10.02.19 - Never a Dull Moment

214 30 0
                                    

Never a Dull Moment
10.02.19

Gusto ko sana tabi kami ni Kiel kaya lang hinila siya ng mga kaibigan niya.

Napapatingin na lang tuloy ako sa direksyon niya. Nakikipagkwentuhan at tawanan lang siya sa kanila.

My lips protruded. Tinusok ko ang manok.

Para naman akong isa sa mga babaeng may crush sa kaniya! Pasulyap-sulyap lang!

Ganito pala ang feeling?

Buti na lang girlfriend ako!

Nakangisi akong kumagat sa manok.

When I lifted my eyes, I met gaze with a classmate.

Ang weird nga kasi kanina pa ako may nakakatamaan ng tingin! Eh these days naman, parang multo lang ako sa kanila!

Pagbalik ko ng mga mata kay Kiel ay finally, nahuli ko rin ang tingin niya.

My mood lit up. I smiled at him. Napatitig siya sa akin bago sinenyas ang loob ng bahay.

Dumiretso kami sa tinurong dirty kitchen ni Nathan kanina. From there, the noise outside was muffled.

"Ang agaw atensyon naman ng ngiti mo. Lahat napapatingin." He folded his arms, playfully scolding me.

I raised a brow and shrugged. Namuo ang multo ng ngiti sa mga labi niya, amused. Tinaasan niya rin ako ng kilay. I smiled cutely at him with a head tilt. His eyes glint as he chuckled and pinched my cheek lightly.

"Naaano na nga ako kasi ako ang mag-a-abono."

Sabay kaming napatingin sa doorway nang makarinig ng papalapit na boses.

Hinila ako ni Kiel palayo roon at nagtago kami sa gilid ng ref.

"Paano ba nawala?"

Boses ni Nathan at Shanice ang narinig namin.

I looked up at Kiel. He put his index finger against his lips. Prente lang akong sumandal sa dibdib niya.

"Hindi ko alam. Basta ang huli ay nung tumambay kami sa bahay nila Ailene. Kasama ko sina Rhea, Ivy, at Dianne."

"Ayoko na lang talaga magtalk."

"Di ba si Rhea kumuha ng 1k mo nung naglalaro tayo sa room?"

Hindi nagsalita si Shanice.

My eyes narrowed. Nakuha ang atensyon ko.

"Kaya F.O. na kayo?"

"Oo, sis, huwag ka maingay. Sino nagsabi sa 'yo?"

"Nachika lang sa akin ni Ailene."

"Hinayaan ko na nga eh, hindi ko na inissue."

Bumuntong-hininga si Nathan. "Ayaw ko rin namang magbintang. Mamaya nga sa GC, ikukwento ko kung kailan ko huling hawak ang pera tapos iannounce ko na kung nakanino man, ibalik na lang sa bag ko."

"Oo, teh, tulungan kita mamaya."

Narinig na namin ang yapak nila paalis matapos maghugas.

Nagkatinginan kami ni Kiel.

"Tea," he mouthed playfully.

I chuckled. Lumabas na kami ng kitchen, hindi na pinag-usapan ang narinig.

"Gusto mo kumanta? Karaoke tayo pagkatapos kumain," aya niya sa akin.

"Hindi ako marunong kumanta."

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon