08.28.19 - Nothing Feels Like It

198 31 0
                                    

Nothing Feels Like It
08.28.19

Bumalik ako sa paglelead.

I tried making up to my classmates by teaching the next parts of the performance.

Tahimik lang sila habang nagtuturo ako nang mahinahon. I couldn't look at them in the eye for too long.

Wala nang magulo. Pare-parehas kaming tahimik. Hindi sila nagtatanong o nagpapaulit ng gagawin. Pagtuturo ko lang ang maririnig.

I never knew it would be more frustrating than when they were fooling around. Nakakasuffocate.

But I did my best. Alam kong kasalanan ko. At ang maibabalik ko na lang sa kanila ay magandang performance sa araw na ito.

Kinakabahan ako habang pinapanood ang performances ng ibang levels.

"Ganda, gagsti," kumento ng mga kaklase ko sa nagpeperform ngayon na ibang level.

"Tayo na next!" Nang kami na ang susunod ay pumwesto na kami sa gilid. Hindi naman ako magpeperform pero tutulong mamaya sa pagpapasuot ng costume ng mga performers.

Hindi na ako nangialam sa props pero infairness ay maganda naman pala ang kinalabasan ng gawa nila.

Nagsimula ang performance. Nangingiti ako, natatawa sa sayaw ng performers. Pinagmasdan ko ang reaksyon ng mga judges at nakangiti sila habang nanonood.

Dumating ang cue para sa pagsusuot ng costumes.

"Kami na lang." May tumabing sa akin.

Napahinto ako. Dirediretso ang propsmen sa backstage. Pinanood ko silang magbigay ng props sa performers at magpasuot.

Unti-unti ay bumalik ako sa pwesto ko.

Hindi ko namalayan na natapos na ang performance.

Nagpalakpakan ang mga tao. Nakita kong nagpalakpakan ang lahat ng judges. 

"Anong nangyari?"

"Huy gagi, nagdudugo!"

Napabaling ako sa kumpulan nila pagkaalis sa stage.

Nakita ko si Rain na tinanggal ang costume headdress. Umawang ang mga labi ko nang makita ang mahabang sugat sa noo niya.

"Lumabas 'yung alambre."

"Hala!"

"Buti hindi naano 'yung mata mo."

"Eto oh, bandaid!"

"Baka matetano ka!"

"Gagu, hapdi."

"Clinic ka!"

Umalis siya papuntang clinic at sinamahan ng mga kaibigan, including Kiel.

"Si Shane din pala! Natusok!"

"Nanghina na 'yung props kakapractice."

"Dapat kasi hindi gumamit ng alambre!"

"Si Avien nagpadala no'n eh."

Napalunok ako at tahimik na nagsimulang magligpit. Pagkatapos ay bumalik din ako sa room agad. Umupo ako sa pwesto ko.

Nang buksan ko ang phone ay saktong nagmessage si Kiel, asking where I was. Tahimik akong nagreply.

"Nasugatan din pala si Kiel." Napaangat ako ng tingin nang makarinig ng mumunting usapan mula sa iilang kaklase sa room na nag-a-ayos ng mga gamit nila.

"Oh? Anyare?"

"Yung alambre rin. May gasgas siya sa gilid ng mata."

"Kawawa naman. Buti hindi sa mata. Nagdugo ba?"

"Oo."

"Sabi ko na hindi safe 'yang alambre na 'yan eh!"

"Pinagpipilitan kasi."

My eyes stilled at my desk.

"Guys, perfect daw score natin sabi ni Sir!" anunsyo bigla ng kakapasok lang na grupo ng mga kaklase.

The room cheered.

"Ang ganda raw!"

Masayang-masaya sila.

Akala ko ako rin. Iyon ang hinihintay ko, ang marinig ang score namin. Pero ngayong nakuha ang gustong grade . . . hindi ko magawang maging masaya.

*  *  *

August 13, 2023

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon