02.08.19 - And Then I was Alone

375 36 5
                                    

And Then I was Alone
02.08.19

"Wala na bang magbabayad? Ibibigay ko na kay Ma'am mamayang uwian," anunsyo ko sa klase nang maglunch dahil parang wala silang balak magbigay.

"Avien, eto mga nagbigay sa 'kin." Lumapit sa akin si Nathan at nag-abot ng collections. Napakunot ang noo ko.

"Pres, oh, bayad!" mayroon pang isang kaklaseng humabol sa kaniya.

"Kay Avien niyo na ibigay! Kakaloka!" stressed na aniya at umalis na.

I looked at the money.

My eyes roamed the room. Akala ko ba inanunsyo ni Ma'am na sa akin magbabayad? Bakit kay Nathan sila nagbigay?

Tinignan ko ang kasamang listahan ng pera. Walo lang ang nag-abot sa akin habang kinse ang nagbigay sa kaniya ng bayad.

Bumalik ako sa upuan ko at inisa-isa ang mga pangalan sa listahan niya.

Kiel.

Tumigil ang mga mata ko sa pangalang iyon.

Humigpit ang hawak ko sa papel at inalis sa paningin. 

"Avien! Kumpleto na? Gusto mo tulungan kita maningil?" biglang sumulpot sa harapan ko si Kiel at humila ng upuan.

Inabala ko ang sarili sa pagbibilang ng pera pero sa kalagitnaan ay nawala.

Kinuha ni Kiel ang listahan. "Oy, Jai! Wala ka pa palang bayad ah!"

Inulit ko ang pagbibilang pero nawala ulit kalagitnaan. Inis kong pinagbabalik iyon lahat sa wallet.

"Avien, okay ka lang? Gusto mo tulungan kita magbi---"

"Can you shut up?" I frustratedly lifted my gaze at him.

He blinked and slowly closed his mouth.

Tumayo ako at lumabas ng room. I headed over the comfort room.

I stood in front of the mirror and watched my reflection.

Why am I affected over something petty?!

I gritted my teeth as I washed my hands.

Kung ayaw nilang sa 'kin magbigay, edi huwag!

Ilang sandali pa akong nanatili sa banyo bago bumalik sa classroom.

Pagbalik ay kita ko ang iilang tao sa palibot ng desk ko.

"Eto oh!" Nilapag ni Rhea ang nadampot na 100 mula sa sahig.

"Eto pa, barya mo!" Nilapag din ni Ivy ang nadampot na mga barya.

Kunot-noo akong lumapit. Napalingon sila sa akin.

"Avien, sorry!" bungad ni Kiel mula sa paghahalughog ng paligid. Kita kong bukas ang wallet at kalat-kalat ang pera sa desk ko.

Unti-unting nabawasan ang tao sa paligid. Si Harvin na katabi ko ay nagsuot ng hood at sumubsob sa desk niya. Si Kiel na aligaga sa paghahanap ay tinutulungan nina Clyde, Rain at Jairelle.

"Wala na, 'tol. Sakto na 'yan."

Lumipat ang tingin ko sa hawak ni Clyde na bola ng volleyball tapos ay kay Kiel.

"Sorry, 'tol."

"Avien, sorry . . . Binibilang ko kasi tapos natamaan ng bola kaya nahulog 'yung ibang pera," humahangos na paliwanag ni Kiel.

I watched him count the money.

"3,850!" He looked up at me.

Blangko ang tingin ko sa kaniya. "Dapat 3,450 lang."

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon