10.08.19 - Making it Work

194 32 5
                                    

Making It Work
10.08.19

Hindi na ako kinausap ni Kiel. Nakahiga na lang siya sa kama at nagtaklob ng unan.

Pinunasan ko ang mga luha ko.

Kiel feels bad right now and I do, too.

"Paano kita maiintindihan kung hindi mo 'ko kakausapin?" My voice cracked.

"Hindi ko naman alam eh . . ." I broke down. Napatakip ako ng mukha at napahagulgol.

I felt like he hated me because I couldn't understand his point.

Natatakot ako . . . Natatakot akong mag-away kami. Natatakot akong galit siya sa 'kin. Natatakot akong hindi niya pansinin. Natatakot akong maghiwalay kami . . .

Maya-maya ay naramdaman ko ang yakap niya. Lalo lang akong naiyak.

"Ang daya mo. Ang daya-daya mo . . ." bulong niya.

Yumakap ako sa kaniya at sumbsob sa dibdib niya. He stroke my back.

Unti-unti akong tumahan. Nilabas ko ang panyo ko at inayos ang sarili. Hinila ako ni Kiel hanggang sa nakaupo na ako sa tabi niya. Nahihikbi pa ako habang nakasandal sa dibdib niya. He combed my hair, comforting me.

I looked up at him. I hugged him and buried my face against his neck.

"Please don't hate me . . ." I murmured.

Humigpit ang yakap niya sa akin. It was enough to assure me of his love.

He cupped my face and made me look at him. "What are you thinking?"

Humikbi ako.

"Hindi ako galit sa 'yo, love."

Sumiksik ako sa balikat niya. He renewed his hold of me.

"I'm sorry. Hindi ko maexplain sarili ko ngayon."

Bumangon ako para matignan siya.

"Can you give me time? Mag-iisip-isip lang ako. Sasabihin ko rin sa 'yo. Para rin wala akong maiwan."

Nagtagal ang tingin ko sa kaniya. He . . . has a lot to say?

It bothered me. May problema ba kami?

Wala akong kaalam-alam!

I thought everything was perfect and working well.

"Shh . . . please don't overthink . . ."

"Tungkol ba 'yan lahat sa 'tin?"

"Sasabihin ko lang 'yung gumugulo sa isipan ko. Hindi naman madami."

Gusto ko na agad malaman pero gusto ko rin siyang bigyan ng oras.

"Huwag kang mag-iisip ng kung ano ha?"

Unti-unti akong tumango.

"Baka hindi ka makatulog?"

"Paano ako makakatulog?"

He sighed. "Sige, sabihin ko n---"

"No. I'll give you time, okay? Tell me when you're ready."

"Sorry, love, ha? Hindi ko pa rin kasi masyadong naiintindihan gusto kong mangyari. Kaya kailangan ko mag-isip-isip. Ayoko namang magsalita ng pagsisisihan ko."

Tumango ako at napangiti. "I understand."

"Huwag kang mag-expect ng dramatic revelation ha. Baka naman kung ano nang isipin mo?"

I smiled. "Hindi naman gano'n?"

"Hindi ah. Mababaw lang."

"Hindi 'yan mababaw." Pinagalitan ko siya.

Napangiti siya and humalik sa labi ko. "I love you. Buti na lang nagsabi ako sa 'yo."

"Pinromise mo 'yun eh."

He squeezed me in his arms.

"Muntik ka pang magkulong dito sa kwarto. Uuwi talaga akong luhanan kung hindi mo 'ko kinausap."

He chuckled. "Maglalakad ka pauwi sa inyo habang umiiyak?"

Napairap ako.

"Wawa naman baby ko." Malambing niyang pinisil ang kamay ko.

"Natakot kaya ako. Bigla kang gano'n . . ."

"Naiyak lang ako kasi hindi ko maexplain 'yung gusto kong sabihin. Tapos ano . . . Nafufrustrate ako lalo marinig 'yung sinasabi mo kanina kasi hindi naman 'yun ang ibig kong sabihin . . ."

Dahan-dahan ako napatango. "Dapat pala hinayaan na lang muna kitang umiyak para malabas mo."

"Okay lang. Umiiyak pa rin ako nung niyakap kita."

"Nakiiyak pa 'ko." Napairap ako sa sarili.

Kiel chuckled. "Talo na 'ko. Hindi ko kayang umiiyak ka eh."

"Next time." Humarap ako sa kaniya nang maayos. "Next time, gusto mo bang mapag-isa muna kapag gano'n?"

"Hmm . . . Ayoko kasi na iba ang isipin mo."

"Inoorient ko na sarili ko right now. So sa mga susunod, I'll leave you alone muna kapag masama ang loob mo sa akin. And I won't take it personally. Will that work?"

Dahan-dahan siyang tumango. "Kapag hindi na ako nagsasalita, sige iwan mo muna ako. Kailangan ko mag-isip no'n. Pero ako rin babalik sa 'yo kapag okay na ako."

I nodded, taking note of that.

"Kapag ikaw?" he asked me.

"Don't take it personally when I ask you to leave while I'm emotional. Pero kapag may kasalanan ka sa akin at pinaalis kita, siguraduhin mo munang nakapag-explain ka na sa akin, ha? Make sure lalapitan mo ulit ako kapag humupa na kasi hindi ako lalapit sa 'yo kahit gusto ko na magbati tayo."

He nodded. "May terms and conditions."

"Pirmahan na ang kontrata," sabay na sabi namin. We both laughed.

Today, I realized that our relationship isn't perfect after all. Like us, it is also a work in progress. A work in progress that we committed to work on together.

A work in progress that will continue to work because we want it to work. We will make it work.

*  *  *

August 20, 2023

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon