08.16.19 - Heavier and Heavier

188 30 0
                                    

Heavier and Heavier
08.16.19

Dalawang araw na akong hindi pumapasok kaya kailangan ko nang pumasok ngayon.

Buti na lang ay hindi na gaanong namamaga ang mga mata ko.

Pinipilit ko na ring huwag umiyak dahil ayokong mahalata na ni mommy. Hindi ko na kasi siya sinasabayang kumain para lang hindi makita ang mugto kong mga mata.

Pagtapak pa lang ng eskwelahan ay gusto ko na agad tumakbo paalis. Hindi ko pa rin kayang humarap sa klase kaya pumasok ako nang maaga.

Mas mabuti na 'yung mauna ako kaysa papasok ako nang nandoon na silang lahat at sabay-sabay titingin sa akin.

Ako ang nauna sa classroom. Huminga ako nang malalim at kinalma ang sarili.

Nagsuot ako ng earphones at nagbasa ng e-book sa cellphone para abalahin ang sarili at hindi marinig ang pagbukas ng pinto.

Dumarami na ang mga nasa room pero nanatili akong nakayuko.

I bit the insides of my lower lip, losing focus, when Kiel sat beside me. Naramdaman ko ang iilang tingin sa amin.

Umiwas ako nang subukan niyang abutin ang mukha ko. Napahinto siya.

Tinanggal ko ang earphones.

"Bumalik ka na sa upuan mo . . ." mahinang sabi ko, hindi siya binalingan.

"A---"

"Please . . ." pagmamakaawa ko.

Nang umalis siya ay bumaling ako sa bintana, nagbabadya na naman ang mga luha.

"Hindi mo deserve, Kiel."

Kinagat ko ang ibabang labi at pilit inalis iyon sa isipan.

Buong klase ay hindi ako bumaling sa kaniya kahit pa nakikita ko siya sa peripheral view na nililingon ako. Kapag napapansin kong lalapit siya sa akin tuwing vacant ay lalayo ako.

Hindi ako kumportableng makitang malapit sa kaniya sa harap ng mga kaklase.

Nang dumating ang oras ng Filipino subject ay umupo lang ako sa isang tabi at hinayaan silang magpractice. Ang ibang leaders ang namuno sa practice. Walang kumibo sa akin.

Nakaramdam ako ng awa sa sarili na pilit kong pinagtulakan.

Ang hirap gumalaw sa loob ng classroom. Kahit hindi lahat present noong nangyari ang sagutan, ramdam kong alam na nilang lahat. At lahat sila, nagkaisang hindi ako kibuin.

Sobrang ginhawa ang naramdaman ko nang matapos ang klase. Agad akong lumabas at naghanap ng maaliwalas na lugar para makahinga.

Napadpad ako sa field. Naupo ako sa bleacher at nangilid ang mga luha nang makita ang parte nito na nakaskas ang pintura.

Umiwas ako ng tingin. Hinayaan kong umihip ang hangin sa balat ko habang pinipigilan ang pag-iyak.

Alam mo 'yung nagpipigil ka ng iyak mo pero kapag may lumapit sa 'yo, matutuluyan na ang luha mo?

Ganito ako ngayon nang lapitan ni Harvin.

"Kung gusto mong umiyak, umiyak ka. Walang makakakita sa 'yo rito." Umupo siya sa tabi ko.

Mabilis kong pinalis ang luha ko. Nakakainis!

Napatingin ako sa inaabot niyang Mogu-Mogu.

"Bakit ngayon ka lang pumasok?" tanong niya at pilit binigay sa akin ang inumin kaya tinnaggap ko na lang iyon.

"Gusto ko . . ." I looked away. Mabuti ngang may kausap para mawala ako sa iniisip. "Bakit ka nandito?"

"Wala pa ang service ko."

Nilaro ko sa kamay ang Mogu-Mogu.

"Hindi mo pa rin ba iinumin? Mapa-iwan sa desk mo nang walang pangalan o may pangalan, at ngayong inaabot na sa 'yo diretso hindi mo pa rin iinumin?"

Lito ko siyang binalingan ng tingin.

Iiling-iling siya sa akin. "Walang lason 'yan. Inumin mo na."

"Bakit ka ba nandito?" tanong ko ulit.

"Nakinig ka sa 'kin, makikinig din ako sa 'yo."

". . ."

"Kung gusto mo umiyak mag-isa, aalis ako."

"Ayokong umiyak."

"Umiyak ka na. Gusto mo bang magkasakit sa puso?"

". . ."

"Kanina ka pa nagpipigil ng luha sa classroom."

"No, I'm not."

"No, I'm not seatmate mo 'ko."

". . ."

"Nung isang araw . . ." panimula niya.

My pupils shook, uncomfortable with where the topic was leading. Bumaling ako sa malayo.

"Parang hindi ikaw 'yon."

My eyes dropped on the ground. Namayani sa amin ang isang minutong katahimikan.

"It's scary . . . to . . . lose control . . ." mahinang sambit ko. "To not be yourself . . . so suddenly . . ."

". . ."

". . ."

"Lahat ng pilit kinikimkim, lalabas sa pangit na paraan," he uttered after a while.

Napalingon ako sa kaniya. Nakatingin na siya sa kawalan. Bumaling siya sa akin at mahinang ngumiti.

"Iyon ang natutunan ko," aniya.

*  *  *

August 12, 2023

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon