08.14.19 - Messed Up

183 30 0
                                    

Messed Up
08.14.19

That was the very first time that happened.

Maiinis ako, magagalit. Pero kailan man hindi ako aabot sa ganoong lebel.

Pero nagawa ko.

Hindi ko napigilan ang sarili ko.

I messed up. I knew I messed up.

Kanina pa ako umiiyak sa kwarto, pinagsisisihan ang ginawang pagsasalita.

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin.

Hindi ako pumasok ngayong araw. Sising-sisi ako, wala akong mukhang maihaharap sa mga kaklase.

Hindi ko dapat sinabi ang mga iyon.

Kahit ano pang sinabi nila, hindi ako dapat nagsalita ng gano'n.

Napatingin ako sa cellphone ko at umilaw iyon mula sa pagriring.

Umagos ulit ang mga luha ko nang makita ang pangalan ni Kiel.

Higit sa lahat, nahihiya ako sa kaniya.

Napahagulgol ako.

Nagkulong lang ako sa kwarto buong maghapon. Hindi alam ni mommy na hindi ako pumasok at hindi niya rin naman malalaman.

Pinatay ko ang cellphone ko at pinilit matulog. Sobrang sikip na ng dibdib ko. Kinatulugan ko na lang ang pag-iyak.

*  *  *

August 12, 2023

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon