01.16.19 - Irritatingly Unpleasant Immature and Nonsense Creature!!

440 36 5
                                    

Irritatingly Unpleasant and Immature Nonsense Creature!!
01.16.19

"Evangelista - Santillan."

I folded my arms.

Bagong pasok ng taon, ang bungad, partner ko si Kiel sa Science project. Gagawa kami ng physical presentation ng chemical compound at Sodium Bicarbonate ang inassign sa amin.

"Bago ka magsalita, gusto ko lang sabihin na hindi ako pumapayag gawin mo mag-isa ang output." Ang yabang-yabang pa tapos nung inassign ko magpaint, ang pangit naman!

Lukot ang mukha ko nang ipakita niya sa akin ang gawa. May puti-puti pang nakikita sa styro ball na pinakulay ko sa kaniya. Iba-iba pa ang stroke!

"Bakit?"

"Ayusin mo naman," inis na sabi ko.

He examined the ball. "Okay naman ah?"

"Anong okay?" Binaba ko ang hawak na cutter at tinuro-turo ang iilang parte ng bola. "Ayan oh. Ano 'yan? May kulay ba 'yan?"

"Edi sorry! I failed as human!" he exaggerated.

"Ako n---" Kukunin ko na dapat ang styro ball pero iniwas niya.

Nainis ako dahil muntik ma-out of balance sa pagkaka-upo.

"Crossover." He gestured a crossover move while sitting, with the styro being the basketball and I, his opponent.

Nagpintig ang sintido ko. I looked at him, disgusted. He chuckled.

Nandito kami sa field, sa bleachers dahil bawal magpaint sa loob ng room. Mayroon ding iilang estudyante ang nakatambay at ang iba naming kaklase ay dito rin gumagawa.

Maya-maya nga ay naroon na sa kanila si Kiel. Akala ko makikipagchismisan siya pero pagbalik ay may dala nang ibang mga paintbrush.

Nag-indian sit siya paharap sa akin at nagsimula ulit magpaint habang gumagawa ako ng platform. Maya-maya ay itinabi na niya ang styro, patagilid  sumandal at pumangalumbaba sa mas mataas na step sa bleacher at prenteng nanood sa ginagawa ko.

Hindi ko siya binalingan ng tingin. Later then, he busied himself painting the seat.

I glanced at his work. 'Avien & Kiel were here.'

How immature.

After that, he started tattooing his arm. He seemed bored so mas binagalan ko pa ang ginagawa ko.

"Avien," tawag niya.

". . ."

"Alis lang ako."

"Bakit?" Nag-angat ako ng tingin.

He showed me his messy arm.

"Lumayas ka na." Inabala ko na ulit ang sarili sa ginagawa.

Umalis na siya sa tabi ko at nang mag-angat ulit ng tingin ay natanaw ko siya sa field, may kausap na dalawang babae.

The girls laughed and said something. Kiel chuckled. He waved his hand goodbye and walked away. The girls followed him with their gazes, waving back. Malaki ang ngiti sa mga labi.

"Hi, Avien!" Biglang may sumulpot sa harap ko.

I looked at the guy blankly for a second, then returned to what I was doing.

"Suplada talaga neto!"

I indulged myself in the project. Rinig ko lang na may iba pang mga boses at tawanan. Hindi ko na napansin kung kailan siya umalis sa harapan ko o kung may iba pa siyang ginawa. Wala naman na sila pagbalik ni Kiel.

"I'm done." Tumayo ako at nagpalpag na.

Madali niyang niligpit ang iilang gamit at humabol sa akin bago pa ako makapasok ng building. "Saan ilalagay?"

"Iuuwi ko."

"Huh? Basa pa."

". . ."

"Ako na sa iba."

"Masisira sa 'yo."

"Bakit? Ngangatngatin ko ba?"

"You commute, right?" I said, making a point.

"Oo."

I gave him a that's-why-you-dumbass look.

Ako, may service kaya mas madali.

"Bakit kasi iuuwi pa? Para ka namang ewan, ang daming dala."

". . ."

"Lagay na lang sa locker ko. Walang laman 'yon halos," suggest niya.

Nakarating na kami sa may gate dahil sinusundan niya ako. Sinubukan kong kunin sa kaniya ang ibang materials pero iniwas niya.

I glared.

He copied my expression.

"Sige, iuwi mo. Kapag 'yan nasira, humanap ka ng bago mong partner." Tinalikuran ko siya.

Hindi pa nakakalakad ay naagaw na niya ang mga dala ko.

"Tang . . ." Galit ko siyang nilingon.

His lips parted. Then, he chuckled.

"Ano?" tawa niya, amused.

"Nag-iisip ka ba?" Hinablot ba naman!? Paano kung nasira?!

"Hindi naman nasira . . ." He checked the platform. Tinignan ko rin iyon.

Gawa lang iyon sa styro at illustration kaya hindi naman gaanong matibay!

My jaw clenched when I noticed a crease on the platform.

I felt Kiel's eyes on me. Nag-angat ako ng tingin. Dahan-dahan at maingat siyang umatras.

"Sorry . . ." aniya sa maliit na boses.

I watched his expression. He gulped. My eyes dropped on the distance he put between us then back on his face.

My annoyance slowly died down. I just calmly tried to take back the materials from him.

I halted midway when he flinched.

Natigilan ako at dahan-dahang naibaba ang mga kamay.

". . ."

". . ."

I suddenly felt . . . ashamed.

Umiwas ako ng tingin. "Just . . . Put it in your locker."

Naglakad na ako at iniwan siya roon. I clenched my fist.

I finally realized now why he'd always get into my nerves.

He could make me feel all those foreign feelings in the most effortless way possible. He is the only person who can make me feel judged, ashamed and feel bad by being misunderstood.

*  *  *

July 21, 2023

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon