08.16.18 - Jagged Empty Page

466 42 10
                                    

Jagged Empty Page
08.16.18

99.

Napangiti ako nang makita ang final grades sa Values. Chineck ko rin ang score namin sa film project at 100 iyon.

I felt satisfied. Bumalik na ako sa upuan at pinagpatuloy ang pag-a-aral para sa long quiz sa Science habang pinapakita ni Ma'am sa mga kaklase ko ang kaniya-kaniyang grades.

"Kung may concern sa grades, puntahan niyo ako sa faculty. Dismissed."

"Avien." Napaangat ang tingin ko sa lumapit.

It was Sofia. Nakabalik na siya from Batangas three days ago.

"Bakit hindi mo sinama ang pangalan ko sa project natin?" May bakas ng pagka-irita ang boses niya. Kasama niya pa si Erin.

"Gagu, hindi ka nasali?" Lumapit din si Nathan.

"Bakit hindi niyo ako sinali!" baling niya sa kagrupo.

"Lah! Si Avien ang nagsubmit! Hindi nga namin napanood!"

"Umalis ka. Wala kang role," sagot ko.

"Nakapagshoot ako ng scenes! Atsaka nagsend ako sa 'yo ng videos ko."

Napatayo ako dahil napansin ko ang paglapit ng iilang kaklase para maki-usyoso.

"Ako ang pumalit sa role mo para uniform ang clips. Ang sabi ni ma'am, huwag ilalagay ang pangalan ng walang ginawa."

"Anong wala?! Nagsend ako sa 'yo ng video!"

Unti-unting namatay ang ingay sa room habang tumataas ang emosyon niya.

"Wala ka sa final video. Technically, wala kang role sa group," I replied calmly, trying to make her understand.

"Hindi mo man lang ba chineck ang mga sinend ko?" Sarcasm was laced in her tone. "Excused ako! Nagpaalam ako kay ma'am!"

I didn't speak. Whatever I'll say, she'll just argue back.

Her jaw clenched as her gaze prolonged at me. Tinalikuran niya ako at nagmartsa palabas ng classroom.

Mula sa katahimikan, mumunting bulong-bulungan ang bumalot sa room. Ramdam ko ang iilang tingin sa akin pero kapag lumilingon ako ay nawawala.

"Buti pa si Hanz," paggawa ni Clyde ng ingay. "Chill lang kahit---" Tinabing ni Hanz ang kamay niya.

Hanz looked devastated. Late silang nagpasa ng project nung nakaraan so I concluded na mababa ang nakuha niyang final grade. If he looked that gloomy, siguro manghihila sa grades niya ang minor subject na ito.

Hinayaan ko na ang paligid at nagfocus na lang para sa long quiz sa Science.

Nang magbreak time ay napagdesisyunan kong dumiretso sa library. I sat on my usual seat: the spot overlooking the field.

Maya-maya ay biglang may humila ng upuan sa tabi ko.

"Alam mo ba kung bakit umabsent si Sofia?" bungad ni Kiel, nakaharap sa akin.

Blangko ko siyang tinignan.

"Gusto ko lang malaman kung alam mo kung bakit."

"Hindi."

"Kasi namatay ang lolo niya. Burol. Libing."

". . ."

"Isasali mo ba siya kung nalaman mo?"

"Bakit mo 'ko tinatanong? I just did what was right."

"Tama ba 'yon? Eh may ginawa naman siya."

"Palagi naman siyang mababa kaya kung ano man makuha niyang grades sa Values, okay lang 'yun sa kaniya. Matatanggap niya rin 'yon."

Naiwan ang tingin sa akin ni Kiel.

There. That no-reaction expression again.

Pinakamahirap basahin kapag blangko ang tingin. Pero hindi ko alam kung bakit sa tingin ni Kiel, wala man akong nababasa pero nararamdaman ko ang kutya at panghuhusga mula sa kaniya.

Umiwas siya ng tingin at iniwan ako roon.

I gripped my pen as I felt insulted when he barely said anything. 

Kiel Santillan. Para siyang magaspang na papel na walang laman. Hindi kailangan ng salita para makatama.

* * *

July 18, 2023

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon