09.10.19 - Understand

240 32 0
                                    

Understand
09.10.19

Warning: excessive profanity (huwag gayahin xD)

"Tangina!"

Nagulat ako nang makarinig na lang bigla ng sigaw pagpasok ng room. Nakita ko si Clyde at Harvin sa unahan.

"Anyayari?" Agad nagpasukan ang mga nasa labas.

May mga natigil sa pagkain.

"Anong nangyayari?" Lumapit kay Clyde ang mga kaibigan niya, including Kiel. Tahimik na ang classroom ngayon.

"Nasira?" tukoy ni Jairelle sa hawak ni Clyde na bracelet o anklet ata. Pigtas na iyon.

"Bigla mo kasing ina"

"Gago ka ba?!" Clyde snapped at Harvin. "Bakit mo kasi pinapakialaman?! Kita ko ibubulsa mo pa! Ano?! Nanakawin mo?!"

I gulped as my eyes drifted at Harvin. There was no expression on his face but I saw his hands trembling. Hinawakan niya iyon.

"Kung hindi mo hinila bigla, hindi masisira!" matapang na sagot niya.

"Paano ko hindi aagawin sayo, eh, ibubulsa mo?! Tangina! Nasa loob ng bag ko eh tapos kukunin mo!"

"Harvin, may sentimental value kasi 'yon . . ." mahinahong paliwanag ni Rain.

"Nagsorry na 'ko," sagot ni Harvin.

Napasabunot si Clyde sa sarili. "Tanginang sorry 'yan!"

"Magsorry ka na lang ulit, Harvin."

". . ."

". . ."

"Sorry." Harvin gulped. "Pero hindi naman ako ang nakasi---"

"Ako pa sisisihin mo! Bakit ka kasi nangingialam ng gamit?! "

". . ."

"Kung hindi ko pa nakita, nanakaw na!"

"Hindi ako magnanakaw!" malakas na sigaw ni Harvin.

"Pota. Defensive. Magnanakaw ka nga talaga!"

Dinig ko ang mumunting bulungan ng mga kaklase ko.

"Baka siya pala 'yung nagnanakaw ng mga gamit natin?"

"Di ba nawala yung 100 mo? Baka si Harvin . . ."

"Hala 'di ba dati rin nawalan ng 1k si Shan . . ."

"Yung 50 rin ni Ailene dati sa court . . ."

"Tahimik lang pero . . ."

Lumapit ako at tinabihan si Harvin since I noticed his uneasiness amidst the murmurs. I didn't know what to do!

"Kumalma ka muna . . ." Sinubukang pakalmahin ni Kiel si Clyde.

"Hindi, 'tol, eh. Nakakainit kasi ng ulo. Alam niyong bigay sa 'kin 'yun ni mama eh . . . Tangina. Iniingat-ingatan ko 'yun . . . Tapos gan'to?"

"Iniingatan mo pala bakit dinala-dala mo p"

Napaatras ako sa gulat nang susugod dapat si Clyde at susuntukin si Harvin kung hindi lang siya nahawakan nila Kiel.

Nilingon ko si Harvin. Why would he say that?!

"Gago ka talaga! Tanginang ugali 'yan!"

"Ikaw ang gago! Humihingi na nga 'ko ng tawad, bakit kailangan mo pa 'kong pagbintangang magnanakaw?! Ha?! Tangina rin pala ng ugali mo, gago!"

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon