07.04.19 - Flirt

284 36 0
                                    

Flirt
07.04.19

Dinampot ko ang walis na pang-bruha at winalisan ang nagkalat na dahon mula sa puno.

Si likuran ng school ay mayroong nakahilerang mga puno at mga benches sa ilalim. Presko at malilim kaya madalas tumambay ang mga estudyante.

Kahit nag-a-aral, tila mayroon pa rin talagang mga walang disiplina't iniiwan lang ang pinagkainan na dinadampot naman ng mga kaklase ko ngayon.

"Ay! Sorry!" Sumabog ang naipon kong mga dahon nang masanggi ng nakikipagharutang kaklase.

Winalis ko ulit iyon. Maya-maya'y mayroon pang isang walis na lumapit.

My eye twitched when I saw it sweeping in different directions!

Nag-angat ako ng tingin sa may hawak. I was surprised to see Kiel. Sumulyap siya sa akin at nagpatuloy na sa pagwawalis.

I paused to watch him sweep off the leaves. My mind couldn't focus enough to get bothered by the mixture of small leaves, soil and dust that trailed from Kiel's broom.

Nang magsimula siyang mag-dustpan at sumabog ang mga dahon ay tumulong na ako. Habang nagbubukas siya ng garbage bag ay inagaw ko ang dustpan.

Hinawakan niya ang plastic at tinapon ko roon ang mga dahon.

"Sorry . . ." he suddenly uttered. "Bati na tayo . . ."

Napahinto ako at bumagal ang pagwawalis.

"Hindi na kita pipilitin sa mga ayaw mo . . ."

Unti-unting tumigil ang pagwawalis ko at napaangat ang tingin sa kaniya nang unti-unting marealize ang sinasabi.

Something tugged my heart when I met gaze with his sincere eyes.

"Sorry . . . pinilit kita sumali . . ."

". . ."

"Sorry kasi nainis ako sa 'yo kahit mali naman ako . . . Hindi kita pinapansin . . ."

I bit the insides of my lower lip, felt the urge to cry. And I didn't even know why!

I broke gaze.

Yung ilang araw nang inis at frustration sa dibdib ko na hindi malabas-labas, bigla na lang naglaho. Napalitan ng . . .

"Galit ka pa ba sa 'kin?"

Bumalik ang tingin ko kay Kiel.

Habang nagtatagal ang mga mata ko sa kaniya ay unti-unting nagiging malinaw ang nararamdaman ko.

I missed him. I miss him.

Buntong-hininga akong napapikit.

Namiss ko siya. Namiss ko siya kahit hindi naman siya nawala sa paningin ko. Namiss ko siya kahit ilang araw lang kaming hindi nag-usap.

Gusto kong pagalitan ang sarili.

"Bati na tayo . . ."

I composed myself. Nagmulat ako ng mga mata. "Bakit ka nainis sa 'kin?"

"Same reason."

"Ano yun?"

Umiling siya. "Pero kasalanan ko rin naman."

Same reason?

Bago pa lumalim ang pag-iisip ko ay nawala na ako nang kuhanin niya sa kamay ko ang dustpan. "Ako na."

Nahirapan siya dahil hindi naman match ang laki ng walis at dustpan. Tumulong ako. Ako na lang ang nagwalis habang hawak niya ang dustpan at ilalagay sa plastik.

He flashed a smile when we finished. I broke gaze when he lifted his eyes at me. Naglahad siya ng kamay. My brows knitted.

"Apir."

I didn't want to come in contact with his hand but I was afraid he'd misinterpret so I just went along with it!

Mabilis ko na lang na tinampal ang palad niya.

"Aw," reklamo niya.

Inabala ko na ang sarili sa pagbubuhat ng plastic ng basura. At dahil nagbabalik na ang atribidang si Kiel, inagaw niya ang plastic sa akin para siya ang magbuhat.

"Ikaw 'yun noh, Avien?" aniya habang naglalakad kami papunta sa tapunan. "Yung nahuli ko kanina. Sa laro."

Napalingon ako sa kaniya. "Alam mo?"

"Oo," he grinned.

"No. Sabi mo si Rhea."

"Acting lang 'yun. Alam ko namang ayaw mong maging taya."

Oo nga noh. Kung nahulaan niya kanina, ako ang magiging taya.

"Paano mo nalamang ako?" tanong ko.

"Kasi ang bango mo."

". . ."

Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko. Pagkatapos noon ay hindi ko na siya ulit nilingon.

Hindi ko naman unang beses masabihang mabango pero apektado ako ngayon! At kay Kiel, parang wala lang! It came out so naturally from him! Sa pagsabi niya pa, mapapaniwala ka talagang totoo!

Ganito ba siya sa lahat?!

Flirt!

*  *  *

August 6, 2023

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon