03.04.19 - He Who Can't be Tamed

359 33 8
                                    

He Who Can't be Tamed
03.04.19

"Go, Kieeeel!!"

"Goooo, Milieee!!"

Dumating ang araw ng pagsisimula ng 5-day sportsfest at Mr. and Ms. Sportsfest ang nauna sa program.

Hindi pa man din nagsisimula ay maingay na ang mga kaklase ko.

"Let's go, U-beh! Let's go, U-beh!" My section started chanting. May drums pa sila. Kahapon pa nila kinakanta ang chant, Ube raw kasi purple ang section shirt namin.

Inabala ko ang sarili sa pagmamasid sa paligid. Ang side lang namin ang maingay. Iyong ibang section, kumakain lang.

"Ang pogi ni Kiel!"

"Bagay sa kaniya suot niya."

"Sure win."

Nakapang-Baseball na uniform siya at kanina pa pinaglalaruan ang props na bat.

Iyong mga kasama niya mukhang ninenerbyos. Siya, nagtitricks pa.

"Si Kiel lang ata ang masaya," kumento ng nasa paligid ko. They laughed.

I thought it was the opposite tho. Kiel was bored.

Napaayos ako ng upo at narealize na nakatingin na naman ako sa kaniya. Ba't ba kasi bukambibig ng paligid?!

Tinuon ko na lang ang atensyon sa phone ko. Kapag ganitong walang magawa, napipilitan akong magSocial Media.

I opened my Messenger and saw the number of message requests.

I scrolled through the messages and ran into Kiel's name. I curiously opened his message.

Kiel Yuan Santillan
active 2h ago

JUL 26 AT 8:09 PM

Kiel Yuan sent an attachment

sa values

FEB 08 AT 5:24 PM

avien

sORRYYYYYYYY 😔😔🥺🥺😞😞🙏🙏

Sunod kong tinignan ang messages galing sa mga pamilyar na pangalan at iyong mga hindi ko na rin kilala. Halos puro lang naman wave at hi.

Matapos ang paghihintay ay nagsimula rin ang competition. Lumabas ang mga candidates at nagsigawan ang mga tao. My classmates cheered for Kiel and Miliessa.

Tahimik akong nanood at nag-observe. First time kong manonood dahil last year ay nag-attendance lang ako at umuwi. Hindi ko na rin maalala kung sino ba ang naging mga kandidato ng section namin no'n.

Hindi naman din dapat ako manonood. Pero nagkita kami ni Kiel kanina habang pumipirma ako ng attendance kay Nathan. Sabi ko uuwi na ako pero sinundan niya ako hanggang labas at pinilit manood dahil pagkatapos daw ay magsa-samgyup ang section. Sumama raw ako.

Narindi ako sa kaniya kaya bumalik na lang ako sa loob.

"Representing Grade 9 Amethyst!!" Sabay na tinuro nina Kiel at Miliessa ang side namin.

Napalingon ako dahil sa ingay at kitang sabay-sabay na natumba pahiga ang mga kaklase---animo'y mga natamaan ng bala---kasabay ng pagturo nina Kiel.

Naguluhan ako pero sa tawanan nila ay narealize ko na acting lang.

Sabay na rumampa ulit si Miliessa at Kiel at nang pabalik na sa backstage ay nag-apir sila.

Ang tataas ng energy ng mga kaklase ko. Tuwang-tuwa sila at sigaw nang sigaw. Kaya nang inanunsyo ang nanalo ay nagwawala na sila.

Tumalon pa papuntang stage ang mga lalaki at walang kahiya-hiyang nilapitan si Kiel. Hiningi pa ni Rovin ang korona at sash sa principal at silang magtotropa ang nakipagkamay dito. Pinagtulungan nilang isuot kay Kiel at sumama pa sa litrato.

Lumukot ang mukha ko sa eksena.

"Ang gagago!" tawanan naman ng paligid.

"Samgyup! Samgyup! Samgyup!" sigawan ng paligid na lalo pang lumakas nang sunod na inanusyong nanalo si Miliessa.

This time, nagkagulo na sila at lahat na ay napababa para magcelebrate. I watched them run to the stage and chant our section's name.

"Hakot awards ang grade 9!" sabi ng host. "Okay, sige, picture daw silang lahat!"

Umakyat sila sa stage at umayos ng pwesto para sa picture.

Tumayo na ako mula sa kinauupuan at bumaba na rin ng bleacher para lumabas.

"Avien!" Palabas na ako ng venue nang tawagin ang pangalan ko.

Tumakbo si Kiel palapit sa pwesto ko at nagulat ako nang bigla niyang hilahin ang palapulsuhan ko. "Tara, picture!"

Patakbo na siya paalis pero biglang mayroon pang binalikan. Hinila niya rin si Harvin na kakagaling lang ng labas, umiinom pa ng Zest-O.

Kunot-noong nagpumiglas pabalik si Harvin tapos ay nagtama ang tingin namin. Natigilan siya kaya tuluyang nahila ni Kiel.

I shrunk when Kiel wrapped his arm around me. Inakbayan niya kaming dalawa ni Harvin at dinala sa stage.

I felt uncomfortable when I realized that all eyes were on us. Nahinto kasi ata ang picture para hintayin si Kiel!

Nahiya ako bigla!

"Kuya, game na! Kumpleto na po!" ani Kiel.

I was sure I looked awkward in those photos!

Tinanggal ko ang braso ni Kiel sa balikat ko para makababa ng stage.

"Samgyup! Samgyup!" Nagsimula nang magcheer ang lahat matapos ang picture.

Kiel pulled me back.

I glared at him. "Isa pang hila," pambabanta ko.

"Sorry po." Binitiwan niya ako at tinaas ang dalawang kamay. "Bigla-bigla ka kasing umaalis."

"Uuwi na 'ko, hinila mo 'ko!"

"Sabi ko na eh!" Tinuro niya ako, nagulat ako. "Magsasamgyup pa nga 'di ba! Ba't uuwi?!"

"Edi magsamgyup kayo!"

"Kasama ka."

"Bakit ka ba nagdedesisyon sa buhay ko?"

Natawa siya. "Si Harvin nga sasama eh! 'Di ba, Harv?" Nilingon niya si Harvin na nasa tabi lang pala. Harvin blankly gazed at him.

"So?!"

"Pres! Asa'n na si Pres? Pres, oh, ayaw sumama!" Lumingon-lingon siya sa paligid para kay Nathan. Nang hindi mahanap ay nangalabit na lang siya ng malapit na kaklase. "Shan, oh, ayaw sumama."

My lips pursed. At kay Shanice pa talaga?!

Tinignan lang ako ni Shanice tapos ay nakipagbiruan na kay Kiel.

Aalis na dapat ulit ako pero unang hakbang palang ay napabalik ako na parang spring dahil hinawakan ni Kiel ang backpack ko!

Halos saksakin ko na siya sa tingin ko. He smiled and gave me a peace sign.

Busangot ako hanggang sa makarating ng Samgyupsalan. Una, ayokong hinahatak-hatak ako!! Pangalawa, hindi ako nagpaalam. At panghuli, ayokong inuutusan ako!!

* * *

July 25, 2023

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon