05.03.19 - Walk of Shame

330 36 9
                                    

Walk of Shame
05.03.19

Sa mga sumunod na araw ay palagi akong lumalabas ng bahay at madalas magpunta ng park.

Kahit wala sa schedule ko!

"Kami naman hanapin niyo! Lagi na lang kami ang taya!" demand ni Kiel.

Nagkita ulit kami sa park at pinilit ulit akong sumali sa paglalaro nila ng mga bata. Actually, pinilit is an understatement. Kasi wala namang pangungumbinsing nangyari! Bigla na lang kasali na ako sa laro nila kahit nananahimik ako sa isang tabi!

Gaya nito!

"May hiding spot na 'ko!" excited na ani Kiel. He held my wrist and pulled me up from my seat. "Tara!"

Hihilahin niya dapat ako kung saan pero marahas kong binawi ang braso sa gulat mula sa elektrisidad na naramdaman.

Umiwas ako at mag-isang naglakad. Nang hindi siya marinig na nakasunod ay napalingon ako.

Nakita ko siyang nanatiling nakatayo roon, nanatili ang kamay sa ere na animo'y hawak pa rin ang braso ko.

He made an apologetic smile as he followed me.

Siya na ngayon ang nauna at sumunod na lang ako. Pumunta siya sa likod ng bushes at puno. He casually sat on the grass. Nilingon niya ako nang manatili akong nakatayo.

He remained silent so I felt awkward. I felt the shift of his energy. Nilingon ko siya pero napaiwas din nang ibaling niya rin ang tingin sa akin.

"Sorry, Avien, hinila kita."

"Huh?" Napabalik ang tingin ko sa kaniya.

"Napipilitan ka ba?"

Kumunot ang noo ko sa tanong niya.

"Akala ko nag-e-enjoy ka," aniya.

Hindi na ako nakapagsalita dahil biglang sumulpot ang mga bata.

"Huleee!"

"Nice." Umapir siya sa batang nakahanap sa amin.

Lalo akong naguluhan nang bigla siyang magpaalam sa mga ito na uuwi na.

"Babalik kayo, kuya?"

"Hindi ko pa alam kung kailan ako babalik eh. Baka next month. Laro na kayo, babye!"

Tumayo ako mula sa kinauupuan at nagpalpag. 

"Balik kayo!"

"Balik ka, Kuya Kiel!"

Kiel smiled and waved at them.

"Pinaalam na kita sa mga bata." He glanced at me. "Sabihin ko na lang na hindi ka na makakapunta sa mga susuno---"

I shifted my weight as I crossed my arms and knit my brows. "Bakit mo 'ko pinapangunahan?"

Umawang ang mga labi ni Kiel.

"Sinabi ko bang uuwi na ako?"

". . ."

". . ."

"So---"

"Sorry ka nang sorry!" I said in frustration. "Hindi kita maintindihan!"

Nagmartsa ako paalis.

"Bakit kasi hindi ka magsabi?" dinig kong sambit niya.

Nagpatuloy ako sa pag-alis.

"Ang hirap mong basahin! Hindi ko matantsa kung ano talagang mood mo. Kaya nag-a-assume lang ako ng gusto mong mangyari base sa reaksyon mo!" Sumisigaw na si Kiel para lang marinig ko dahil patuloy akong nagmamartsa na takip na ang tainga ngayon. "Mas mahirap kang maintindihan!"

Napahinto ako at kinuyom ang kamao. "Edi huwag mong intindihin! Pinilit ka ba?!"

He growled in frustration. I turned my back at him and marched away.

Huminto lang ako sa paghahangos nang mawala na sa paningin ng lahat. I took a deep breath as I tried to calm myself down.

"Shit." I bit my lower lip and covered my face. Napaupo ako at frustrated na hinilamos ang mukha.

"Sorry."

Napalingon ako nang marinig ang boses ni Kiel. Napatayo ako, hindi inaasahan ang pagsunod niya.

He sighed. "Sorry na. Sige na, ayaw mo na umuwi. Gusto mo pa maglaro."

Matalim kong iniwas ang tingin.

"Oh, ba't attitude pa rin?"

He raised his hands, surrendering, when I darted my eyes back at him.

I didn't know what to say anymore so I attempted to leave.

"Sige. Huwag mo 'kong pansinin. Aalis kami bukas. Bakasyon. Matagal. 'Di ko alam kung kailan pa babalik," aniya.

Bumagal ang paglakad ko.

"Ayaw mo ng closure? Kikimkimin mo galit mo buong panahong wala ako?"

"Hindi ako galit."

"Weh?"

Dinig ko ang mga yapak niya hanggang sa makalapit sa akin.

"Tingin ng hindi galit?" Sinilip niya ang mukha ko at mahinang natawa nang samaan ko na naman ng tingin.

"Bwisit ka," naiinis na sabi ko.

"Bakit na naman?" tanong niya sa tonong may kataasan.

Naiwan lang ang tingin ko sa kaniya. Napakamot siya ng batok at marahan akong niyakap.

Nagulat ako. Saglit na bumalot ang init niya sa akin bago lumuwag ang yakap. Naramdaman kong bigla siyang natauhan. Bago niya pa mabitiwan ay kusang nagpaubaya ang katawan ko sa kaniya.

His hug slowly tightened as I hid my eyes on his shoulder.

Sa dami ng emosyong sabay-sabay kong nararamdaman ngayon, naghahari ang kahihiyan sa sarili.

Inaway ko siya. Pero ako ang kinocomfort ngayon.

*  *  *

July 30, 2023

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon