School Year 2018

197 6 0
                                    

Hindi ko alam kung kailan pa ako naging ganito ka-observant. Tipong kahit ayaw kong pansinin, napapansin ko pa rin.

Parang kilala ko na tuloy buong pagkatao ni Avien Evangelista sa sobrang pag-a-analyze ko ng mga galaw niya.

Gusto niya siya palagi ang nasusunod. Mababa ang tingin niya sa iba. Wala siyang pakialam sa paligid.

Tapos lahat pa ng ugaling iyan, pailalim ang atake. Hindi mo mapapansin kung hindi ka kagaya ko na mapanghusga.

Inaamin ko naman! Ang judgmental na ng dating ko! Kaya nga ayaw ko nang pansinin pa.

Pero kasi malakas akong makaramdam. Nararamdaman ko kapag off ang energy ng isang tao. Nararamdaman ko kung may ugali o wala.

At si Avien Evangelista, sinalo niya lahat ng ugaling ayaw ko.

But I didn't hate her. No, we didn't hate her.

Kasi palagi siyang tama.

"Kulet ni Avien noh, nakikipag-away talaga kay sir," kumento ng seatmate ko habang may pinapakita si Avien kay sir sa libro.

Nakasandal lang ako sa upuan ko habang pinagmamasdan ang nangyayari.

"Kulet ni sir," kumento naman ng isa.

"Mali naman talaga sagot. Nasa book nga 'yun."

"Go, President Avien!" mahinang cheer ng mga kaklase ko. Naghagikgikan sila.

Sa huli ay nagwagi si Avien at pinabago ni sir ang sagot.

Literal na palaging siya ang tama.

Kaya gustong-gusto siya ng mga kaklase ko. Talino niyan sobra, eh. Lahat nakikinabang kasi kahit mukhang hindi eh nagbibigay 'yan ng sagot tapos okay lang sa kaniya kapag magpapaturo ka. Basta lang hindi siya busy. Kasi kapag nagsusulat siya tapos kinausap mo nang kinausap, baka mahampas ka ng upuan.

"Mas okay na 'yun kaysa anghel sa harapan mo tapos ang pangit pala ng ugali, 'di ba?" sabi ng isa kong kaklase.

"Bet ko nga personality niya eh. Ganiyan talaga mga studious."

"Okay lang maging suplada, nakaayon naman sa ganda."

Mukha talaga siyang suplada. Lalo na sa lalaki. Madami ngang nagkakagusto sa kaniya pero hanggang isang subok lang ng paglapit kasi para kang sasaksakin sa tingin.

Sobrang transparent kasi. Kita mo sa mukha kapag hindi siya natutuwa.

Pero sumobra ang pagkatransparent niya sa akin.

Makakasalubong ko siya ngayon sa corridor. Nagtama ang tingin namin. Hindi naaalis ang mga mata ko sa kaniya, kuryoso sa paraan ng pagtingin niya. Halos pairap ang pag-iwas niya ng mga mata nang lagpasan namin ang isa't-isa.

Nilingunan ko pa siya, kunot ang noo.

Lah? Ba't galet?

"May jowa ba si Avien?" pagchichismisan ng mga kaklase ko.

"Ayan oh si Kiel." Biglang nadawit ang pangalan ko.

Napalingon ako at nagtawanan sila.

Kinunutan ko sila ng noo.

"Gagi. 'Di ka ata bet ni Avien, Kiel," natatawang kwento ni Nathan. "Naalala ko nung pinapagawa ako ng seatplan ni ma'am, katabi ko pa si Avien no'n. Pagtatabihin ko dapat kayo no'n kasi dapat tahimik ta's maingay. Si sissy nakita 'yung sinulat ko sabi ba naman, 'ba't ayan? huwag mo 'ko itabi diyan'."

"Owww~~~" natatawang react ng mga nakarinig.

I was too stunned to speak.

"Ang sama nga lagi ng tingin ni Avien kay Kiel."

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon