08.11.19 - Mommy Day Today

232 31 0
                                    

Mommy Day Today
08.11.19

I mean, same!

But I was imagining a perfect moment for that!

In a perfect place with a perfect scenery in my perfect look!

Pero talaga ba, Kiel, pagod na pagod 'yung tao 'tsaka ka magbibitiw ng I love you?!

Hindi tuloy ako nakapagreply sa gulat! 

It wasn't my definition of perfect; but still, I slept that night with a smile on my face and a heart so in peace.

Good mood tuloy ako sa araw na ito.

I woke up early!

Ako:
Gooooood morninnnnggggg!!

Chinat ko iyon kay Kiel nang may ngisi sa mga labi.

Pakiramdam ko ang dami-dami kong energy.

Ang aga-aga pa lang, nagwawalis na ako sa labas at gumawa ng almusal para sa amin ni mommy.

Habang hinihintay siyang magising ay nagworkout pa ako!

Nagising si mommy sa music na pinapatugtog ko sa buong bahay. Inaya ko siyang kumain at sabay kaming nag-almusal.

Pagkatapos kumain ay hinugasan ko iyon. Sinabayan ko ang kantang pinapatugtog habang naghuhugas.

Parang tanga pa akong mag-isang napapangiti.

Matapos maghugas ng mga plato ay chineck ko ang phone ko habang nagpapababa ng kinain.

Kiel:
woooww ang agaaa??

goooooddddd morninnnnggg babyyyyyy

hows your sleep my baby?

Hindi ko napigilan ang ngiti ko. Umakyat ako ng kwarto at nakipagvideo call sa kaniya.

[Good mood ka ata?] pansin niya.

"Ang dami ko na nagawa this morning and kagigising mo lang?" Pabiro ko siyang tinaasan ng kilay. Nakahiga pa kasi siya sa kama.

He smiled drowsily and boyishly. [Anong ginawa mo?]

Nagkwento ako sa kaniya habang nakatitig lang siya sa akin sa screen at nakikinig.

[Andiyan si mommy?] puna niya.

"Yes."

[Ayain mo lumabas.]

"Hmm?"

[Off niya oh.]

"Kaya nga. Magpapahinga. Bakit ko aayain?"

[Try mo lang. Malay mo pumayag?]

"Saan kami pupunta?"

[Kain sa labas?]

"But I'm planning to meet you."

Napataas ang mga kilay niya at napangiti, amused. [Gusto kitang makita pero gusto ko ring magpahinga ka muna, love. Spend time with your family.]

"Tomorrow?"

[Tomorrow date tayo?]

"May practice kasi tayo tomorrow eh." Mayroon kaming wholeday practice sa school dahil holiday.

[Edi tomorrow ulit. Or sunod na tomorrow. Tapos sunod na tomorrow pa. Marami pa tayong tomorrow.]

Napangiti ako.

[Pero si mommy mo, minsan lang ang today.]

Tumango ako. "Okay . . . Uh . . . Try ko siya ayain."

Napangiti siya. [And rest, ha? Huwag gagawa ng acads.]

"I miss you," hindi ko na napigilang sabihin.

Nakita ko ang pagkagulat niya tapos pagsilay ulit ng ngiti.

[I miss you. I love you,] he replied, brightening up my mood even more.

Pagbaba ko ay nilapitan ko agad si mommy para ayain, gaya ng sabi ni Kiel.

I did it without expecting anything but then, mom agreed!

Agad kong inupdate si Kiel. He was happy and excited about it, nahawa tuloy ako!

Tuloy-tuloy na tuloy ang pagkilos ko. Naglinis muna ako ng bahay tapos ay naligo na agad para maghanda.

I felt all girly so I wore a dress and paired it with sandals.

Nagmessage si Kiel na inaya na rin daw niya ang mga kasama niya sa bahay lumabas.

I felt giddy and excited!

Naghanap na agad ako ng kakainan namin ni mommy.

Nagvibrate ulit ang phone ko at nakita ang sinend na groufie picture ni Kiel sa labas ng bahay nila, kasama ang mommy niya, si manang, at Manong Rey.

Kiel:
asa labas na kami 😁

I laughed.

Ako:
Kainis.

Kiel:
hAHAHAHAHHAHA jogging lang. maya pa kami alis dinner 😚😚 enjoy kayo baby

Ako:
Enjoy din 😘

Kiel:
😳😳😳😳😳😳😳😳😳😳😳😳😍😍😍😍😍😍😍😘😘😘😘😗😗😗😙😙😙😚😚😚😚😚

Tinadtad na niya ako ng emoji. Natatawang bumaba na ako.

"Saan tayo?" tanong ni mommy. Nasa sasakyan na kami at nagdadrive siya.

Binanggit ko sa kaniya ang mga kainang naresearch ko at pinapili siya.

Hindi ko maalala kung kailan ba noong huling lumabas kami ni mommy. Kapag kasi lalabas kaming dalawa, may errand na kailangang gawin.

Pero dahil madalas natatapos ko nang mag-isa ang mga kailangang gawin gaya noong pagbili ng school supplies ko, pagbabayad ng utilities, paggogrocery, at iba pa ay wala na kaming naiiwang dapat gawin kapag day off si mommy. Kaya nakakapagpahinga siya.

"Avien, bakit late kang umuuwi?" Napaangat ako ng tingin mula sa pagkain dahil sa biglang tanong ni mommy.

"Huh?"

"Sabi ng Tita mo kapag dumaraan daw sila ng bahay, wala pang tao. Wala ka pa sa bahay. Saan ka nagpupunta?"

"Sa school lang, mi."

Her eyes were scrutinizing.

"Mayroon kaming pinapractice para sa Buwan ng Wika. As a section. Kaya hindi ako nakakauwi kaagad."

Tumango siya at uminom ng tubig. Tumagal ang tingin ko sa kaniya, tinitignan kung nakakahalata ba siya o may alam na at sinusubukan lang ako. Pero wala namang kakaiba. Mukha namang kumbinsido siya sa sagot ko.

Pagkatapos kumain, gusto ko pa sanang bumisita sa book store pero parang hindi ako kumportableng paghintayin si mommy kaya nag-aya na rin akong umuwi.

I lied down on my bed as we got home and looked forward to tomorrow.

*  *  *

August 12, 2023

Captured in His Eyes (The Art of Life #1: Art Version) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon