10.02.19 - Justin Bieber

240 32 0
                                    

Justin Bieber
10.02.19

After ng class ay sinimulan namin ang task namin for the club. Mayroon na kaming kaniya-kaniyang assignment.

Si Harvin at Kuya Justin ang magdadrawing ng comic strip habang ako ang magcoconceptualize ng story.

Si Kiel, Ailene, at Ate KC naman ang gumagawa ng pubmat.

Syempre, writing na school work kaya natapos ko na agad ang trabaho ko kagabi pa lang.

Habang ginagawa ko nga ay puro si Harvin ang pumapasok sa isip ko. Pero pinilit kong mag-isip ng iba kasi hindi ko naman pwedeng ilabas lang ang kalagayan niya. It was not my story to tell.

I just wrote a simple one, graspable by the public.

Ngayon ay plano kong magsulat na lang ng article regarding Mental Health kaya nagfufurther research na lang ako ngayon.

When I lifted my eyes at the people in front of me, I caught Ailene looking at Kiel. Seryoso si Kiel sa ginagawa sa Macbook habang nakapangalumbaba sa tabi niya si Ailene. Nasa laptop naman ang direksyon ng ulo, pero ang mga mata ay na kay Kiel.

It didn't surprise me anymore. Palagi ko siyang nahuhuling nakatingin kay Kiel.

Ang dami ko nang nakitang babae na ganiyan kay Kiel pero hindi talaga nagiging rason para magselos ako. Bukod sa hindi ako selosa, may tiwala ako sa relasyon naming dalawa. Walang third party na ma-i-involve.

At wala talaga sa personality ni Kiel magcheat! Confident na confident akong ako lang!

"Kanina ka pa titig kay Kiel, beh, crush mo rin?" tukso ni Ate KC kay Ailene nang umalis ang mga lalaki.

Ailene's sigh was the confirmation. My eyes remained at her. Hindi na talaga ako nabigla dahil ilang beses ko nang napansin na inaasar siya ng mga kaibigan kay Kiel.

"Wala ba talagang jowa 'yun?" Ate KC probed.

Nagtama ang tingin namin ni Ailene. Nagulat ako, bumalik ang mga mata ko sa phone.

"Ewan ko lang, 'te," she replied.

"Kailan mo pa crush?"

"Grade 4."

Natigilan ako.

"Wow. Hindi ka pa rin umaamin?"

Kita ko ang pag-iling ni Ailene sa peripheral view ko.

"Bakit?"

"May ibang gusto."

Napaangat na ako ng tingin doon. Our gaze locked once more.

"Oh? Andito ba sa school?"

Bumaling si Ailene kay Ate KC at kibit balikat na mahinang ngumiti.

"Hindi naman niya niligawan?"

Nagkibit-balikat ulit si Ailene.

"Paano mo nalamang may ibang gusto? Sabi niya?"

"Palagi siyang nakatingin."

Okay . . . Alam na ba ni Ailene?

Pagbalik ng boys ay tinapos na rin namin ang paggawa dahil binanggit ni Kiel na pupunta sa birthday ni Nathan. Ininvite kasi ni Nathan ang buong klase kanina.

Nahihiya nga akong sumama pero hindi rin sasama si Kiel kapag hindi ako sumama kaya pumayag na lang ako!

"Sumama ka na, Harv," pagpilit ko rin sa kaniya nang umiling siya.

Inambush na siya ni Kiel, pilit pinasakay sa sasakyan para makaalis na kami.

Sa harap si Kiel at magkatabi kami nina Ailene at Harvin sa backseat.

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon