10.14.19 - Backfired

203 29 1
                                    

Backfired
10.14.19

"Absent ulit si ma'am!"

"Sana huwag na pumasok!" sigaw ng isa na agad inasar na isusumbong.

"Hoyyy!! Announcement!!!" hiyaw ni Nathan sa harapan ng magulong klase.

Mas malala pa sa palengke ang gulo ng room namin ngayon.

"'Yung class fund natin, malapit na mabuo! Sa mga nagbayad ulit, maraming salamat!! Sa mga hindi pa, pwede pa naman! Baka naman, guys!" He grinned.

"Ano ba 'yan! Ikaw nakawala eh!"

"Hoyy! Tangina mo hindi naman ako ang kumuha!"

"Wala naman akong sinabi!"

Naiwan ang tingin ko kay Nathan.

"Bahala kayo diyan! Wala na akong pera!"

"Edi huwag kayong magbayad ulit kung ayaw niyo! Nagsorry na nga nawala ko eh!"

"Huy away na naman!"

"Sino ba kasing nanguha?! Paaminin niyo na lang kasi para mabalik na! Hindi naman kami ang kumuha, kami ang pinapaulit magbayad!"

"Hindi naman kayo pinipilit! Kila Ailene ko last dala ang pera! Kasama si Rhea, Isha, at Dianne!"

Nanatilin ang mga mata ko kay Nathan.

"Hanapin niyo na lang kamo!"

"Paaminin ang kumuha! Para hindi na maulit!"

"Nung grade 9 din, nawala rin!"

"Palagi na lang eh! Nakakainis na sa section na 'to!"

"Dapat hindi na pinapahawak sa atin eh! Diretso na sa teacher!"

My back straightened when I remembered a memory from last school year. Nung ako ang may hawak ng class fund.

"Bakit ba ako ang sinisisi niyo! Nasa bag ko lang 'yon! Sila Rhea ang kasama ko!"

Nung hawak ko ang class fund, hindi lang sila sa akin nagbayad.

Mayroong mga nagbayad kay Nathan.

What if bago pa magulo ang pera eh kulang na talaga ang inabot niya?

"Away! Away! Away!"

"Oh! Sisihan na!"

Lumapit sa tabi ni Nathan sila Shanice.

"Huy! Umiiyak si Rhea!"

Napalingon ako sa direksyon ng babae. Nakayuko na siya at nakatakip ang mga mata, nanginginig ang mga balikat.

"Name drop kasi kayo nang name drop!"

"Gago, bakit? Siya ba kumuha?"

Bumalik ang mga mata ko kay Nathan na nakatingin sa direksyon ni Rhea. I got chills when I saw a smirk appeared on his lips. Pero agad din iyong nawala pagkalingon kay Shanice.

Nagkagulo na sa room. Mayroong mga lumapit kay Rhea, mayroon din kay Nathan.

"Ihahatid ko na muna kay Ma'am ang class fund," dinig kong sabi niya.

"Akala ko hindi pa buo?"

"Aabonohan ko na lang."

Mag-isa siyang lumabas ng room at hindi ako nagdalawang isip sumunod. Napalingon siya sa akin saglit bago nagpatuloy sa paglalakad. Sinundan ko siya hanggang sa faculty. Pumasok siya roon.

"Oh, Avien?" Nagulat siya nang makita ako pagkalabas niya roon.

Hindi ko alam kung paano sasabihin na nakita ko ang ginawa niya. How he manipulated the situation.

"Bakit?" Kumunot ang noo niya sa akin.

"Pres."

Naguguluhan ang tingin niya sa akin.

"Umiiyak si Rhea . . ."

"Oo nga. Bakit?" He jerked his head to the side.

"Sinisi mo siya."

Natigilan siya at lumingon sa paligid bago ako hinala sa isang tabi.

"Huwag kang maingay, baka marinig ng teachers issue sa section natin," he hushed me. "Anong alam mo?"

". . ."

"Oo nga, umiiyak si Rhea. Bakit kaya?" he probed.

My eyes lingered at him. He wants me to blame her.

Napaayos ako ng tayo. "Sinisisi mo siya," pag-u-ulit ko.

He sighed. "Huwag kang maingay pero siya ang kumuha noon ng 1k ni Shanice."

"Pero hindi ibig-sabihin na siya rin ang may gawa ng ngayon."

Nagbago ang ekspresyon niya.

"May ebidensya ba kayo?"

Umiling siya. "Pero---"

"Bakit siya ang tinuturo niyo?"

Nathan shifted in a more serious stance.

"You manipulated the class into thinking that she was the culprit."

Nagulat siya sa sinabi ko. Napalunok siya.

His expression and body language gave me the confidence to utter the next words.

"When it was you all along."

Bakas ang mas pagkabigla niya sa huling sinabi ko. Umawang ang mga labi niya.

"Anong sinasabi mo?"

"Kung sino ang may hawak ng class fund, siya ang pinaka may access."

". . ."

"I'm not accusing you of stealing it."

". . ."

"Pwedeng nawala mo talaga pero sa ibang paraan at gusto mong ibang tao ang mag-ayos ng kasalanan kaya gumawa ka ng istorya."

"Ibang klase ka pala talaga noh?" His tone shifted to a sarcastic one. Pakiramdam ko hindi si Nathan ang kausap ko.

For a moment, I got scared.

He stepped forward but I didn't back down.

"Alam mo kahit ilang masasamang bagay pa ang marinig ko tungkol sa 'yo noon, hindi ko pinapansin. Mabait pa rin ako sa 'yo kasi kaklase kita. Kasi tao ka, nagkakamali ka. Hindi ka perpekto."

I blinked.

"Pero ganiyan pala talaga ang ugali mo."

Nag-init ang dibdib ko.

"Huwag kang magbibida sa akin at pagmukhain akong walang kwenta sa mga accusations mo na hindi naman totoo. Kung may gumagawa man ng kwento sa ating dalawa, ikaw 'yun.

"Gawain mo siguro kaya iyon ang nakikita mo. Akala mo ang galing-galing mo. Talino ka sa deduction mo na 'yan?"

Nanlabo ang paningin ko.

He was about to say something more but he just clenched his jaw and turned his back at me. Iniwan niya 'ko.

Nag-unahan na sa pagpatak ang mga luha ko.

*  *  *

August 21, 2023

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon