02.20.19 - Like Everybody Else

347 35 2
                                    

Like Everybody Else
02.20.19

Pumapasok na lang ako para sa attendance.

Dahil wala naman akong sports o kahit anong sinalihan sa sportsfest, nakatunganga lang ako tuwing nagpapractice sila.

Dahil tanaw ang field mula sa bintana ng classroom namin ay nanonood lang ako sa naglalaro roon habang dinig ang ingay ng ibang kaklase na gumagawa ng banner at pompoms.

"Sad girl."

"Yaan niyo si boss."

"Dapat maganda lang siya."

"Main character, yarn?"

Dinig ko ang tawanan.

I wore my earphones to shut the murmurs down.

Maya-maya rin ay lumabas ako ng classroom. Sa corridor ay makakasalubong ko si Kiel kasama ang dalawang taga kabilang section. Nagtatawanan sila. Nakaakbay pa ang isa kay Kiel.

Nagtama ang tingin namin ni Kiel. Pansin ko ang pagbagal ng lakad niya. Nilagpas ko ang tingin pero napansin ko ang paglipat niya sa tabi ng pader para makaiwas sa akin.

I acted normal as I walked past the group. My jaw clenched. Bakit pati siya . . .

I felt the sides of my eyes sting.

Ano bang ginawa ko?

*  *  *

July 23, 2023

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon