hoyyy, yung bola ko!" naiiyak na sambit ni Shan.

Si Erin ay humagalpak lang ng tawa.

"Go, Yan, akyatin mo na!" pang-eengganyo ni Erin kay Dianne. "Padayon, Future Akyat-Bahay!"

"Ipapakuha ko na lang kay kuya mamaya pagdating niya," ani Ailene.

"Sorry, Shan huhuhu!"

Nagkayayaang maglaro na lang ng patintero. Nahatak na ako. We played four rounds in patintero at naisipang magpiko naman kaya gumuhit ulit sila sa semeto gamit ang bato. Buti na lang ay alam ko na ring laruin iyon dahil tinuro ni Kiel.

Nang matapos at mapagod kakalaro ay umupo na lang kami sa may gutter sa tapat ng bahay nila Ailene.

The sun had already set but it didn't bother me. I'd always wanted to go home as soon as we'd get dismissed but at that time, I couldn't even think of home. I wanted to stay in that moment.

Tahimik lang ako at hindi nakakasabay sa kwentuhan nila pero may kung anong kapayapaan akong naramdaman habang pinapakinggan ang kaguluhan nila at tinitignan ang pawisan naming mga itsura.

I smiled to myself as I captured the moment in my mind.

*  *  *

January 16, 2024

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon