06.13.19 - How to Meet Halfway?

336 33 0
                                    

How to Meet Halfway?
06.13.19

"Uy, bakit may Lazaronian dito!"

Unang araw ng klase iyon ang bungad ni Kiel!

Tinakpan ko ang tainga ko at binilisan ang paglalakad. Dinig ko ang tawa niya.

Dahil hindi ako tumuloy, iniisip niya tuloy na joke lang 'yung sinabi kong lilipat ako at ngayon inaasar ako sa pagsisinungaling ko!

Pagpasok ng classroom, parehong mga mukha ang nakita ko. Magkakaklase pa rin kami. Maingay na agad sila at buklod-buklod.

Umupo ako sa unahan.

Pumasok ng room si Kiel at agad nastranded ng mga kaibigan. He later then sat beside me. "Tabi tayo."

Bumuntong-hininga ako.

"Bakit hindi ka tumuloy sa San Lazaro?" pagdaldal niya sa 'kin.

". . ."

"Pst. Avien. Ba't hindi ka tumuloy---"

"Dahil sa 'yo, okay?" lingon ko sa kaniya.

"Huh?"

"I mean!" I panicked a bit. Napaharap ako sa kaniya. "Hindi ko naasikaso ang requirements ko. Nakalimutan kong kumuha ng TOR kasi kinausap mo 'ko nang kinausap noon, 'di ba!"

"Hindi ka bumalik ulit?"

"No. Late na."

"Siguro natakot ka nung sinabi kong dating sementeryo 'yun?"

Pairap akong nag-iwas ng tingin.

"Natakot ka nga!" he concluded. "Pero, Avien, dati ring sementeryo 'tong school natin eh."

". . ."

"Pero wala namang nagpaparamdam. Nangingialam ng gamit, meron."

"Wala ngang nagpaparamdam, meron namang madaldal."

"Sino?"

"Tingin ka sa salamin."

"Sino nagtanong."

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Joke lang," he chuckled.

"Sa iba ka nga umupo."

"Bakit? Ang sama mo naman."

"Distraction ka."

"Hindi naman ako maingay kapag may teacher. Hindi kita dadaldalin, huwag kang mag-alala. Makakapagfocus ka pa rin."

I doubt!

"Uy, new student." Naagaw ng dumaan sa gilid ko ang atensyon niya.

Saglit kong sinundan ng tingin ang lalaking nakajacket.

Bumalik ang mga mata ko kay Kiel na nakatingin pa rin sa lalaki habang nakapatong ang isang braso sa desk, nakaharap sa direksyon ko.

My eyes lingered at his poker face. Nakangiti o hindi, maamo pa ring tignan ang mukha niya.

His features had always looked soft: his hair that always appeared fluffy and unruly because of its natural soft curls on ends, his sparkling pair of eyes, his smooth bread cheeks, his pink lips. And from my view, pansing-pansin ang tangos ng ilong niya.

My chest heated when our eyes met. I felt nervous and was too caught off guard to avert my gaze.

"Si Harvin!" he exclaimed.

Napasinghap ako at kinalma ang sarili. 'Tsaka ko lang napansin ang gulat at amazement niya.

Sinundan ko ng tingin ang nginuso niya. I made eye contact with the guy.

My eyes narrowed and it took me a few seconds to realize that it was Harvin. Wala na siyang salamin. Hindi na mahaba at tumatama sa mga mata ang buhok niya. Nagkalaman din siya kahit papaano. But he was still in his jacket.

Naglakbay ang isip ko sa isang alaala.

He looks healthier compared to the last time I saw him . . .

Does he still have cuts? Does he still do . . . that?

I looked away.

"Di ba si Harvin?"

Bumaling ako kay Kiel. "Do you . . . talk to him? I mean, you talk to everyone. Do you also talk to him?"

"Oo. Casual lang din."

"How is he like?"

"Hindi niya 'ko pinapansin."

Napatango ako dahil hindi nga nagsasalita si Harvin unless tanungin ng teacher.

"Pero nung ano . . . mga last months ng last school year, nagtatama tingin namin. Dati naman hindi kasi palagi siyang nakayuko."

I nodded. Ganoon din ang experience ko.

"Dati kasi hindi ko nararamdaman presence niya as in. Tapos bigla na lang nung patapos na school year, magtatama tingin namin. Tapos napapansin ko siya nasa gilid ganiyan."

Hindi ko rin ramdam ang presensya niya noon. Pero ang akin naman, kaya napapansin ko na siya kasi may alam ako tungkol sa kaniya at kuryoso.

"Akala ko sinusubukan niyang makipag-interact. Pero nung kinakausap ko naman siya no'n, hindi siya nasagot," dagdag ni Kiel. "Minsan din masama ang tingin niya sa akin."

Napaisip ako. He's trying to interact?

"Pinilit mo ba siyang magsalita?"

"Hindi. Grabe ka naman."

I shifted from my seat. "Sinubukan mo na ba siyang kaibiganin? Uh . . . Why don't you try?"

"Hindi naman pinipilit ang pagkakaibigan."

"I mean, tinanong mo ako before, right? If I can be your friend? Why don't you ask him, too?"

"Kaibigan na kasi tingin ko no'n sa 'yo, ikaw ang hindi kaya tinanong kita."

"How is that different?"

"Kasi hindi ko kaibigan si Harvin?"

Kumunot ang noo ko, confused. "Kaya mo nga siya tatanungin para maging magkaibigan kayo."

"Eh parang hindi natural?"

"Huh?"

"Hindi ba ang friendship, natural na nabubuo 'yan? Bigla na lang, magkaibigan na kayo. Parang tayo."

"But you asked me to be your friend."

"Oo nga. Eh before that, may bond na tayo. Kaibigan na tingin ko sa 'yo no'n."

"So you're saying na you must have a bond first?"

"Oo. And that should come naturally."

"I don't think so. If you want something, you make it happen."

Nagtagal ang tingin niya sa akin.

"What?"

Umiling siya. "Gusto mo bang makipagkaibigan ako kay Harvin?" 

"Hindi. Pangit naman kung makikipagfriend ka kasi sinabi ko."

He nodded. "Dapat kasi natural. Magmeet halfway."

My eyes lingered at him and realized that he wouldn't compromise with my perspective.

*  *  *

August 2, 2023

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon