09.10.18 - Defiance

443 41 10
                                    

Defiance
09.10.18

"Okay, go to your respective groups."

May panibago na namang group project and this time, reporting. Si Sir na ang namili ng magkakagrupo at hindi raw individual ang grading!

"Team effort will be my criterion for your presentation. Everyone will discuss. This will be 60 percent of your grade." At major subject siya!

Worst of all, my groupmates!

Kristen. Mahina ang boses! Mahinhin!

Harvin. He doesn't even participate in class! Always asleep!

Gerome. The lowest in class!

And Kiel!

"Okay," panimula ko. "Magreresearch ako para sa lahat ng topics. Gagawin ko na rin ang buong presentation. Mag-a-assign na lang ako ng parts niyo. I'll finish it as soon as possible para mahaba ang preparation sa pagpractice."

"Hindi na kami gagawa ng parts?" mahinhing tanong ni Kirsten.

I nodded.

"Ako gagawa ng part ko," biglang singit ni Kiel.

"Ako na para pareparehas."

"Marunong din ako magresearch at gumawa ng presentation."

"Sinabi ko bang hindi ka marunong?" pagpatol ko sa kaniya. Sino bang may ayaw na wala nang gagawin? He just wanted to defy me!

Nagdugtong ang mga kilay niya at halos irapan ako.

"U-Uh, Avien . . . Okay lang din sa 'kin, ako na gagawa ng akin . . ." sambit ni Kirsten.

"Hindi, okay lang. Ako na," I insisted. Nilingon ko si Gerome. "Okay lang sa 'yo, 'di ba?"

He nodded. "Goods."

"Gagawa akong script para sa inyo. Para ayon na lang ang aaralin."

"Dapat tapos na bukas ha."

"Excuse me?" baling ko kay Kiel.

"Para maaral na namin." He shrugged cockily, blangko ang tingin sa akin.

"Huwag kang mag-alala, iiksian ko lang sa inyo," I replied sarcastically.

"Okay lang sa akin, Avien . . . Take your time . . ." sabi ni Kirsten.

"Hindi. Kaya niya 'yan," pagkontra pa ni Kiel. "Bukas na agad para practice na."

Nagtiimbagang ako. What's his problem?

"Kung hindi mo kaya, edi kami na gagawa."

"Magsolo ka kung ayaw mong magparticipate."

Hindi na nagsalita si Kiel at tahimik na rin naman ang grupo ko kaya nakapagfocus na ako sa pag-a-outline ng topics.

* * *

July 18, 2023

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon