06.03.19 - Ice Bear and Avocados

290 33 0
                                    

Ice Bear and Avocados
06.03.19

Hindi ako makapaniwalang nakalimutan kong kumuha ng TOR!

Nabudol ako ni Kiel! Chinismis niya ako nang chinismis, nawala sa isip ko ang gagawin sa school!

Nasa jeep na ako nang maalala!

Kiel Yuan Santillan
active now

4:47 PM

Alam mo, bwisit ka.

first chat bwisit ka 😄

I forgot my TOR!

HALA OO NGA NOH HSHSHSSHHSHSHSHSHSHSHSHSSHAHHHAHAHA

buti nga :P


hulaan mo ano pa naiwan mo


He suddenly sent a picture of my umbrella! Nasa lamesa iyon at mistulang sinasakal niya gamit ang kamay.

4:49 PM

dadaan kang shop o hindi na to sisinagan ng araw


Inalis ko ang ngiti dahil baka magmukha akong tanga rito sa jeep. Nilagay ko na sa bag ang cellphone, hindi na nagreply. Kasi matatawa lang ako! Kapag si Kiel ang kausap ko, it's either maiinis o matatawa ako!

Pagbaba ko ng jeep ay hindi na ako nagtricycle para dumaan muna sa Sierra.

"Buti napadaan ka na! Eto, pinapabigay ni Yuan." Kiel's aunt handed me an eco bag.

Sinilip ko iyon. Mayroong lamang Avocados at may paper bag. I checked the paper bag. Kumunot ang noo ko sa nakakartong laruan. Ice Bear squish toy.

Pinicture-an ko ang eco bag at sinend kay Kiel pagka-uwi.

Kiel Yuan Santillan

5:36 PM

thank you for saving the avocados 🙏

Bakit may laruan? Kasama ba 'to?

yes 😎👉👉

Binuksan ko ang laruan at nilapag sa lamesa ang squish toy. Pinindot ko iyon.

My lips protruded. Cute.

"Avien." Napalingon ako sa pinto ng kwarto nang bumukas. "Ano? Naayos mo na requirements mo?"

". . ."

"Mag-enroll ka na, baka magastos pa ang pera."

She entered my room and curiously checked my Avocados. "Saan 'to galing?"

"Bigay lang, mi."

"Nino?"

"Uh . . . Classmate."

Napatingin siya sa akin. "Walang pasok."

"Tita niya may-ari ng malapit na Café. Pinabigay lang po sa akin."

"Friend?"

I nodded unsure. She raised her brows, slightly amused.

My eyes slid from the Avocados to the toy.

"Babae?" tanong ni mommy.

". . ."

". . ."

"Yes," I replied.

Hindi ko alam kung bakit ako nagsinungaling.

Naiwan ang tingin sa akin ni mommy. She didn't say anything anymore. Binalik na niya sa eco bag ang Avocados.

"You have a friend. Why do you want to transfer?" she asked after a while.

"Uh . . . Dapat ba hindi na ako magtransfer, mi?"

She looked at me. "It's up to you."

"Nakalimutan kong asikasuhin ang requirements ko."

She raised her brows once more. I looked away. Inabala ko ang sarili sa pagligpit ng kalat.

"Don't transfer if you don't want to."

I nodded.

"Hindi ka na lilipat?"

"Late na rin, mi, eh, magpapasukan na."

". . ."

Tumayo ako at dinampot ang eco bag. "Gawin ko lang shake, mi."

"Huwag ka nang lumipat. Mag-enroll ka na bukas," paalala niya bago pa ako makalabas.

I nodded, relieved.

*  *  *

July 30, 2023

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon