08.07.19 - The Kiel Effect

246 31 1
                                    

The Kiel Effect
08.07.19

"May naisip na bang concept sa Pitong Gatang?" pagtatanong ko ng update sa Performance Task namin sa Filipino.

"Sasayaw daw." Jennica shrugged.

"Tapos? 'Yung props?"

"Wala pa nga eh."

"Divided na ba 'yung section? Sinong mag-a-asikaso sa props?" Kailangan kong tanungin dahil baka ginagawa na nila sa groupchat na kinalimutan naman akong isali.

"Wala pa."

Tumango ako at nilista iyon sa pag-u-usapan mamaya sa Filipino time. Bibigyan kasi kami ng oras ni Ma'am para makapagmeeting.

Inassign ko na ang mga kaklase sa kaniya-kaniyang task. Pinili ko ang main performers, nakabase pa rin sa naiisip ko para sa Hayop na Combo.

"Hoyyy!! Tahimik na, may magsasalita sa harapan!!" pagtahimik ni Nathan sa klase. "Boys sa aircon!!"

Boys sa aircon, a.k.a ang grupo ni Kiel. Pinatahimik niya ang mga kaibigan at pinilit umupo bago tumingin sa direksyon ko at umaktong zinipper ang bibig.

Nang matigil ang ingay ay pinaliwanag ko na ang tungkol sa division of labor.

Nilatag ko ang nakaassign na performers at sa props. I didn't watch their reaction as I announced the labor assignment.

Actually, nasa performers na ang dancers ng section so naisip ko na baka maging unfair kung sila pa ang mag-iisip ng sasayawin kaya kaming leaders na lang ang bahala roon.

Pagkatapos mag-announce ay mayroong mga bulong-bulungan.

"Goods na 'yan! Good line up!" sigaw ni Kiel mula sa likuran. Actually, kasama siya sa performers at ang iba niyang friends.

Wala naman nang nagreklamo sa tasks ng lahat.

Sunod ay pinagilid na ang upuan para masimulan ang practice kahit wala naman talagang ipapractice.

Imbis na magpractice ay naghanap lang ng idea sa Youtube ang ibang leaders at naghaharutan lang the rest of the class.

Nakinood ako sa napiling gayahing video nila Jennica para sa Pitong Gatang.

I didn't like their idea of just copying what's in the internet. But I restrained commenting.

Tahimik lang ako sa gilid habang nagkakatuwaan silang practice-in ang sayaw.

I felt uncomfortable but I didn't speak. I figured they wouldn't listen to me since they were already having fun, it would be a waste of energy.

Buong oras ay walang naging progreso sa performance. Ang ibang leaders lang ang nagpractice ng gusto nilang ipasayaw.

Na-bother ako sa kalalabasan ng performance namin.

Una, walang originality 'yung sayaw. Walang creativity. Tapos hindi pa napag-u-usapan ang props. Wala pang buong plano.

I surveyed the class and sighed.

Mas gusto ko pa talagang kagrupo ang mga pabigat, eh. Dahil o-oo lang sila.

I composed myself and didn't let the mood interrupt my focus for the next classes.

"Who can distinguish between the three branches of the government?"

Nagtaas ako ng kamay para sa recitation.

"Ms. Evangelista," pagtawag sa akin.

I stood up and spoke spontaneously.

"Good. Now, can anyone explain the veto power of the president?"

Nagtaas ulit ako ng kamay at nakitang nagtaas din si Kiel.

"Mr. Santillan."

I smirked and put down my arm.

Ang inaantok na klase ay nabuhay para makapang-asar kay Kiel. They made a big deal about him reciting. I heard the collective claps and playful comments and teases as he finished.

Kiel is really constantly followed by the spotlight. Wherever he goes, he grabs attention. Whatever he does, people follow.

Pagkatapos ng klase ay nasa club ulit kami. Binalik lang sa amin ang mga gawa namin na si Ms. Fran daw ang nagcheck, handler ng club.

Pinuri ang sentence construction ko at itinama ang sentence pauses.

"Congrats kay Avien! Pinaka nagustuhan ni Miss ang work niya!" Pinalakpakan pa ako at ginawa nila ang chant na culture na ng club.

Napangiti ako.

So far, hindi naman pala masamang sumali sa ganito at sumubok ng bago.

* * *

August 10, 2023

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon