10.09.18 - What Do I Do?

401 39 8
                                    

What Do I Do?
10.09.18

"Pst, huy?" Hinuli ni Kiel ang tingin ko.

"H-Ha?"

"Okay ka lang ba?"

"Nasaan si Harvin?"

"Ewan ko."

Huminga ako nang malalim at umiling. Sumandal ako sa headrest at pumikit. Kanina pa ako kinikilabutan sa dami ng nakitang sugat sa braso ni Harvin. Hindi ako mapakali.

"Okay na. Masakit pa?"

Napamulat ako ng mga mata at saka lang napansin ang ayos namin. Naka-upo ako sa kama at siya, sa stool. My eyes dropped on my hand. May ointment na roon sa paso ko.

His fingers were slightly touching mine. Inusog ko ang kamay ko.

Bumalik ang mga mata ko kay Kiel nang hipan niya ang paso ko.

My eyes drifted from his long lashes to his tall nose. Napansin ko ang namumula niyang chin. 'Tsaka ko lang naalalang natamaan ko siya kanina.

I averted my gaze. Binawi ko ang braso ko para icheck iyon. Wala naman akong maramdaman na hapdi.

"Where's Harvin? May . . . paso 'yung braso niya . . ."

"May paso ka rin naman." His brows shot up. "Hindi ba masakit 'yung likod mo?"

Unti-unting nagregister sa akin ang buong pangyayari.

Nagtagal ang tingin ko sa kaniya. "Bakit ka nandito?"

Hindi ba kaaway ko lang 'to kanina?

"Sinamahan kita. Hindi mo ba naaalala?"

Napairap ako. Hindi niya ako sinamahan. Kukuha lang siya ng cold compress para sa chin niya.

"Ba't parang wala ka sa sarili? Ako na tuloy naglagay ng ointment mo."

"Sorry ha."

"You're welcome."

Napabuntong-hininga ako. Umayos ako ng upo at hinarap siya.

"Do you think . . . he's going through something?"

"Sino?"

"Si Harvin."

"Wow? Ang understanding? Kung ako 'yun, nahampas mo na 'ko ng upuan," aniya.

Napairap ako sa sagot niya. Ang daldal naman neto.

"Kahit ano pa 'yun, hindi siya dapat nanakit nang gano'n. Hindi excuse na bad mood siya o kung ano man."

"Natapunan ko siya ng kape."

"Bakit kailangang manulak? Mamamatay ba siya sa kape?"

I remembered the cuts again. I heaved a sigh and leaned against the headrest.

"Binibigyan ka kasi ng kape, bibili ka pa ng iba."

"Anong connect?" I side-eyed him.

"Edi sana walang natapon?"

"So kasalanan ko?"

He pursed his lips and shook his head.

Bumangon na ako at lumingon sa paligid. Nakita ko ang school nurse sa may desk.

Hinawi ko ang kurtina at lalabas na nang magbukas naman ang pinto at makita si Harvin.

Natigilan ako at gano'n din siya.

"Harvin, okay ka lang ba?" Napabaling kami kay Kiel na bumasag sa ilang segundong katahimikan.

"Hindi ka manlang magsosorry? Gano'n-gano'n na lang yo'n? Kahit ano pang ginawa niya sa 'yo, hindi mo pa rin dapat siya sinaktan. Hindi ka dapat nananakit ng babae. Ang lakas ng tulak mo, ang liit-liit lang ng katawan nito. Tapos siniga---"

Nilakasan ko ang pagsiko sa kaniya hanggang sa balingan na niya. Pinandilatan ko siya ng mga mata.

"Pwede ba kitang maka-usap?" tanong ni Harvin kaya napatingin ako sa kaniya.

Lumabas kami ng room upang makapag-usap. We headed over the empty staircase at the end of the corridor.

"Sorry . . ." he said in a low voice without looking at me.

Bumuntong-hininga ako at tumango. "Sorry rin for spilling my coffee on you . . . and . . ."

Bumaba ang tingin ko sa braso niyang nababalutan pa rin ng jacket kahit basa na. Iniwas ni Harvin iyon at itinago sa likod.

I faced him completely. "Okay ka lang ba? Ginawa mo ba 'yun sa sarili mo? Bakit . . ."

Iniwas niya lang ang tingin sa 'kin. "Hindi mo na kailangang malaman."

"Kailangan mo ba ng tulong? Are you . . . abused or what? Emotionally unstable? What . . . What can I do?"

Dahan-dahan naman siyang umiling bago nag-angat ulit ng tingin sa 'kin. "Huwag mo na lang ipagkalat 'yung nakita mo. 'Yun lang pwede mong maitulong."

"If you need someone to talk to . . . uh . . . pwede akong . . . uh, makinig . . ."

Huminga siya nang malalim bago umiwas ulit ng tingin.

"Kung kailangan mo ng tulong, maraming willing gawin 'yon for you . . . Isa na 'ko ro'n . . ." maingat na sabi ko.

I don't even know if my words are helpful! I really just feel bothered by the look of his arm.

"Pafall ka . . ." bulong niya.

Nalaglag ang panga ko.

"Basta huwag mo na lang isipin 'yung nakita mo. Bakit kasi bigla mo na lang inangat 'yung jacket ko?"

"I'm sorry!"

"Oo na. Basta 'wag mo ipagkalat. 'Wag kang mag-alala, hindi ako suicidal."

". . ."

Bakit niya 'yun ginagawa?

"Kung gusto mo talaga akong tulungan, kalimutan mo 'yung nangyari at mag-akto tayo na parang dati lang. Huwag mo na 'ko ulit kakausapin tungkol dito."

Huminga ako nang malalim. "Okay, fine. Basta huwag kang---"

"At huwag kang mag-aktong may pake sa 'kin. Ayokong magkagusto sa'yo."

Umawang ang mga labi ko. Ayan pa talaga ang iniisip niya?

"Wala kang alam tungkol sa akin kaya huwag mo akong papakialaman. Umakto ka na parang dati lang. Walang pansinan."

Nagtiimbagang ako at napalunok. "Fine."

* * *

July 19, 2023

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon