06.13.17 - Avien Evangelista

2.8K 72 10
                                    

Avien Evangelista
06.13.17

"Mr. Santillan!"

I flinched and lowered my camera.

"Tara na!" Nagtakbuhan ang mga kinukuhanan ko ng litrato.

"Hey! Stop right there!" Mas malapit na ang boses ni Ms. Galang.

Huminto ako.

"Mr. Santillan!"

"Ma'am!" Hinarap ko siya.

From Ms. Galang, my eyes drifted to the girl beside her. Nagtama ang tingin namin at hindi naalis habang palapit sila sa akin.

Blangko ang tingin niya. Maputi. Parang ang lambot ng kutis. Ang tangos ng ilong. May iilang hibla ng buhok na nalalaglag sa gilid ng mukha. Mukhang prim and proper sa walang kapintasang uniform. Maayos ang pagkakasuot ng ID, pati ng ribbon.

Ang ganda.

Honor student 'to.

"Bakit kayo nandito, ha? Nagsisimula na ang ceremony!"

Bumalik ang tingin ko kay Ms. "Hehe, ma'am! Kanina pa kita hinihintay!"

She glared at me, we both knew I was lying.

"Unang araw, Mr. Santillan, ha. Unang araw, may warning ka na sa 'kin. Kung ano-ano na namang pinaggagawa mo."

My lips protruded. Siya rin naman, wala sa ceremony.

"Anong grade mo na?"

"8 na po," I replied.

I glanced at the girl beside her as I felt her gaze.

"Section?"

"Ruby, ma'am," baling ko ulit kay Ms.

"Pakihatid si Ms. Evangelista sa linya ng Sapphire. She's a transferee."

My eyes shifted at the girl before I nodded at the principal.

"Hija, pasama ka muna kay Mr. Santillan," bilin sa babae ni Ms Galang bago nauna na papuntang stage.

"Tara!" aya ko. Nauna akong naglakad para masundan niya. While walking, I checked the shots I made earlier.

Dala ko ang camera para sa documentation ng first day of school. Photojournalist kasi ako ng club. Hindi ako 'yung official so hindi required pero wala lang, gusto ko lang magpicture.

Napalingon ako sa babae para icheck kung nakasunod pa siya. Huminto ako at hinintay siyang makalapit sa tabi ko.

"Anong pangalan mo?" I asked her. Nagsimula na ulit akong maglakad.

". . ."

I lowered the side of my head to get a look on her face, checking if she could hear me. She darted her eyes at me.

Nakarating na kami sa ceremony at hindi pa rin tapos ang opening announcement.

"Wait lang ha, check ko lang nasa'n classmates mo." I craned my neck to the crowd of students. "Tara," I told her when I spotted Matthew.

Dumiretso kami roon at tinuro ko ang pila sa babae ng section nila. Saktong katabi lang iyon ng amin. Pumila siya at ganoon din ako.

Maingat kong itinaas ang camera para kumuha ng litrato ng pila ng mga estudyante.

"Hi! Anong name mo?" dinig kong mahinang kinausap agad ang babae ng mga kaklase. "Avien Evangelista! Hi! Transferee ka?"

Bumaling na ako sa ibang direksyon para sa panibagong shot.

"Gagu may magandang transferee 'yung kabila," usap-usapan agad sa section namin matapos ang flag ceremony.

"Sino?"

"Si Kiel naghatid eh! Anong pangalan?" Napabaling sila sa akin.

My head jerked to the side and looked up through the corners of my eyes, trying to remember the name.

"Avon?" tingin ko sa kanila.

"Avien Evangelista!" sigaw ng isa.

"Gagu naging ibon pa!" Nagtawanan sila.

Natawa rin ako. "Sorry! Hindi ko masyadong narinig!"

Napalingon kami sa pinto nang bumukas iyon at pumasok ang guro. At agad natahimik ang lahat at nagbalikan sa pwesto dahil sa sumunod pang pumasok.

"I hope the boys who were fooling around earlier during the flag ceremony are aware of the consequences of your actions," seryosong saad ni Ms. Galang.

Napasinghap kami. Napatikom ako ng bibig at pinagpasalamat na hindi ako kasali sa mga nakikipagharutan kanina.

"Mr. Paz, Mr. Geronimo, Mr. Pangilinan, Mr. Gonzales.

"And Mr. Santillan."

I sighed in dismay.

"Transfer to the other section."

* * *

August 22, 2023

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon