10.09.18 - People Pleaser

409 39 12
                                    

People Pleaser
10.09.18

"Dito mo itama," tukoy ni Shanice sa wrist niya, tinuturuan ako ng volleyball.

Iyon ang ginawa ko.

"Tabingi. Try mo ulit."

"Okay na. Kaya ko na."

"Basta sa wrist mo itatama at ayusin mo 'yung placement ng mga daliri mo."

Nagpractice ako mag-isa. Refresher na lang naman kasi final game naman na mamaya, napractice na ako noong mga nakaraang linggo.

I tried a different hand position. It worked. Mas malakas din ang tira ko sa ganoon. So, I tried applying it during the game.

"Sabi ko huwag bomba eh," reklamo ni Shanice nang lumagpas sa linya ang tira ko at makapuntos ang kalaban. "Faye, sub kay Avien!"

Umalis ako ng court, ramdam ang inis ni Shanice.

I just sat quietly and watched.

Maya-maya ay may nagharang ng bottled coffee sa paningin ko. Nag-angat ako ng tingin kay Kiel.

"What?"

"Coffee?"

Naguguluhan akong napabalik tingin sa kape. He wiggled it, urging me to take it.

"Ano ba?" Nainis ako.

"Kunin mo. Binili ko 'yan sa 'yo." Nilagay niya sa lap ko iyon at umupo sa tabi ko. "Ganito dapat ang kamay sa pagserve." He suddenly showed me the correct hand position in volleyball.


"Alam ko."

"Eh bakit kung ano-anong ginagawa mo?"

"Bakit ba?"

He sighed. "Gusto lang kitang tulungan. Baguhin mo 'yung ayos ng mga kamay mo para hindi masyadong malakas ang tira sa bo---"


"Alam ko. Don't tell me what to do."

"Bakit hindi mo ginawa? Lumagpas tuloy 'yung bola."

"It's fine."

"Sinadya mo ba 'yun?" he asked.

"Oo." Gumana naman kanina eh.

Hindi na siya nagsalita pero ramdam ko pa ang tingin niya. Nilingon ko siya ulit.

That blank stare again.

That feeling anew . . . being judged.

My brows knitted. Is he analyzing my reply? What is he thinking?

"Bakit? Para mag-out?" he followed up.

". . ."

". . ."

He already has his ideas of me.

"Yes," I lied.

"Kasi ayaw mo maglaro?"

"Yes."

Then, he just smiled.

Him and his fake smile.

Kiel Santillan . . .

What does he think of me?

"Gusto mo---"

"Look." Hinarap ko siya. "For some reason, I get annoyed every time I talk to you. There's really just something about you that irritates me. I don't exactly know what. Kaya huwag mo na akong kausapin. Ayokong makipag-away."

Napakurap siya at humawak sa dibdib na parang nagtatanong na bakit parang kasalanan niya.

". . ."

Kinuha ko ang coffee sa lap ko at nilapag sa tabi niya bago ulit bumaling sa court.

"Kung ayaw mo sa 'kin, okay lang. Pero just to get things straight---kasi nabother ako sa sinabi mong ayaw ko sa 'yo . . . Ayoko lang sa ugali mo per---"

Napatikom siya ng bibig nang samaan ko ng tingin. 

"I don't care. The feeling is mutual."

"Wew. I don't care tapos pinapakulam na pala 'ko . . ." dinig kong bulong-bulong niya sa sarili.

"Sosorry-sorry ka pa na nafeel kong ayaw mo sa 'kin eh totoo naman. You just want to clean your conscience and feel good about yourself."

". . ."

"Naiinis lang ako sa 'yo lalo."

Napaayos siya ng upo paharap sa akin. Tumagal ang tingin niya na parang naninimbang. "Ang dami mo palang nasasabi pagdating sa 'kin, noh?"

"Anong pinapalabas mo?"

"Ang nagmamataas ay ibinababa at ang nagpapakababa ay itinataas."

Nagdugtong ang mga kilay ko. "Do you really think you're all that to have my time wasted on hating you? I don't do that voluntarily. You exist, I hate you; you're gone from my sight, I don't hate you anymore. It's that simple. Pinapalabas mo pang hinihila kita pababa."

He pursed his lips. "Oh, dami mo na namang nasabi . . ."

Feeling ko tumataas na ang dugo ko sa pagkainis sa kaniya. Tumayo ako at nagmartsa palayo.


Sa dami ng kaibigan niya at may gusto sa kaniya, bakit bothered pa siya sa tingin ng isang tao sa kaniya? Kailangan ba magustuhan ko rin siya? Sinusubukan niya pa talagang makipagkasundo sa ginagawa niyang paglapit! Gusto niya lahat gusto siya!

. . . People pleaser!

* * *

July 19, 2023

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon