08.09.19 - Meeting Tita Kylie!

223 30 0
                                    

Meeting Tita Kylie!
08.09.19

"Avien, huwag kang mag-alala, wala kaming one million."

Natatawa kong sinamaan ng tingin si Kiel nang huminto na kami sa labas ng bahay nila.

Lumabas si Kuya Rey para buksan ang gate.

Tinanggal ni Kiel ang seatbelt niya at pinalapit ako para makahalik sa pisngi at labi ko. "She'll love you."

That was enough to assure me.

Paglabas namin ng sasakyan ay nagduda na agad ako na wala silang one million. Dahil ang ganda ng bahay!

Naglakad ako sa likuran ni Kiel papasok sa bahay. Bukas na ang pinto nila at halos sumabog ang dibdib ko nang sumilip ang isang magandang babae.

"Mi . . ." Natigilan si Kiel. "Hehe . . ."

The woman glared at him before looking at me. Napaiwas ako ng tingin.

"Pumasok kayo."

Nagtanggal ako ng sapatos.

"Beso ka kay mommy," pasimpleng bulong sa akin ni Kiel habang inaalalayan akong tumayo.

Pagtapak sa loob ay lumapit si Kiel sa mommy niya at bumeso. Nagdadalawang-isip man at kinakabahan ay lumapit din ako. I awkwardly copied what Kiel did.

Hindi ako makatingin sa mommy niya!

"Mi . . . Si Avien . . . girlfriend ko."

Halos mahimatay na ako sa tabi ni Kiel.

Nanatiling tahimik ang mommy.

"Kailan pa?" seryoso ang boses nito.

". . . July 26 . . ." mahinang sagot ni Kiel. "Sorry . . ." Lumapit siya at yumakap sa mommy niya. "Mi, I can explain."

Napaangat ako ng tingin at napansin kong mula sa malungkot na mga mata ay sumama ang tingin ng mommy niya kay Kiel.

"S-Sorry po . . ." Napilitan akong magsalita dahil kasalanan ko. I felt guilty.

Napatingin silang dalawa sa akin.

"Umupo muna kayo," anyaya ng mommy niya.

Pinaupo ako sa sofa.

"Wait lang, ha," bulong sa akin ni Kiel at sinundan ang mommy niya sa kusina.

I held my chest and tried to calm my heart down.

Nang maging tahimik ay pansin kong ang aliwalas ng bahay nila. Maliwanag, napasok ang natural lighting. Hindi mukhang malungkot.

Pagbalik nila ay may dala nang tray ng pagkain. Nilapag ni Kiel iyon sa lamesa at umupo sa tabi ko.

"Nagugutom ka na?" tanong sa akin ni Kiel.

Hindi ako nakasagot, nakoconscious dahil nakatingin ang mommy niya.

Inabutan ako ni Kiel ng nakaplatitong pizza. Nahihiya ko iyong tinanggap kahit hindi naman talaga ako gutom.

Nang mapatingin ako sa direksyon ng mommy niya ay nagulat ako nang ngitian niya ako. I awkwardly smiled back.

"What's your full name?"

"A-Avien Evangelista po."

"It's you nga. You're always the top in your class, right?"

I pursed my lips and nodded slow.

"Kilala mo siya, mi?" tanong ni Kiel.

"Yes. I thought her name was familiar. Nung kinuha ko card mo last time, doon ko narealize. Lagi kong nakikitang top 1 sa inyo."

"Ano pala, nakita niya raw 'yung chat mo sa phone ko . . ." Kiel informed me. "Nung may sakit ako. Tapos ayun . . ."

I nodded awkwardly.

"Grabe. Wala talagang sikreto sa pamilyang 'to."

"I would've assumed she's just another girl lovestruck on you if you knew how to put your phone down and didn't go home twice with a letter A tattooed on your hand. And why would you suddenly want Kuya Rey to fetch you up every after school? Eh dati you keep on insisting na magcocommute ka. Ayaw mo pa na ako ang magsundo sa 'yo!"

Nagkatinginan kami ni Kiel. Naramdaman kong nahiya siya. I restrained my smile as I remembered his tattoo. Sinulat niya lang iyon sa kamay niya. Hindi ko na nga pinansin pero nakita pala ng mommy niya.

"And I saw a glimpse of your wallpaper."

Nahiya na rin tuloy ako dahil ako ang wallpaper niya.

Her mom felt warm. She seemed curious about me since she couldn't take her eyes off of me. Si Kiel lang ang maingay sa amin at kung ano-ano ang kinukwento. Pansin kong close na close sila ng mommy niya.

"Ingat kayo, love," paalala niya kay Kiel nang ihatid kami sa labas. She looked at me and smiled.

Bumeso siya sa akin. "You can visit us anytime."

Napangiti ako at tumango kay Tita Kylie.

"Your mom is so kind. So elegant," kumento ko kay Kiel, hinahatid na nila ako pauwi. Katabi ko siya sa backseat.

"Ngayon ko lang naalala . . . Namention na pala kita dati sa kaniya."

"Really?"

"Oo, nung summer. Sabi ko bibilhan ko pasalubong si Avien. Siya namili nung Avocados. Akala niya siguro noon lalaki ka."

"No doubt," I chuckled. Napagkakamalan ngang sa lalaki ang pangalan ko.

"Siguro crush na kita no'n, noh?"

"Ewan ko sa 'yo."

"Kailan kaya nagsimula?" tanong niya sa sarili.

"Makakapunta na ako sa bahay niyo sa Saturday in peace," sabi ko. "Ang bait ng mommy mo."

"Parang detective eh."

I chuckled. "So alam niya pero hindi ka kinonfront?"

"Oo. Detective na actress pa. Hindi ko napansing alam na pala niya! Sabi niya kanina, hinihintay niya lang raw aminin ko. Hindi na niya maitago ang pagtatampo niya. Hindi lang makabwelo kanina kasi andiyan ka. Mamaya isusumbong ako no'n kay Daddy."

Naisip ko tuloy kung paano kung . . . alam na rin ni mommy?

Napaayos ako ng upo atsaka lang narealize ang oras. Mag-a-alas syete na pala!

"Pauwi na si mommy," I told Kiel.

At pagdating nga namin sa street ay nakita kong nakapark na ang sasakyan ni mommy sa tapat ng bahay. Huminto si Kuya Rey sa tabi lang ng sasakyan namin.

Nagkatinginan kami ni Kiel.

"Gusto mo samahan kita? Para alam na may naghatid sa 'yo, sabihin mo na lang bading ako."

Parehas kaming natawa ni Kuya Rey.

"She'll figure out."

"Paano---"

"Ako na bahala. Ingat po kayo." Binuksan ko na ang pinto. "Una na 'ko."

Bago umalis ay bumusina pa talaga ang sasakyan at alam kong si Kiel ang may gawa no'n!

Maingat akong pumasok ng bahay, expectant. Pero walang mommy na bumungad sa akin.

Nang hindi makita sa baba ay tinignan ko siya sa kwarto. Then, I saw her sleeping on her bed.

Marahan kong sinarado ang pinto.

She doesn't have an idea, I concluded to myself. She's busy enough to know and to care.

Sarkastiko akong mahinang natawa sa sarili.

*  *  *

August 11, 2023

lil fact: in the original draft, mas showcased ang relationship ni kiel with his mom. Marami sila moments. Their son and mother relationship is actually my favorite among all the relationships in the book. 🥹

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon