08.28.19 - And Then There's You

192 31 0
                                    

And Then There's You
08.28.19

Hindi dapat ako sasama sa Samgyup pero dahil wala sa mood si Kiel ay hindi ako makatanggi.

Tumabi siya sa akin sa kainan pero hindi naman ako kinikibo. Parehas kaming tahimik dahil hindi rin siya nakikipag-usap sa iba.

I couldn't deny how attractive he is right now. Ang sungit ng awra. Tapos nakapambahay lang siya, eh ang pogi niya lalo sa ganyan.

Ang dami ko na ngang nahuling sumulyap sa kaniya ngayon, kahit hindi namin kasama.

"Okay ka lang, Kiel?" pagpansin sa kaniya ng kaklase. Hindi siya bumaling ng tingin, abala sa pagluluto ng meat.

Kapag tahimik siya, ang conclusion ay may sakit siya. Ngayon lang nangyaring tahimik siya na masungit kaya hindi ko rin masisising nagtataka ang mga kaklase namin ngayon.

"Dahil ba sa sugat mo?"

"Badtrip talaga 'yang alambre na 'yan eh."

"Alambre pa more."

I pursed my lips. My eyes dropped on my plate.

I felt uncomfortable with where the topic might be leading.

Sinisisi nila ako, alam ko. They wanted to rub it to my face.

Gusto ko lang naman ay matibay na props. Hindi naman ako ang gumawa ng mga iyon pero ako ang sinisisi.

Parang . . . lahat na lang kasalanan ko.

Lahat naman ng iyon dahil lang sa kagustuhan kong magkaroon kami ng magandang performance . . . mataas na grades . . .

I excused myself out. Lumabas ako ng store para makahinga. Humampas sa akin ang hangin nang makarating sa balcony na dinaanan namin kanina.

Hindi ko alam na dadating ako sa pagiging ganito ka sensitibo. Hindi naman nila directly sinasabi ang pangalan ko sa loob kanina pero naiiyak na ako.

Akala ko pagkatapos ng performance namin ay makakahinga na ako nang maluwag. Kasi tapos na. Wala na akong mga practice na pagtitiisan.

Akala ko matatapos na ang silent treatmemt kapag nakakuha kami ng mataas na grades. Akala ko maiintindihan na nila kung bakit ko ginawa ang mga ginawa ko. Akala ko maaappreciate na nila.

Pero hindi. Sila-sila lang ang nagyakapan. Sila-sila lang ang nagdidiwang.

Gusto mo ng perfect grade 'di ba, Avien? Ayan, nakuha mo.

Pero bakit hindi masaya . . . Bakit ang sakit . . .

Sumikip ang dibdib ko nang makaramdam ng yakap mula sa likuran. Tahimik na tumulo ang luha ko nang maramdaman ang init ng yakap ni Kiel. He buried his face against my neck.

Pinalis ko ang luha ko.

"G-Galit ka, 'di ba?" My voice cracked.

Umiling siya at humigpit ang yakap sa akin. Hindi siya nagsalita.

"Kapag feeling mo hate ka ng lahat, isipin mo may Kiel ka pa."

Tumulo na naman ang mga luha ko sa naalala. Napahikbi ako at nagtuloy-tuloy na ang pagpatak ng mga luha.

*  *  *

August 14, 2023

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon