11.08.19 - Out Loud

185 5 0
                                    

Out Loud
11.08.19

Matapos magbanyo ay dumiretso na ako ng room. I couldn't even glance at Kiel's direction.

I really do get his point. Gets ko naman na maling hindi magpaalam. Pero gasino lang bang magkamali nang isang beses? Sobrang big deal ba kung sumama ako eh uuwi rin naman kami?

"Okay ka lang ba?" tanong ni Harvin pagka-upo ko sa tabi niya.

"Oo."

"Oo." Ginaya niya ang tono ko at narealize na sobrang maldita pala no'n.

"Bakit ka umiyak?" He noticed my swollen eyes. "Nag-away kayo?"

"Hindi." I shifted from my seat. "Harv."

"Ano?"

"Kung ikaw, nag-away kayo ng mommy mo. Ayaw mo nang umuwi. Gusto mong sumama sa girlfriend mo kasi aalis sila pero alam mong hindi papayag ang mommy mo, magpapaalam ka pa ba o hindi na?"

"Gago? Ano, magtatanan kayo?"

"Hindi!"

"Saan kayo pupunta?"

"Basta family outing nila Kiel."

"Magpaalam ka, baliw. Eh kung mapano ka? Hindi alam ng magulang mo kung nasaan ka."

I sighed and folded my arms. I thought we would have the same opinion!

"Mainit ulo mo, Avien. Huwag kang basta-basta nagdedesisyon."

Tumingin ako sa labas ng bintana.

"Pinag-a-awayan niyo 'to? Anong sabi ni Kiel?"

"Ayaw niya akong sumama. Magpaalam daw ako."

"Malamang. Edi bad shot siya sa nanay mo?"

"Okay, fine. I get it. Pero kahit ano pang paliwanag, naiinis pa rin ako."

Napatikom siya ng bibig at hinayaan akong mainis. Hindi na kami nag-usap habang nagkaklase.

Nakakainis lang kasi na wala na naman akong magawa. Iintindihin ko na naman at tatanggapin na wala eh, gano'n talaga.

Pinasa ko kay Harvin ang bola ng basketball. Nasa field kami ngayon at siya ang kapartner ko sa isang activity sa P.E. class. Nagpapasahan lang kami ng bola bilang warm up. Nakakaramdam naman siya na ayaw kong makipag-usap kaya hindi niya rin ako kinukulit.

Nang mapalakas ang bato ni Harvin ay nabwisit ako dahil hindi nasalo iyon. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Sorry," aniya, hindi pa sincere.

Wala tuloy akong choice kung hindi habulin. Paglingon ko ay hawak na ni Kiel ang bola. Nagtama ang tingin namin. Tinalbog niya ang bola papunta sa akin.

Nasalo ko iyon at hinagis kay Harvin. Nasalo niya kahit may kalakasan. Tinalbog niya sa akin ang bola na hindi ko ulit nasalo.

"Sinasadya mo," nabubwisit kong sambit sa kaniya.

"Di ah," nakakainis na tugon niya.

Lumapit sa akin si Kiel, dala ang bola.

Nabigla pa ako nang italbog niya iyon nang malakas papunta kay Harvin. Naghabol tuloy itong isa.

Nilingon ko si Kiel.

"Ibuntong mo sa bola. Hindi 'yan magrereklamo," aniya.

Hinagis ulit sa akin ni Harvin ang bola at nang masalo ay malakas ko iyong tinalbog gaya ng ginawa ni Kiel.

Iyon din ang ginawa ni Harvin hanggang sa ang taas na ng talbog ng bola. Hinintay ko iyong bumagsak at tumalbog nang mahina.

Pagkasalo ko ay binato ko iyon sa malayo, sa kabilang side ng track.

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon