08.10.19 - One Brave Soul

243 28 0
                                    

One Brave Soul
08.10.19

Ngayon na ang araw ng practice namin. Inadd ako kagabi ni Kiel sa group chat at nakita kong nagpaplano sila kung paano pupunta kila Kiel.

Kiel wanted to pick me up but I told him it would be unfair and a waste of gas. Ang naplano kasi ng mga kaklase ko ay magkita na lang daw sa school tapos ay sabay-sabay pupunta kila Kiel. Sasabay na lang ako sa kanila.

Sa covered court malapit lang kami nagkita-kita. Marami pa ang wala kaya naghintayan pa kami.

Inisa-isa ko ang mga nakaassign na dadalhin ng lahat. Tinake note ko sa notebook ang mga nagdala at hindi nakapagdala.

Nang magring ang phone ko sa tawag ni Kiel ay lumayo muna ako sa grupo. Lumabas ako ng court.

[Saan na kayo, babe?]

"School pa eh. Ang tagal ng iba. I don't think makakaalis kami nang 10."

[Oki. Naka-usap ko na pala si mommy.]

"Hm?"

Kumunot ang noo ko nang makakita ng tao hindi kalayuan, sa ilalim ng puno. Nakuha ang atensyon ko dahil nakaupo siya sa lapag, tiklop ang mga binti at nakadukdok ang ulo sa tuhod.

[Sabi ko hindi alam ng iba na tayo kaya sinabihan kong huwag maingay.]

Habang nagtatagal ang tingin ko sa lalaki ay nagiging pamilyar.

[Love?]

My eyes narrowed.

Harvin.

[Huh?]

"I'll just get back to you later," paalam ko kay Kiel at binaba ang tawag.

Tinago ko ang phone at naglakad palapit kay Harvin. I sensed something wrong with him.

"Hey . . ." tawag ko.

Nang makalapit ako ay tsaka ko nakita ang panginginig ng mga kamay niya at ang malalalim na paghinga.

"H-Hey!" Dinaluhan ko siya.

Nabigla ako nang malakas niyang tinabing ang kamay ko. When he lifted his gaze at me, I saw his bloodshot eyes.

"Umalis ka!" pantataboy niya sa akin. Napaatras ako sa sigaw niya, nagulat.

He aggressively wiped a tear that fell from his eye. 

"Umalis ka . . ." mas mahina na niyang sabi.

Natakot ako sa pag-iyak niya. Wala akong nagawa kundi umalis.

Bumalik ako sa court at nakitang nagreready na sila sa pag-alis.

"Kumpleto na," anila. "Tara na!"

Hindi ako mapakali. Bumabalik sa isip ko ang mga encounter kay Harvin.

Kinakabahan ako.

"Susunod na lang ako," I decided.

My classmates didn't mind and just left. Buti na lang ay alam naman na ng ibang leaders ang gagawin.

Huminga ako nang malalim at binalikan si Harvin. Kinabahan ako nang hindi na siya makita sa kaninang pwesto.

Nilibot ko ang area. Nagsisi akong iniwan siya.

Hindi pa naman gaano katagal kaya alam kong hindi pa siya nakakalayo.

Tumakbo na ako para hanapin siya.

I felt relieved when I saw him. He was at the side of the road. Nakatayo lang siya roon habang may dumadaang mga sasakyan.

"Harvin!" I called him but he didn't budge.

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon