07.26.18 - Into My Nerves

530 49 19
                                    

Into My Nerves
07.26.18

"Cut."

"Cut."

"Cut. Ulit."

"Cut. Show some emotions."

"Cut."

"Again."

Gumapang sa sahig ang mga aktor habang nireview ko ang pang-anim na take sa pangalawang scene.

Nagpantig ang sintido ko nang marinig ang background noise sa likod ng camera dahil sa pagkasagi ni Kiel kanina sa upuan.

"Kaya 'to matanggal," sambit niya. "Noise reduction lang."

"Edit mo na lang, Kiel, please."

"Next scene na." I checked the script. "Gian, Nathan and Shanice."

Pumwesto na sila. Pinagpractice ko muna sila at tinuro ang tamang tono sa pagbato ng linya.

"Camera, susundan 'yung actors, then zoom out. From here to there. Dapat makita 'yung doorway," turo ko. Kiel just did an 'okay' sign. "Your cue."

"Okay . . . Lights, camera . . . Action!"

Nagbatuhan ng linya ang mga aktor. I watched through the camera. Pansin ko ang pagkastable ng hawak ni Kiel.

Maayos na sana. Akala ko mag-wa-one take lang kami nang bigla namang mabulol si Gian.

"Cut."

"Cut."

"Again."

"Cut."

"Cut. Lakasan pa 'yung boses."

"Cut. Nagshake 'yung camera."

"Cut."

"Cut."

"Aiming ba tayo for Oscars?" Nakahilata na sa sahig si Erin, sa gitna ng court.

"Break muna tayo, Avien."

"Pagod na 'ko," reklamo ni Shanice.

Chineck ko sa camera ni Kiel ang kuha. "Isa na lang. Lumabas 'yung araw, nakuha sa camera. Against the light."

"Kaya 'yan i-edit ni Kiel."

"Napatingin din si Nathan sa camera."

Hinampas ni Shanice si Nathan. "Para ka namang bobo, Pres!"

"I-edit na lang din mata ko, Avien girl!"

"Hindi na rin naman pansin 'yun!"

"I-zoom in na lang para hindi makita si Nathan!"

Umiling ako matapos ang mga suhestyon nila. They groaned in dismay.

"Break muna," sabi ko.

Kinuha ko ang water bottle at pinanood silang umalis.

Sinundan ko ng tingin si Gian na kanina pa nabubulol sa tabi ni Shanice. Isa siya sa mga walang reklamo kahit paulit-ulit.

Kasi nandiyan si Shanice. He likes her.

Si Sofia rin ay walang reklamo at kanina pa tahimik kahit magkapersonality sila ni Erin. Kasi nandito si Kiel. She likes him.

Si Kiel ay unexpectedly, matino rin. I thought he would be playful like he always was. Pero sumusunod lang siya and at the same time, parang may ibang mundo tuwing nagmamanipula ng camera.

Alam kong photojournalist siya. Kaya nga nilagay ko siya sa grupo ko. Hindi ko lang alam na ganito pala siya kaseryoso kapag may hawak na camera.

Pinanood ko siyang sumunod sa mga kasama habang tinitignan ang mga kuha. Our eyes met when he suddenly turned his head to my direction.

1 . .

2 . .

3 . .

I thought he would say something but he just took his eyes off of me and left.

Uminom ako sa bottled water at madiing isinara ang takip noon pagkatapos.

There's just . . . There's just something about him that really gets into my nerve.

* * *

July 17, 2023


Comments and votes are highly appreciated!

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon