10.16.19 - Tiptoe Moments

153 4 0
                                    

Tiptoe Moments
10.16.19

Naalimpungatan ako nang marinig ang pagbukas ng gate.

I opened my heavily-lidded eyes and saw a sleeping Kiel in front of me.

Narinig ko ang pagsarado ng gate.

Unti-unting nanlaki ang mga mata ko at nawala ang antok. Agad akong napabangon. Lumabas ako at sinarado ang pinto. Chineck ko kung may bakas ni Kiel sa bahay.

Nakahinga ako saglit nang maluwag nang walang makita. Kinabahan lang ulit ako nang marealize na madilim na.

Shit!

Nagtama ang tingin namin ni mommy na kakapasok lang. Tumagal ang tingin niya sa akin. Kumabog ang dibdib ko.

"Hindi ka pumasok?" unang tanong niya.

Napalunok ako. Dapat pala nagpalit ako ng damit!

"Masama pakiramdam ko kanina, mi," I said honestly. "Magaling na 'ko ngayon!"

Lumapit siya para icheck ang noo ko.

Tumango siya. Sinundan ko siya hanggang sa taas. Dali-dali akong sumilip sa kwarto ko nang makapasok si mommy sa kaniya.

Buti na lang ay tulog pa rin si Kiel!

Hinintay kong lumabas si mommy at sumabay ako sa kaniya sa kusina.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang umilaw na cellphone ni Kiel sa lababo. Agad ko iyong dinampot bago pa ako malingon ni mommy. Kumunot ang noo niya sa akin.

"Magsasaing na 'ko." Normal akong naglakad palabas ng kusina.

"Saan ka pupunta?" tanong ni mommy. Napalingon ako sa kaniya.

". . ."

". . ."

"Ako na ang magsasaing. Umakyat ka muna't magpahinga sa kwarto mo."

I pursed my lips and immediately went out of the kitchen.

Magsasaing pero lalabas ng kusina! Gosh! I'm so tensed!

Tumatawag kasi si Tita Kylie kay Kiel!

Pumasok ako ng kwarto at nilock iyon.

"Kiel!" Ginising ko si Kiel. "Tumatawag si Tita!"

Naalimpungatan siya at kinusot ang mga mata. Binigay ko sa kaniya ang phone. He answered it with half eyes open.

Pumikit ulit siya habang nasa tainga ang cellphone.

". . ."

Bigla siyang napamulat ng mga mata at chineck ang phone. Napabangon siya at napalingon sa paligid. "Gabi na?!---"

"Shh!" Tinakpan ko ang bibig niya.

"Nandito na si mommy," bulong ko sa kaniya.

Nanlaki ang mga mata niya sa akin. Nginuso ko ang cellphone niya.

Niloud speaker niya iyon.

[Nasaan ka?]

I pressed my lips together.

"Mi, sorry. Nakila Avien pa po 'ko. Hindi ko namalayan 'yung oras. Sorry."

[. . .]

Napalunok ako. "Tita, sorry po. May sakit po kasi ako, inalagaan po ako ni Kiel. Tapos nakatulog po kami pareho, ngayon lang po nagising."

[. . .]

Sasabog na ang dibdib ko sa kaba.

[Okay ka na ba?]

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon