02.20.19 - A Friend . . . ?

358 35 12
                                    

A Friend . . . ?
02.20.19

Binilisan ko ang paglalakad dahil nagsimulang manlabo ang paningin.

Tumakbo na ako at diretsong pumasok ng banyo. I removed my earphones and looked up to restrain my tears.

But my chest felt heavy. Mabibigat at mabilis ang paghinga ko.

Yumuko ako sa lababo at sinubukang pakalmahin ang sarili.

Naghugas ako ng kamay nang mayroong lumabas mula sa cubicle. Nanatili akong nakayuko.

Mayroon pa ulit iilang pumasok sa banyo. Naglakad ako paalis. Pinikit ko ang mga mata at huminga nang malalim.

Pagmulat ay nawala na ang nagbabadyang mga luha ko.

"Avien."

Napahinto ako nang marinig ang boses. My eyes started to sting with unshed tears again.

Hindi ako lumingon at nagpatuloy sa paglalakad. I felt frustrated as the tears got even more difficult to restrain.

Tumakbo ako pababa ng hagdan para makalayo.

"Huy, okay ka lang?"

Mariin akong napapikit nang makasunod si Kiel. 

Pumwesto pa siya sa harapan ko at sinubukang hulihin ang tingin ko. Tumalikod ako kasabay ng pagtulo ng luha ko. I frustratedly wiped it off.

"Bakit?" Sinubukan kong tapangan ang boses pero nanginig pa rin iyon.

"Okay ka lang?"

Lalo lang akong naiyak. Lumapit siya at hinawi ang buhok ko.

Tuloy-tuloy na ang mga luha ko.

"Hala bakit ka umiiyak?"

Then, I completely broke down. I covered my face as my shoulders trembled.

". . ."

Maya-maya ay naramdaman ko na lang ang init ng mga brasong bumalot sa akin. Napahagulgol ako.

Hindi siya nagsalita at nanatili lang nakayakap sa akin.

I tried to escape---embarassed. Lumuwag naman ang yakap ni Kiel at unti-unti akong pinakawalan.

I messily wiped my tears. Nilabas ko ang panyo at nagpunas ng ilong.

Nanatiling nakaiwas ang tingin ko kay Kiel pero bigla niyang hinawakan ang mukha ko at marahang pinalis ang natitirang mga luha gamit ang mga hinlalaki. "Sinong nagpaiyak sa 'yo, ha? Resbakan natin."

Nag-init na naman ang gilid ng mga mata ko.

"Bakit mo 'ko kinakausap?" My voice cracked.

"Huh?" He blinked. He was still wearing his face mask so I was only seeing his eyes.

Napaubo siya tapos ay lumayo sa akin.

"Galit ka pa sa 'kin? Grabe. Nakailang sorry na 'ko," aniya.

Nablangko ang isip ko, hindi alam kung saan galing 'yon. Galit ako sa kaniya?

"Nabayaran ko na."

"What are you talking about?" Kumunot ang noo ko.

"Yung sa class fund?"

". . ."

"Kay Ms. Avila ko inabot. Hindi ba nasabi sa 'yo?"

". . ."

"Si---"

"I wasn't mad, okay?"

"Weh. Hindi mo kaya ako pinansin pagkatapos no'n."

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon