11.07.19 - Arcadventures

159 4 3
                                    

Arcadventures
11.07.19

May student ban pala sa mall hanggang 4pm kaya kailangan pa naming maghintay kulang-kulang 25 minutes bago makapasok!

"Groufie muna mga 'di pinapasok!" We took a group picture in front of the entrance and sent it in our group chat. They were just laughing about our situation.

I checked our GC. Kasunod ng litrato namin ay nagsend naman ang mga naiwan sa classroom ng group picture din nila na tingin ko'y palihim na kinuha dahil nakasama pa si Mrs. Cruz na nakatalikod, may sinusulat sa board. May sumunod ding nagsend na isa pang grupong nahiwalay na nasa Jollibee naman.

Napapangiti na lang ako.

Habang naghihintay sa oras ay nakaupo lang sa hagdan ang iba, nagkukwentuhan at nagcecellphone.

Mayroong malapit na table sa labas ng isang fast food kaya roon ako umupo. Sumunod si Kiel, pagilid na sumandal sa malapit na poste, paharap sa akin.

"Pwede ka sa 'min bukas? After class."

"Bakit? Akala ko ba aalis kayo?" I asked. Pupunta raw kasi sila sa bahay ng lola niya.

"Hindi na ako sasama."

"Baliw. Birthday ng lola mo, 'di ba?"

He sighed and sat in front of me. "Sama ka na lang?"

Kumunot ang noo ko at napailing.

His lips protruded. "Please?"

"Bakit ako sasama? Hindi ako papayagan."

Napanguso siya lalo.

"Atsaka family gathering niyo 'yun. Nakakahiya."

"Anong nakakahiya? Family ka naman. Atsaka kami-kami lang 'yun, kilala ka naman na nila lahat."

Umiling pa rin ako. "Hindi naman ako invited."

"Iniinvite nga kita."

I still shook my head.

"Dali na, love. . ."

"Bakit mo ba 'ko pinapasama?"

"Eh miss na kita."

My brows shot up.

"Matapos mo 'kong iwas-iwasan," bulong-bulong ko.

"Hoy, hinde ah." He shifted from his seat.

"Hindi, eh ganap na ganap ka nga." The bitterness escaped my tone.

"Hin---"

"Let's save it for later, Kiel."

His lips pursed and turned into a light pout as he stared at me, looking all kawawa.

I snapped back and shifted from my seat. "I'm not mad . . ." bawi ko dahil baka iba ang naging dating sa kaniya ng tono ko.

"Sorry. . . Okay lang kung magalit ka sa 'kin. Huwag mong itago. . ."

Umiling ako. "Hindi ako galit."

"Pero may kinikimkim ka."

"Pero hindi natin ngayon pag-u-usapan. Let's set aside this once more, okay? We'll enjoy for now."

Sa huli ay tumango siya.

Pagpasok namin ng mall ay naghanap ng makakainan dahil nagutom ulit ang lahat. Nag McDo kami.

"Kita namin 'yung kanina ha." Siniko ako ng katabi kong si Nathan. "Nakahiwalay pa talaga kayo. Hindi naman kayo nag-a-away, ano?"

Umiling ako. "Yung holding hands hindi mo nakita?"

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon